Yvo:
Uwian niyo na?
Me:
Yup. Kayo ba?
Yvo:
Hmm, yes one hour ago. Kaso hinanap ako ng principal kasi may pagagawa, kaya ngayon palang uuwi.
We are updating each other so quickly, and it doesn't even feel weird to me.
Me:
Kakasampa ko lang sa lrt, sa antipolo ako uwi eh.
Yvo:
Ohh, ang layo naman ng bahay mo.
Me:
Hindi ba't nag lrt karin kanina?
Yvo:
One of my friends throw a party, and he lives in Marikina so we slept over for two nights. That's why doon ako galing kanina.
So hindi talaga siya doon nakatira? Tama nga ang hinala kong hindi na ulit magkakakrus ang landas namin kung hindi niya hiningi ang number ko for communication.
We talk a little hanggang sa nagpaalam siyang mag dadrive na kaya hindi muna makakapag chat, sakto namang inaantok ako kaya umidlip muna ako sa tren.
I sent him a message na nakarating na ako sa bahay namin, pero hindi ko na nakita ang reply niya dahil sa pagtapos kong kumain at maligo, nakatulog agad ako.
We greet each other goodmorning the next day. Hindi kagaya kahapon, the weather is perfectly fine today.
Doble ang pag-aayos ko sa sarili ngayon because I'm looking forward for our lunch later.
Pagkalabas ko ng kwarto naabutan ko ang parents kona na may kinakausap.
Maxivon.
Naalala kong may crush nga pala ako, pero anong ginagawa niya dito? Nasa maynila kasi siya dahil doon nag aaral at nakatira, maging ang ate ko. Classmate panga sila. Tss tss.
"Maxi!" Matining na pagtawag ko sa kaniya.
Nilingon naman niya ako saka ngumiti ng malaki at sinalubong ng yakap.
Namiss ko siya. Isang linggo din kaming hindi nagkita.
Naalala ko pang sobrang close naming dalawa. Lagi niya akong hinahatid-sundo at sabay din kaming kumakain ng lunch kahit magkaiba na ang school namin ngayong college, madalas din akong makitulog sa condo niya.
Mas nauna kong nakilala si Sarah simula ata nung kinder palang saka magkapitbahay naman kami dati. Habang si Maxivon naman ay nung junior high.
Close din silang dalawa kaya nga trio kami.
Mabait si Maxivon, matalino, at pogi. Maging sila mommy ay gusto siyang maging parte ng pamilya.
Pero para kay ate nga lang.
Nagsimula ang kagustuhan ko kay Maxi nung bago grumaduate sa Jr. High hanggang ngayon, kaso nalaman kona kay ate pala siya may gusto. Nabasa ko kasi sa slambook niya.
Mas lalo tuloy lumala ang inis na nararamdaman ko towards her.
She has our parents favor, she is beautiful, smart, talented, and she even made Maxivon fall for her in just a split second.
Lahat nalang.
"How are you?" tanong niya nang bumitaw na kami sa yakap.
"Okay nako, ako paba!" pagmamayabang ko. "Nga pala bakit ka nandito?"
"Para san paba? Sympre sinusundo ka." I instantly felt happy.
Okay na sana eh.
Masaya nako.
Not until I heard her voice coming from outside the house.
"Are you guys done? Mahaba pa byahe natin. We need to go or else malelate tayo sa klase."
Pinanood kong mas lalong lumaki ang ngiti ni Maxivon habang tinatanaw ang pinto. His eyes is sparkling.
"Ito talagang si Ashantie haha." natatawang saad nila Mommy.
Lahat nalang nasa kaniya ang tingin. Parang bigla akong hindi nag e-exist dito.
They all looked happy just looking at her.
I'm jealous.
"Kasama mo siyang pumunta dito?" I tried as hard as I can na hindi ipahalata ang pait sa tinig.
"Yup. She wants to see you too." Hindi na ako umimik pa dahil baka kung anong masabi ko. "We should go."
Nagpaalam kami kila mommy and daddy bago umalis.
I was not in the mood the whole ride.
Nasa likod kasi nila ako mag-isa.
I should be the one sitting beside him.
That's my spot, ate.
I let you have our parents eyes, pero bakit pati parte ko sa buhay ni Maxivon tinatabunan mo?
I hate you.
"Ash, kain tayo mamaya ng sabay. Puntahan ka namin sa school mo." Nilingon ako ni ate suot ang matamis niyang ngiti matapos makipag daldalan kay Maxivon.
Nagpakita naman ako ng isang pilit na ngiti.
"Pass, I have plans later." Nakita ko ang sulyap sakin ni Maxi mula sa rearview.
"Aww, sayang naman. Next time nalang." She said.
She always asked me to eat with her or go wth her somewhere. Pero lagi ko ding nakikita ang sarili ko na gumagawa ng rason para tumanggi.
Unless sinabihan talaga ako ng parents namin na samahan siya.
Umidlip nalang ako at hindi na muling nagsalita pa. Madami sana akong ikwekwento kay Maxi ngayon, pero huwag nalang. Mukhang mas interesado naman siyang makinig kay ate.
Pagising ko nasa tapat na kami ng gate ng school. Nagpaalam lang ako sa kanila at pumasok narin sa loob.
Hindi kagaya kahapon, hindi na ko late ngayon.
"Nakita kong bumaba ka sa kotse ni Maxi, sinundo ka niya?" pang-uusisa ni Sarah.
"Yeah." maikli kong sagot.
"Edi tuwang-tuwa ka naman."
"Kasama niyang sumundo sakin si ate."
Naglaho ang nang-aasar niyang ngisi nang marinig iyon.
Alam ni Sarah lahat. Sa kaniya lang ako nag kukwento nang mga bagay na hindi ko pwede sabihin kay Maxivon.
Pero kahit na ganon, hindi naman niya magawang kainisan ang ate ko, and I totally understand her. Pero medyo may sama ng loob siya sa parents ko. Ang unfair naman daw kasi nila.
Alam din ni Sarah na crush ko si Maxivon. Actually nagka crush din siya sa kaniya noon. Pero bigla nalang nagsabi na hindi na daw, then ayon nagkaron ng first boyfriend si Sarah, then nag break, then may bago nanaman, then ganon ulit.
Up until now ata.
She is just playing, I know it and I dont care.
Hindi gaya niya ay naging loyal ako kay Maxivon, hindi ako nagpapaligaw at hindi din tumitingin sa ibang mga lalaki.
But Yvo appeared.
He pique my interest. In who knows what way.
Me:
See you later :))
I texted him before our class starts.
"Hindi nga pala ako makakasabay sayo kumain mamaya, Sarah. May lakad ako saglit." Untag ko sa kaniya. Pinaningkitan niya lang ako ng mga mata saka tumango.