HAPPINESS = PAIN

1.2K 19 0
                                    

We talked and eat lunch together. Kaya mas lalo kong nakilala si Dani. Sobrang kalog niya kasama, halos hindi na nga ako makahinga kakatawa dahil sa kaniya.

"Uy, may celebration nga palang magaganap manalo man o matalo bukas. Last game na eh. Punta ulit kayo haa, you can bring friends too." Pagi-inform niya saamin.

"Hmm okay lang naman sakin. Ikaw ba, Yvo?"

"Sure. Pupunta ka eh, malamang pupunta din ako."

"Sama kona din si Sarah, party na party na iyon eh. Dami ba naman ganap siguradong sawang-sawa na siya."

"Yehey!!"

Maghahapon nadin kaya hinatid na namin si Dani sa dorm nila. Kelangan niya pa kasi ng enough rest for tomorrow's game.

Habang pauwi, sinabihan kona si Sarah na may lakad kami bukas. Mabilis naman siyang pumayag.

"Is Dani single?"

"I think yes. Madami lang siyang nagiging crush pero parang walang interest mag commit."

"Ohh i see i see."

Habang pauwi, hindi ko maiwasang makatulog sa kotse dahil narin sa pagod. Napagod kakatawa. Nagising nalang ako na parang nakalutang sa ere, yun pala binubuhat na ako ni Yvo papasok ng condo.

"Sorry, did I wake you up?" Malambing niyang tanong.

"Its alright. Bakit moko binubuhat? Dapat ginising mo nalang ako, nagpakahirap kapa." Maingat niya akong inilapag sa kama.

"Ayoko na sana kasing istorbohin pa yung pag tulog mo, pero sorry kasi hinawakan kita."

Ang cute niya talaga, pangalawang beses palang nagtama ang mga katawan namin and pangalawang beses din niya manghingi ng tawad.

Iniisip ko nga na hindi na talaga ata ako makakakita ng lalaking kasing pasinsyado ni Yvo.

Sa sobrang antok ay nagpaalam nadin sakin ni Yvo para makatulog na ako ng mahimbing.

"I'll see you again tomorrow, sleep tight. Bbi."

"Ingat ka pag uwi haa, message mo din ako."

Pagpapa alam namin sa isat-isa. Hindi nagtagal ay nilamon nadin ako ng kadiliman. Nagising nalang ako ng mag aalas tres na.

Pumunta akong kusina para uminom ng gatas habang chinecheck ang cellphone. Nakita kong nag message nga sakin si Yvo kanina na naka-uwi na daw siya. Hehe kinikilig tuloy ako. Mas nakakagulat pa kasi akala ko yun na yon, pero hindi pala. After nun ay may mga dagdag pa siyang mensahe.

Yvo:

I know you are asleep kaya bukas ng pagising mo na mababasa to for sure. This not that important, I just really want to express my feelings towards you.

'Not that important my ass. Its your feelings dumbass. Of course its important.'

Yvo:

You probably think I'm weak because I'm doing this through messages. But that is true. Hindi ko masabi to sayo ng personal kasi nanghihina ako kapag kaharap ka.

Yvo:

Sa tuwing magkakausap tayo nanghihina yung mga tuhod ko at parang gusto ko nalang lumuhod sa harap mo. Feeling ko nga lahat ng mga gusto mong ipagawa sakin ay gagawin ko talaga ng walang pag dadalawang isip.

Yvo:

Sa tuwing magkalapit din tayo ay natatakot ako na baka marinig mo yung pintig ng puso ko. You have this effect on me, Ashryfah. Feels like you imprinted me.

Yvo:

I really like you.

Yvo:

I always hope to see you first thing in the morning. Greet you and cook for you.

Yvo:

This might be too fast for you but.... I... Everyday... I imagine you being my bride in the future.

Yvo:

I love you, Ash.

My hands were trembling, sobrang saya ng nararamdaman ko parang gusto kong maiyak.

This is my first time feeling this way and i dont know how to explain it. Sobrang sarap sa feelings.

My whole life... I never once experience this kind of feeling.

I dont know how to react or what to say.

All this time, naghahabol ako ng atensyon, ng pagmamahal, sa pamilya ko at kay Maxivon. Pero lahat ng ito ay kay Yvo ko lang pala makukuha. Siya lang pala ang makakapag bigay.

Bakit ngayon ko lang siya nakilala? Bakit ngayon lang siya ibinigay saakin?

Before I knew it, umiiyak na ako.

Sobrang saya ko at ang mga luha ko ang nagsilbing boses para sa lahat ng gusto kong sabihin.

"Yvo...." pagtawag ko sa pangalan niya habang nasa kalagitnaan ng pag-iyak.

Sumandal ako sa counter at humikbi lang ng humikbi doon habang yakap ang cellphone kung saan mababasa ang mga mensahe ni Yvo.

Sobrang saya kona eh.

Sobrang saya kona sana.

Kaso hindi nga pala pwedeng lagi lang masaya. Pagtapos ng masasayang araw, paniguradong may kalakip na sakit yan.

At yun ang hindi ko maiiwasan.

Kinabukan kasama na namin si Sarah manood ng last game nila Dani. Pinakilala narin namin sila sa isat-isa. Tinuturing na nga ni Sarah na baby si Dani eh. As in bata haaa.

Sobrang saya din namin after game kasi nanalo ang team ni Dani. Grabe parang rollercoaster yung nangyari sa laro nila. Naghahabulan ng score, buti nalang talaga naka score ng magkasunod sila Dani kaya nanalo.

Papunta na kami ngayon sa bar kung saan gaganapin ang party-party. Excited na nga si Sarah. Inom na inom na to eh.

At syempre bawal ako.

"Kabadong kabado ako kanina mga anteh kung alam niyo lang. Konting pagkakamali lang namin talo talaga kami." pag kukwento ni Dani habang nasa sasakyan kami.

"Halata naman eh, nanginginig ka kanina habang hawak yung bat, kitang-kita namin." Sagot ni Sarah.

"Oo, kaya palya yung palo ko sa bola. Mabuti nalang din mabilis tumakbo yung ka team ko, safe kami pareho."

"Laki din ng tiwala niyo sa isat-isa eh noh?" Sabat ko naman.

"Yazz, yun kasi yung mas lalong nagpapalakas samin. Sabi pa ni coach uwag kaming matakot sumandal sa mga ka-team mate namin."

"Eeyyy, sana all."

"Gusto mo din maging athlete, Sarah?" Tanong ko.

"Gustuhin ko man, for sure di ako magiging kasinggaling nitong mga to. Mahina na nga ako, clumsy pa. Kaya wag nalang. Tingnan mo pa yung pagkakaiba sa katawan namin ni Dani huhu."

"Truuee beh." pagsang-ayon ko sabay tawa.

Mga ilang minuto pa ang nakalipas, nakarating narin kami sa bar. Hapon narin, panigurado anong oras na kami makakauwi.

Choose me, Yvo.Where stories live. Discover now