His hair is still a bit wet pero patuloy niya iyong pinupunasan. Saktong-sakto din ang damit ni Maxivon sa kaniya.
Kahit kakatapos lang maligo ang pogi niya parin.
"Hindi ka padin kumakain?" Tanong niya nang makalpit saakin.
"Inaantay kita. Sabay tayo" Tumayo ako at hilina ang pala pulsuhan niya papasok ng kwarto. "May blower ako, tulungan kita magpatuyo."
Ngumiti ako sa kaniya at tinanguhan naman niya ako. Pinaupo ko siya sa upuan ng study table ko saka ako nagsimulang magpatuyo ng buhok niya.
Nakapikit siya habang ginagawa ko ang buhok niya, napansin ko tuloy ang mahahaba niyang pilikmata ngayong wala siyang suot na salamin.
Ilang saglit pa iminulat niya ang mga mata niya kaya nagtama ang aming mga tingin.
"Ashryfah, you know you are pretty right?" He suddenly asked.
Pinatay ko ang blower at sinuklay-suklay ang buhok niya.
"Hmm? Bakit?"
"Do you believe in love at first sight?"
"Not really? I dont know." Parang ang hirap naman kasing paniwalaan na inlove ka kaagad sa isang taong kakakita mo palang. Wala ka ngang alam sa taong iyon, paano mo nagustuhan? By the looks?
"Pano kung sinabi kong I like you the very first time I saw you."
"HUH?!" Dont tell me, na-love at first sight siya saakin sa lrt?
"I like you, Ashryfah. Sa unang pagtatama nang mga mata natin, nung una kong masilayan yung ngiti mo, nang mahimigan ko yung tinig mo. Sa unang araw palang, Ash... Alam kong nadawit mo na ako."
Hindi ko alam kung bakit bigla siyang nagko-confess, pero yung dibdib ko para akong gagawing bingi. Init na init nadin yung mukha ko, ni hindi nga ako makapagsalita.
Oo madami nadin ang umaamin saakin noon palang, pero ibang feelings to. Grabe yung impact niya.
Sobrang lakas ng dating saakin.
"I-uhm..."
"You dont have to say anything. Gusto kita, yun na yon. But if you don't like me too, then I'll work hard for it. I will court you."
"Pala desisyon ka naman. Hindi mo man lang tinanong saakin kung papayagan ba kitang manligaw saakin."
WAHHH!!!! SINIRA KO YUNG MOOD!!! I'M SO BAD AT THIS!!! WINAWALA NIYA AKO SA SARILI!!
"Oh. Ayoko ng magtanong, baka kasi umayaw ka talaga..."
"Assuming mo sis. Ligaw lang naman, niloloko ka lang eh BWAAHHAHAH."
"Really? Okay lang?" Tumayo siya at humarap saakin kaya ngayon ay nakatingala ako sa kaniya ng slight.
"I mean, its a way for us to get to know each other more deeply. So yeah..." Pagkatapos non ay napayuko ako at pinaglaruan ang mga daliri. "Pero natatakot din ako na baka dahil dito masira yung binubuo nating friendship."
"I will never stop being friends with you if ever bastedin mo ko, unless you say so."
"Hmm..." Muli akong nag-angat ng tingin sakaniya para lang makita ang sinseridad na namumutawi sa mga mata niya.
I gave him a smile.
Pagkatapos ng pag-uusap naming iyon ay kumain nadin kami habang nanonood ng movie.
We enjoyed it. That very moment. Walang awkwardness. Parang mas lalo nga kami naging close.
"Papakilala kita sa mga friends ko, gusto mo ba?" Tanong ko habang pareho kaming naghuhugas ng mga plato.
"Are you sure? Yes, of course gusto ko." Kuminang ang mga mata niya na parang batang nabigyan ng candy.
Plano kong next week nalang, since may magaganap na pagkikita-kita kami nila Maxivon. Ayaw ko nga sanang sumama kasi nandon din si ate, pero anong magagawa ko kung si Maxi na nag-aya?
Kinabukasan, sinundo ako ni Yvo sa condo na may dalang tulips. Talagang paninindigan niya yung panliligaw. Kabahan kana ba, Maxivon?
Ay paano pala siya kakabahan eh una palang wala naman siyang nararamdaman.
Siguro nga mas dapat na magfocus nalang ako ngayon kay Yvo dahil siya yung nandito sa tabi ko, siya yung may gusto saakin, mas may pag-asa ako sa kaniya, at mas deserving siya.
Si Yvo.
"How's your sleep?" He asked while turning the engine on.
Balik white unif nanaman ang mga suot naman. Pero gaya nga ng sinabi ko, kahit anong porma, pogi siya.
"Good! Napaka comfortable talaga sa sarili mong kwarto. How about yours?" balik kong tanong.
"Hmm, I couldn't get enough sleep." sagot naman niya na may pilyong ngiti.
"Bakit? Nagkape ka siguro."
"No. It's just that... You keep popping in my head. Parang sirang plaka, nagpapaulit-ulit yung boses mo sa isip ko nung sinabi mong okay lang manligaw ako."
Sa daan siya nakatingin dahil sa pagmamaneho, pero ako ay masinsinan siyang pinapanood habang sinasabi iyon.
Hindi ko alam kung aware ba siya but his ears are flushed red.
So, ganto pala kiligin ang isang Yvo.
"Yun palang hindi kana makatulog, pano pa kaya pagsinagot na kita." Napahagikgik ako.
"Bakit hindi natin subukan para malaman?"
"Ha?"
"Sagutin mo ako, para malaman natin kung papaano ako mamaya."
Isipin ko palang na kami na ni Yvo... Feeling ako naman itong namumula.
"C-che! Swerte mo naman. Ano tingin mo sakin madali? Maghihirap ka muna, Yvo." It's a lie.
Konting panunuyo niya lang saakin ay alam kong bibigay na ako. Gusto ko lang talagang rumebat.
Ma-pride ako eh.
"Haha, I'll gladly accept anything basta galing sayo. Kahit anong pagpapahirap mo, basta ikaw."
Konti nalang talaga, Yvo. Makukuha mo na ako.
Pagdating ko sa room ay nakataas kilay na sinalubong ako ni Sarah.
"Problema mo, sis?" umupo ako sa upuan ko habang siya ay tumabi naman saakin.
"Balita ko ipinagpapalit mo na daw ako."
"Shala, ang bilis mo naman malaman. Pero true, okay lang naman sayo diba?"
"Tanginamo naman."
Nagtawanan kami pareho dahil sa pag-uusap na iyon.
"Sino nga ba kasi yung kasama mo kumain nung chicken?" ahh, so ayun pala yung kinatataas nung kilay niya.
"Dika padin tapos don?"
"Hindi. Kasi ayaw mong sumagot."
"Ako nga langgg"
"Lul bhie. Kung ikaw lang talaga bakit nangingiti ka ngayon?"
Ha?
Kinapa ko ng bahagya ang pisngi ko para lang malaman na naka angat nga talaga ang magkabilaang sulok ng aking labi.
Hindi ko man lang napansin.
"See? Kaya di mo ako maloloka, babaita. Sino yon?"
Buking na niya talaga ako. Bahala na nga, papakilala ko din naman si Yvo sa kanila soon eh.
"Oo na oo na. May kasama nga ako, binilhan niya akong chicken kasi nagugutom na ako after namin mag linis ng condo. And guess what, bf ko yon."
Fudge.
Huwag lang sana malaman ni Yvo ang tungkol dito.
Bakit ko nga ba kasi tinawag na bf si Yvo? Huhu.
Nadala lang po ako ng emosyon. Huhu.
"Ay what the fvck ka talaga." hindi ko ma-explain yung reaksyon ni Sarah.
Para siyang gulat and proud at the same time. Hindi lang yon pero basta.