YES, INDIRECTLY

1.2K 16 0
                                    

"Thank you sa inyong tatlo huhu, ang galing lang na kilala niyo talaga siya. Feeling ko dinala talaga kayo ng langit para saakin. Salamuach huhu." Pagbigay pansin ko sa tatalong lalaking tahimik na nanonood samin.

"They're my friends, Ashryfah. Si Samson (Guy 1), Aipaul (Guy 2), And Vivon (Guy 3)." Pagpapakilala ni Yvo sa kanila.

Hindi lang pala sila magkakilala, magkakaibigan pa! As in close friends. As in circle of friends to ni Yvo!

'Ang galinggg!!!'

"Oonga pala, nag bake ako ng cookies. Here, para sayo yan Yvo, pero share-an mo nadin sila. Laki ng tulong nila saakin. I'm so glad na I met your friends too."

"Tsk, solo kona sana to..." bulong ni Yvo saka tiningnan ng masama ang mga kaibigan niya.

"Pwede naman kitang ipag-bake anytime." Bulong ko din sa kaniya.

"Uhm, so hindi mo ba siya ipapakilala saamin, Val?" Maingat na tanong ni Samson.

"Oonga. Val, parang hinugot yung mga kaluluwa namin kanina nung ikaw pala ang hinahanap nitong magandang dilag. Taga ibang university pa to oh." Ani rin ni Vivon.

"No. Take half of these cookies and go back inside." masungit na pagsagot ni Yvo.

Napakamot naman silang tatlo sa mga ulo saka kinuha ang paper bag na naglalaman ng cookies.

"You have lotta' explaining to do later, Val." - Aipaul.

Nang tuluyan na silang maglaho saaming mga paningin, muli naming itinuon sa isat-isa ang buong atensyon.

"Pauwi kana? Hatid na kita sa condo mo."

"Actually, gusto talaga kitang maka-usap ngayon. Kaya ako pumunta dito." Matapang kong pag-amin. "Busy kaba?"

Matagal bago siya nakasagot.

"I'll get my things and my car. We'll talk at your place." Dipa man ako tuluyang nakakapag react, umalis na siya sa harap ko.

Ang seryoso niya... Ako lang ata ang masaya na nagkita kami ngayon.

May kung anong kumirot nanaman sa puso ko. Maya-maya pa, tumigil sa harap ko ang Mercedes ni Yvo. Pinagbuksan niya ako ng pinto at pumasok naman ako doon.

Tahimik lang kami buong byahe, kahit sobrang dami kong gustong sabihin mas pinili ko nalang maghintay hanggang sa maka-uwi.

Tumigil pa saglit si Yvo sa drive-thru ng mcdo para bumili ng foods. Nang ma-realized ko naman na hindi nga pala ako kumain ng tanghalian ay agad kong naramdaman ang pagkulo ng tyan. Nagugutom na ako.

Nang magpatuloy ang andar ng sasakyan, pumapak lang ako ng pumapak ng fries. Mamaya na ako kakain sa condo ng kanin, kasabay si Yvo.

Pagkadating, tahimik parin kami.

Hanggang sa kumain, tahimik padin kami.

Pero nang matapos na akong kumain, hindi kona natiis at binasag ang katahimikan.

"May nasabi ba sayo si Maxivon, Yvo? Oh hindi mo ba nagustuhan na hindi ko sinabi sayong may kaibigan akong lalaki at pupunta siya nung gabing iyon? May... May problema naba tayo?"

"What are you saying?"

"Nag-iba ka kasi bigla... Ayaw mona ba saakin?" Ito nanaman yung pagkirot ng puso ko

"What? No. I like you, Ashryfah. Ano ba iyang iniisip mo?"

"Eh bakit nga ang ikli mo mag reply? Para kang galit." huhu para akong tanga, napakababaw ng dinahilan ko.

Nakakahiya ka, Ash. Huhu

"Hindi ako galit. What the hell? Stop overthinking, Ashryfah. I'll explain everything to you, okay? I think we got a misunderstanding here."

"I'm not mad."

"Jealous?"

"Nor jealous. Nung narinig ko yung boses niya nagtaka agad ako at nag-alala. Pero pinakilala rin niya naman yung sarili niya, sinabi niya na kaibigan mo daw siya at tulog kapa. Higit pa don... Ahem. Tinanong niya kung ako daw ba yung b-boyfriend na tinutukoy mo nung gabing yon."

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Hiniling ko pa naman na sana huwag makarating kay Yvo ang tungkol sa bagay na iyon. Pero ang kinalabasan, si Maxivon pa mismo ang nag bulgar.

"Hindi ako nakasagot sa tanong niya, kaya dinugtungan niya iyon na habang tulog ka daw kasi 'Yvo'ang paulit-ulit mong binabanggit. Sakto naman daw na 'Yvo' ang pangalan ng tunawag."

Napalunok ako sa sunod niya pang sinabi. Yung kirot kanina saaking puso ay nawala na ngayon, napalitan iyon ng pamumula ng aking mukha.

Hindi rin ako aware na binabanggit ko pala ang pangalan ni Yvo habang nananaginip ako. Nakakahiya!!! Huhu.

Baka isipin niya kung anong klaseng panaginip iyon at bakit ko tinatawag ng paulit-ulit ang pangaln niya. Huwag na sana niya akong tanungin kasi hindi ko rin naman maalala.

"So ang tanong ko, Ashryfah. Bakit mo sinabing may boyfriend kana and ako ang primary suspect?" he leaned on the table to get closer to me.

So close that we can feel each others breath.

"Hindi mo ba alam kung gaano kalakas ng impact sakin nun? Bumilis ng sobra yung tibok ng puso ko. Feeling ko nga mas mauuna pa akong mangailangan ng doctor kesa maging doctor mismo. Para mo'kong sinagot indirectly."

"A-ano kasi..."

"May girlfriend na pala ako, hindi man lang ako na-inform"

Damn, ang sexy ng pagkakasabi niya. Tiklop na tiklop na ako dito sa kinauupuan ko.

"Yvo..."

"Kaya hindi ko magawang magreply sayo ng mahaba o kausapin ka ng personal kasi kinikilig ako, Ashryfah. At mula pa kanina, umaakto lang talaga ako na parang cool, pero para na akong sasabog."

My heart... My heart is going crazy. Wala nading ibang tumatakbo sa isip ko kundi ang mga salita ni Yvo.

"Babawiin mo ba ang sinabi mo sa kanila, Ashryfah?"

"No..."

We're looking at each others eyes. We are speaking with it. We're feeling each other thru it.

"No, Yvo. Papanindigan ko yon." matapang na sagot ko sa kaniya.

"Parang nakaraan lang sinabi kong manliligaw ako sayo, ngayon binoboyfriend-boyfriend mo na ako sa mga kaibigan mo." Ngumiti siya ng malaki na para bang natutuwa ng lubos sa mga nangyayari.

"T-titigil kana sa panliligaw kung ganon?" Umiling siya, hindi parin nabubura ang ngiti sa labi.

"Mananatili akong manliligaw mo. kahit ano pa tayo, manliligaw padin ako. Araw-araw, Ashryfah."

"Akala ko galit ka o nagseselos, akala ko may sinabi sayong mali yung lalaking yon."

"Ngayon alam mo na, na wala sa nabanggit ang nararamdam ko. Ikaw ba naman akalaing boyfriend ng taong gusto mo, hindi kaba kikiligin don?"

Sobrang saya ko, sobrang init nadin ng pisngi ko. Naresolba na yung ikinao-overthink ko, at sa palagay ko lumevel up pa kami.

"Namumula yung tenga mo..." mahina kong saad.

"Yeah, that's why nahihiya din akong magpakita sayo." sabay kaming natawa doon. Ang cute cute niyaaaa.

Maypa-act cool pa siyang nalalaman kanina kuno, nagba-blush din naman. Hihi.

"Now its your turn to tell me something, Ashryfah."

Choose me, Yvo.Where stories live. Discover now