"Arriving at Marikina Station, this train is up to Recto Station. Paparating na sa Marikina Station, ang tren na ito ay hanggang sa recto."
Nahimigan ko ang tunog ng tren at pinanood ang marahang paghinto nito.
Its my first week here in Antipolo. Isang linggo narin kasi nang malaman ko at ng family ko na may sakit ako. Sa sobrang pag-aalala nila ay napagdesisyonang sa Antipolo, which is our Family's house, muna ako mag-stay with them para kuno mabantayan.
But since isang linggo narin naman akong 'Okay' napilit kona din silang hayaan na akong bumalik sa pagpasok sa school.
And now, bumabyahe ako mag-isa, sakay ng tren kasi hindi ako pinayagan mag drive mag-isa kasi malayo daw at baka atakihin ako habang nagda-drive. Naghahanap palang ang parents ko ng driver for me this past few days.
Bumukas ang pintuan ng tren at kasabay na pumasok ng mga tao ang malakas na hangin galing sa labas.
'Makulimlim, mukhang uulan mamaya' sabi ko sa aking isip.
Nang magsarado na ang pinto ng tren at muli itong umandar, may dalawang puting sapatos ang huminto sa mismong harap ko.
Malinis ang mga ito kaya medyo natuwa ako. Pero hindi na ako nag abala pang sulyapan kung sino ang may suot.