GONE

1.1K 18 0
                                    

Today is the day that I'll finally get a new heart.

Kabadong-kabado ako.

I was brought to a room kung saan gaganapin ang operation. Habang papunta sa kwarto ay nadaanan kopa sila Mom and dad kasama si Yvo. Yvo kissed my forehead and beg his parents na huwag akong pabayaan. They assured naman him.

Hindi pa nagsisimula ang operation ay nag-iiyakan na ang mga parents ko, napatawa nalang tuloy ako. Hindi ko din natanawan si ate.
Pagdating sa kwargo ay isang malaki at maliwanag na ilaw ang bumungad sa harap ko. Hanggang sa sumulpot ang ulo ng papa ni Yvo. May mga sinabi siya saakin, information about the surgery, pangpa-gaan ng loob, and prayers.

Pagtapos non ay may itinurok na sila saakin na agad naman akong dinapuan ng antok.

<¤><¤><¤>

(Yvo)

Thirty minutes palang ang nakararaan pero parang ilang oras na sa pakiramdam.

Pabalik balik ang lakad ko sa hallway, hindi mapakali. Oo may tiwala ako sa mga magulang ko pero may mga 'What if' padin eh.

"Ijo, maupo ka muna dito. Nahihilo kami sa ginagawa mong iyan." Napatigil naman ako kagad ng sabihin iyon ni tita at umupo hindi malayo sa kanila.

"Makakayanan yan ni, Ash. Malakas yun eh. Simula bata palang siya natuto na kagad siyang tumayo sa sarili niyang mga paa. We are too busy kasi kay Ashantie na hindi na namin siya nai-guide. Kusa nalang niyang natutunan kung paano mabubay sa mundong ito. Hanggang ngayon, she is surviving on her own. We have regrets but we are also proud of her. Mabuti ng tao, matalino pa." Sanaysay ni tito.

"Yvo, pagtapos nito. Pag naging okay at malakas na ulit si Ashryfah, ikaw na muna ang bahala sa kaniya ah. Huwag mo siyang iiwanan, ipinagkakatiwala namin sayo ang anak namin. Magpapahinga muna kami saglit. Kalahati kasi ng pagkatao namin ang nawala rin, sana naiintindihan mo."

"Yes po, I understand." I shared sympathy with them.

'Kung papapiliin sa dalawang nalulunod, sasagipin ba si Ash o si Ashantie. Ang sagot ay hindi na kailangan mamili, kasi kusa ng magpapalubog si Ashantie para si Ash nalang ang iligtas. '

After sooo many hours, lumabas narin sa kwarto ang mga parents ko kaya agad namin silang sinalubong.

"The operation is successful, for now she is..." May mga sinabi pa silang kadugtong pero hindi na iyon pumasok sa tainga ko. Niyakap ko sila bilang pasasalamat.

Mukha na din silang pagod na pagod.

We shred tears of joy for saving her and after it, the pain of losing her.

<¤><¤><¤>

When I opened my eyes the familiar ceiling was the first thing I saw.

Pinakiramdaman ko muna ang sarili ko bago umupo mula sa pagkakahiga. Nilibot ko ang paningin ko at nakitang mag-isa lamang ako sa kwarto. hindi ko alam kung gaano katagal na akong tulog, pero ang masasabi ko ay magaan na ang pakiramdam ko ngayon, nakakahinga nadin ako ng maayos.

Dumapo ang kamay ko sa aking dibdib. Napaka gaan sa pakiramdam. Isa lang ang ibigsabihin nito, nagtagumpay ang operation. 

Sobrang saya ko at nagawa kong yakapin ang sarili.

Gusto ko silang makita. 

Nasan sila Yvo? Mom? Dad? Ate...

Itinapak ko ang mga paa ko sa sahig at unti-unting naglakad ng marahan. Napangiti pa ako kasi sobrang kakaiba sa pakiramdam pag may isang parang imposible kang nalagpasan. Para akong nasa bagong katawan.

Choose me, Yvo.Where stories live. Discover now