Kabanata 19

253 7 0
                                    

Delicante Brothers #1: Ngayong Akin Ka
Kabanata 19
Iuuwi

I distanced myself from texting Zohan after what I saw. Hindi naman ako malanding babae at mas lalong hindi ako ang tipo ng babaeng naubusan na ng moral.

It is basic for a woman to respect another woman. No matter how close Zohan and I, there should be limits or I should clearly distance myself for the better.

Kaya naman kahit text na nakasanayan ko, hindi ko na rin ginawa.

Why would I continue asking him how his day went? He has his girlfriend ask him that.

It doesn’t really matter if we’re close. It doesn’t matter how good of a friend he is to me and vice versa.

Mabilis lumipas ulit ang isang linggo. Ginawa kong abala ang sarili sa pakikipagtawagan sa foreman para magkaroon ng update bawat ikatlong araw.

After two weeks, I paid them a visit.

Ngayon ko lang nalaman na mabilis pala makapagpatayo ng bahay o apartment basta kumpleto sa gamit at sapat ang tauhan. Maganda pa naman ang mga araw kaya walang napupurnada.

Day off nga lang nila kapag linggo pinipilit kong makadalaw ng Sabado.

Two weeks and I felt like I was doing nothing. Maliban nga roon sa pagbisita, pag-contact sa supplier ng kagamitan, sa engineer at sa kaibigan kong si Amari.

Miminsan ay dumadalaw ako sa Amarina pero dahil masyadong busy ngayon at sunod-sunod ang mga kliyente, wala rin ako masyadong makausap.

Amari has a problem with her boyfriend. Dahilan kung bakit lagi itong nagtutungo sa opisina para yata suyuin siya at siyempre, hindi ako mananahimik doon.

No way na panonoorin ko silang magsuyuan.

For that night of Friday, I am messeing with Amari through our group chat. si Katarina lang at Cecil na baguhan pa lamang ang online, at of course, si Amari.

Amari:
Ayaw niyo nga? Biglaang party daw kasi ito para sa apat na kalalakihang ‘yon.

Cecil:
Bata pa?

Umismid ako. Kapapahinga lang ng dalawa pero mukhang masasabak pa, ah?

Katarina:
Go naman ako basta hindi tulad noong nakakaraan ko, Miss Amari. Bastos, e.

Ngumiwi ako sa nabasa at agad na nag-type.

Ako:
Binastos ka? Nagbayad ba, @Amari?

Cecil:
Nagbayad. Matatanda na ‘yon. Kaya lang nagyayabang yata at hapon kaya ganoon.

Lalo akong ngumiwi. Naalala ko ‘yong dating hapon din na muntikan pa akong ipasok sa lintik na gang nila.

Mabuti na lamang at marami kaming magkakasama roon at ang hapon ay business partner ng isang kilalang tao na humahabol for councilor. Siguro kung ‘di botohan noon, ‘di rin kami tutulungan noon makaalis ng buhay.

Amari:
Hindi na ako tatanggap ng hapon.

I typed my message.

Ako:
Thank god! Ewan ko pero parang lahat ng hapon na nagiging kliyente natin bastos o kundi naman bayolente.

Nawiwili ako sa pakikipag-usap nang makatanggap ng mensahe kay Zohan.

Pangalawang mensahe niya ngayong araw ‘to. Every two days, he would send me a message, asking how I was. Pero nitong nakakaraan, mas dumadalas.

Alas dose pa lang, pangalawang mensahe na. Normally sa tanghali ang una, pangalawa sa gabi, ah?

Zohan:
Is there a problem?

Delicante Brothers: Ngayong Akin Ka (Zohan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon