Kabanata 8

318 8 0
                                    

Delicante Brothers: Ngayong Akin Ka
Kabanata 8
Masaya

He’s been chuckling and smiling all because of me. Tuwang-tuwa siya kapag nagsasalita ako na hindi ko naman alam kung bakit.

Sobrang maganda ba ang boses ko? Sa pagkakatandan ko diyan ako sablay. Kahit anong paganda ko, para pa ring ipit na tunog mula sa takure. Mas maganda pa nga yata ‘yong aktwal na tunog kaysa akin.

“Kung maligayang-maligaya ka pala sa presensya ko baka maging mayaman ako niyan dahil sa ‘yo,” puna ko habang kumukuha ng piraso ng cake sa dessert ko.

Tumikwas ang kilay niya, tulad ng mula pa kanina sa sasakyan, mapaglaro na ang mga mata niya at tila ba aliw na aliw siya sa akin.

“Why do you think so?”

“Baka kasi kunin mo ako nang kunin niyan. Ay, naku!” bumungisngis ako sa sinabi.

Ewan ko ba. Simula nang sabihin niyang akin ang sampung milyon ng walang halong kahit na anong sekswal na gawain, bumalik ‘yong pakiramdam na magaan siyang kasama tulad noong birthday niya.

Maybe because I’m starting to see him again as less of an asshole than before?

He tilted his head and licked his lower lip sexily. He fixed his collar in the most daring way that I almost had messy thoughts. Babae pa rin naman ako sa harap ng gwapo at ma-sex appeal na lalaki, ah!

“You’re not going to stop doing this job even after I paid you ten million?” he asked, his forehead a bit creased.

Ngumuso ako at kinuha ‘yong wine sa lamesa, sumimsim doon at ngumiti.

“Binabalak ko na nga rin ‘yan. Mababayaran ko na ‘yong pagkakautang kong dalawang milyon-hindi akin iyong utang, ah!” agap ko agad.

He chuckled and nodded, his eyes telling me I should go on because he’s interested in everything I’ll say.

“So ‘yon nga… gusto ko na tumigil kasi makakabayad na ako tapos may matitira pa. It’s either ibibili ko ng condo ko na akin talaga o bahay na mumurahin o magsisimula ng negosyo. Kapag kasya sa dalawa, go. Malaki na rin naman ang milyon.”

“What kind of business are you going to start?”

“Hindi ko pa alam.”

Iyon ang totoo. Hindi ko namang matagal napag-isipan ‘to.

Sumubo ulit ako ng cake, paunti-unti lang kahit na gusto kong isahing kain na ‘yon. Siyempre, baka masalahulaan naman siya sa pagkain kong akala mo’y hindi kumain ng isang linggo.

“Nakatapos ka ba ng college?”

Tumango ako.

“Hindi ko nga lang gusto iyong course kaya kung isa-suggest mo na magtayo ako ng karinderya o kaya naman ay pastry shop, huwag na.”

Ngumiti ako ng hilaw. Hindi ko talaga trip ‘yon. Mama ko ang may trip noon. Palibhasa kahit ganoon siya, ikino-consider ni tatay ang kagustuhan para sa akin kaya kinumbinse ako nito.

“Wala pa akong naiisip diyan, e. May suggestion ka ba?” try lang baka meron.

He’s a businessman, right? Siguro may mga naiisip siya? Hindi pa naman nawawalan ng visual sa business ang mga ganito.

“Magandang magsimula ka sa hilig mo. Matututukan mo ‘yon ng oras at pansin dahil hindi ka maiinip sa ginagawa mo. Make it a hobby first, then a business.”

Napaisip ako. Ano ba ang hilig ko? Sumayaw? Ano naman ang itatayo ko? Strip club o bar?

Ngumiwi ako. Ang mahal noon, ah. Parang hindi ko ‘yon kaya. Ang hirap pa naman makipagkompetensya sa business world. Hindi ka mawawalan ng katalo diyan. Para kang laging may kaaway, hindi nga lang pisikalan. Babantayan ang bawat galaw mo at siyempre dapat ganoon din ako.

Delicante Brothers: Ngayong Akin Ka (Zohan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon