"Who really is Maxivon?"
"Saglit lang, may tanong pa nga din ako eh." Pahayag ko.
"Sige ano yon?"
"Narinig ko sa mga kaibigan mo na allergic ka daw sa mga babae, ano ibigsabihin nila don?"
"Well that is true, wala akong ibang nilalapitan na babae sa campus or kahit saan. At kung magtangka man sila sakin, tinataboy ko din kagad. Ayaw ko kasi makihalubilo o makipag usap sa mga babae, maliban nalang kung about din sa school ang pag uusapan. Kaya tinatawag nila akong allergic sa babae. "
"Bakit? Hindi ka interesado?" Tanong ko.
"Yup. That's why I've never been in a relationship. You are my first in everything, Bbi. The only exception. Sayo lang ako ganto, kaya ganon lang din ang reaksyon ng mga yun kanina."
"I see..." kikiligin naba ako? Char, kanina pa nga ako parang nakalutang sa langit eh.
"Maski ako, hindi ko expected na may ganitong side pala ako."
"Swerte ko naman pala. Hehe~ ako ang kauna-unahang naka witness ng side mong to."
"Ikaw lang, Ashryfah. Kauna-unahan at kahuli-hulihan. Sayo lang."
Nagkalinawan pa kami ng matagal at hindi na nga napansin ang takbo ng oras. Kwinento ko din kasi sa kaniya lahat about kay Maxivon.
Maliban kay Maxivon at Sarah, siya palang ang pangatlong taong pinag-openan ko ng sarili. At sobrang nakakagaan ng loob.
Hindi nga lang maiiwasan yung pag igting ng panga niya at pagsasalubong ng kilay sa tuwing mababanggit kong matagal akong nagkagusto kay Maxi o siya lang ang lalaking nagustuhan ko. Pero pinaliwanag ko rin naman na iba na ngayon dahil nandito na siya.
"Dito kana kaya magpalipas ng gabi? May isa pa namang kwarto, dun ka nalang matulog. Anong oras na kasi eh, baka mapahamak kapa sa daan." I suggested.
"I dont think that's okay, Bbi." Malambing na tinig niya ang yumakap sa tenga ko.
"Huy ano ka ba, kesa naman may mangyari sayo sa labas. Pwede mo namang gamitin mga damit ni Maxivon dito para bukas."
Dahil sa pagpupumilit ko ay napapayag ko narin siya sa wakas.
Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari, nakilala ko lang sa LRT noon jowa kona ngayon. Ehe~
"Goodnight, Bbi. Sleepwell haa maaga pa tayo bukas." Para talaga akong kinikiliti sa tuwing tinatawag niya ako niyan.
"Uh-hmm. Ikaw din, goodnight sayo. " Tumango ako sa kaniya saka ngumiti bago pumasok sa kwarto. Ganon din naman ang ginawa niya.
Nang maisarado kona ang pinto ng kwarto ko, bahagya akong napahawak sa kumakalabog kong dibdib. Marahan ngunit mabilis din ang paglalakad ko patungong kama para doon ay ibaon ang sarili.
'Ang sarap sa feeling.'
Sana ganto nalang palagi.
Natulog ako nung gabing iyon ng hindi nabubura ang ngiti sa labi.
Kinabukasan, malaki kagad ang ibinungad kong ngiti kay Yvo. Di ko kasi talaga mapigilan.
Isang Ybaru Valentine Lorenzo ba naman iharap sayo first thing in the morning, sabihin mong hindi ka mapapangiti.
"Nakaka inspire naman lalo gumising sa umaga kung ikaw agad bungad. Literal na good morning." Banat ko sa kaniya.
Nakita ko pa ang pag-angat sa gilid ng kaniyang labi. Ngunit agad din niya iyong tinago.
"You are prettier than the sun, Ash." Ipinaghila niya ako ng upuan at pinaupo doon habang nag hahanda siya ng makakain namin.
This is the best sunrise moment in my entire life, like for real. Starting a day with him is peaceful, sweet, warm and lovely.
Hinihiling ko na sana maulit ulit, na sana araw-araw nalang siya ang bungad saakin, sana ganito nalang talaga palagi.
"Fresh na fresh ang anteh ah. Masarap tulog? Parang nakaraang araw lang wala ka sa mood." Sambit ni Sarah habang nag aayos kami dito sa restroom. May oras pa bago mag simula ang unang klase kaya as usual nag chismisan muna kami.
"Payapa talaga tulog ko kagabi bhe. Mainggit ka."
"Anyare? Nagkita kayo kahapon ng jowa mo no?"
"Oo, di mo keri yon. Dami mo kasing jowa, di mo na alam sino kikitain." pang-aasar ko sa kaniya.
"Ulul, single na ulit ako ngayon."
"Wow! Kunwari nalang nagulat ako."
"Parang tanga BWAHAHAHAHA"
Nakatitig lang ako kay Sarah sa salamin. Ni hindi ko magawang tumawa kahit tawang-tawa na siya, alam ko kasing may iba sa kaniya ngayon.
Kanina niya pa pinipilit yung sarili niya maging mukhang masaya. Akala niya siguro di ko mapapansin, dinadaan niya pa ako sa kwento.
'Ulol, Sarah. Tagal-tagal na nating magkaibigan eh.'
"Huy bakit ka nakatitig sakin? Hindi tayo talo ah. Di ako pumapatol sa may jowa na." She joked.
"Sarah, may problems kaba? I know you're not okay right now. Pwede mo naman sabihin saakin, makikinig ako." Malumanay kong sabi.
"Haa? Wala noh. Normal na normal ako ngayon, ikaw porket masaya ka lang ngayon tingin mo malungkot na yung mga nasa paligid mo." Aniya. "Huwag ganyan, Ash. Nakakasama kana ng loob. Huhu akala ko ba ako lang?"
"Che, sino kaba?" pakikisabay ko nalang din sa biro niya. Halata naman kasing wala talaga siyang balak sabihin sakin yung pinagdadaanan niya.
'Mag-aantay nalang siguro ako hanggang sa siya na ang magkusang magsabi sakin.'
Ayaw ko siyang pilitin ngayon, kung hindi naman iyon ang ikagagaan ng loob niya.
"Ice cream tayo mamaya." pag-aaya ko habang pabalik na kami sa room.
"Sure. Basta libre mo."
"Lagi naman eh."
"BWAHAHAHAHHA"
Habang nagkaklase ay tumatakbo ang isip ko sa madaming bagay. Pero nangingibabaw ang pagka miss ko sa kaniya.
Eme.
Kaka announce lang ng prof namin na malapit na ang bakasyon, matutuwa na sana kami kaso may pahabol pa siyang...
"Ang bakasyon niyo ay mangyayari after exam. Especially pagnapasa niyo yung test, pero pag hindi edi walang bakasyon na magaganap."
Kinginang yan.
Kung malapit na ang bakasyon, mas malapit naman ang exam.
For sure magiging busy kami neto. Mas lalo kong mamimiss si Yvo. Eme ulit.
Natupad nga ang ice cream na plano namin ni Sarah kanina. After class kasi dumaan muna kami sa The One para doon bumili. Malapit lang to sa UST kaya binalak kong dito nadin kitain si Yvo.
"Papasundo ako sa jowa ko ngayon, hatid kana namin senyo." Untag ko.
"Huy gago true ba? Edi makikilala ko na siya finally? Oh my!!"
"Kalmahan mo bhie. Akin na yon. Di porket single ka nanaman ngayon..."
"Iyo na. Ikaw pa agawin ko sa kaniya eh BWAHAHHAAHHAHAHA"
"Siraulo ka talaga." natatawa ko nading sabi.
"Ashryfah." sakto namang narinig ko ang pagtawag ng pamilyar na boses saakin.
Nilingon ko iyon at natanawan ang poging-pogi kong jowa. Ehe~
"Yvo!" Pinalapit ko siya saamin at pinakilala sa bestie ko.