RAISE A TOAST

1K 15 0
                                    

Nang mapag-iwanan kami ay nanatili lamang akong tahimik at hinihintay siya na magsalita.

Nung nagising ako dito sa hospital, ang mukha niyang puno ng pag-aalala ang isa sa mga nakita ko. Nakita ko kung paano siya magsayang ng luha para saakin. Kung paano siya nakahinga ng maluwag nung makita akong dumilat. Nakita ko kung paano niya ako inalagaan.

"Ash, how are you feeling?"

"Hmm, Okay na ako emotionally but physically hindi." Pagsasabi ko ng totoo.

Dahil sa pinakita niya saakin nitong mga nakaraang araw, medyo nawala ang hatred ko sa kaniya.

"You'll get well soon, Ash. Magpakatatag ka lang." Gusto kong maniwala sa mga sinasabi nila, pero itong nararamdaman ko ang mas nagpapatibay na hindi narin ako magtatagal. Baka nga kaya nagising lang ako ulit ay para makapag paalam sa kanila ng maayos.

Nandito na ako sa hospital, pero wala paring nagbago.  Nalagyan lang ako nitong mga aparato pero nanghihina padin ako. Hanggat walang surgery na mangyayari, hindi din ako magiging okay.

Isang beses nga ay narinig ko ang pag-uusap nila ate at nung doctor dito sa tabi ko, kakatapos lang kasi ako nung i-check. Akala siguro nila ay nakatulog na ako.

"She needs an urgent surgery, Miss. Hindi na natin pwede pang patagalin to ng ilang araw, masiyado ng malala ang kundisyon niya dahil narin sa matagal siyang hindi nakatanggap ng medication. Kaya as soon as possible sana maoperahan na siya."

"Eh wala pa pong donor, Doc..." Nalulungkot na sambit ni Ate.

"Meron na sana nung nakaraan, we're about to inform you kaso kinuha din ng mayor for his daughter. I'm sorry about that, hindi rin kasi naman magawang tanggihan eh."

"That's upsetting... Tutulong nalang din po kami sa paghahanap, baka sa ibang mga hospitals or what."

"That would be nice, then, as of now ito palang ang magagawa namin for the patient."

I was losing hope.

Ganon narin naman siguro ang naiisip nila, pero di lang nila matanggap kasi ayaw nila akong mawala.

"Gusto ko nalang maging masaya hanggang sa huling paghinga ko, ate. Huwag na kayong mamroblema sa paghahanap ng donor ko." pinagtuonan kong muli ng pansin si ate.

"Maging masaya ka lang, Ash. Magiging matagal pa yang huling paghinga mo, mabubuhay ka pa ng mahaba eh." Umupo sa tabi ng kama ko si ate at hinaplos ang ulo ko. "We finally found a heart for you.. Isn't that great?" Maluha-luha ang mga mata niya na ngumiti saakin.

Nagulat naman ako at hindi makapaniwala.

"R-Really? Paano? Maooperahan na ako? Mabubuhay pa ako ate? Mabubuhay pa ako?" Sunod-sunod ang naging buhos ng tanong ko sa kaniya.

"Yes. Mabubuhay kapa, sabi ko naman sayo eh. Ooperahan kana next day, so be ready haa, and be strong. Yun nalang ang kailangan mong gawin, survive the surgery and you will be able to get out of this hospital. Magagawa mo na lahat ng plano niyo at matutupad narin ang mga pangarap mo."

"I am so thankful, ate. Sobrang saya ko..."

"Madami kaming nagmamahal sayo, kaya syempre hindi ka pwedeng mawala. Nga pala, sila Mommy Daddy palang ang nasabihan ko nito. Ikaw na ang bahalang kumausap sa boyfriend mo." tumango-tango ako sa kaniya.

Dahil sa nakahiga lang ako, malamang hindi ko magawang umupo eh, hinila ko nalang siya palapit saakin para mayakap.

After non ay nag-usap pa kami tungkol sa ibang mga bagay-bagay. We watched Netflix and we do advance study. We took selfies too. These are the things that we never did once before.

"Let's go shopping after I get discharge." Pag-aaya ko. Ngumiti naman siya at tumitig saakin bago tumango.

"Hmm, let's do that. We will do whatever you want once you're finally okay. Pero sa ngayon kailangan mo na munang magpahinga, kailangan mong mag-ipon ng lakas para sa surgery, okay?" Inayos niya ang kumot na nakatakip saakin at hinimas-himas ang ulo ko. "I love you, Ash." sinabi niya iyon bago lumabas ng kwarto. Hindi rin naman nagtagal ay nakatulog narin ako.

Nagkaroon ako ng magandang panaginip nung gabing iyon. Sa panaginip ko masaya kaming lahat na nagpipicnic sa isang park. Ako, si Yvo, our friends, si ate at ang mga magulang namin. May mga pangyayari pa pero hindi kona maalala eh.

Kaya maganda din ang naging mood ko pagkagising, nakahiga man ako buong araw, nagkaroon naman kami ng best quality time. Parang yung sa panaginip ko, ang pinagkaibahan lang is wala kami sa park. Kundi nasa hospital. But its okay, aalis narin naman kami dito.

"Tomorrow is your surgery day, lakasan mo sarili mo haa." Dahil sa sinabi ni Mommy biglang naging emotional ang atmosphere. Lahat kami napatahimik.

We are aware of what's the pros and cons of this so called surgery. Puso ang pinag-uusapan dito. Pinakamahalagang parte ng katawan natin, at aalisin lang naman yung puso ko para makabitan ng bago. Parang ang dali lang gawin noh?

"I'll do good tomorrow, gusto ko pang mabuhay eh..." Pagpapalakas ko sa loob nila. Pero maski ako ay natatakot din.

"Bawasan mo din ang pag-aalala mo kasi bukas parents ko ang magpeperform ng surgery to you. Magagaling silang doktor, Ash. Sinasabi ko sayo ito hindi dahil sa anak nila ako, kundi dahil sa magaling talaga sila. Kaya magtiwala ka sa kanila at sa sarili mo." Napangiti ako ng marining iyong balita galing kay Yvo.

Para talagang napanatag ako.

"Oh narinig niyo yon? Kaya wag na kayong malungkot diyan."

"Tama, bakit ba tayo nagmumukmok? Dapat nag cecelebrate tayo kasi magiging okay na si Ash." Tumayo si ate at nag buhos ng water sa mga cup at iniabot yun saamin isa-isa.

Inangat niya ang kaniyang cup na naglalaman din ng tubig at nagsalita.

"Let me raise a toast for the brave lady that conquered all pain and now living happily with the people she dear the most, as long as she wants."

Pinagsangga namin ang mga cup naming hawak saka ininom iyon. Pagka tapos ay nagkasiya nanaman kami.

Huli na ng mapansin ko ang ibigsabihin ni ate, kung bakit parang past tense na ang mga ginamit niyang term. Sana pala hindi ko nalang hiniling madugtungan pa ang buhay ko.

Choose me, Yvo.Where stories live. Discover now