ASHANTIE

1K 13 0
                                    

"Wow, you look so pretty..." Namamanghang saad ni Yvo ng makita ako.

Nandito kasi kami ngayon sa mall at namimili ako ng mga damit.

Bawat damit na sinusukat ko ay puro magagandang papuri lang ang komento ni Yvo, hirap din tuloy akong mamili kung anong bibilhin.

"Kunin mo na lahat, ako na magbabayad." Iyon ang naisipan niyang solusyon sa dilema ko.

"Yvoooo!"

"What? Maganda ka nga sa lahat. Walang damit diyan na hindi ka maganda, kaya bibilhin na natin lahat haa."

Wala na akong nagawa sa pamimilit niya, hinayaan ko nalang siyang bilhin ang mga damit na iyon.

Since ayaw rin niya daw ako mahirapan, siya na ang nagbitbit. Dinala muna namin ang mga napamili sa kotse saka bumalik sa loob para kumain.

"Saan naman tayo kakain?" Tanong niya.

"Hmm, nagke-crave ako ng pizza. Kumain nalang tayo sa may meron nun, pero walang baboy ahh." sagot ko.

"Okay po."

We've been together, always, these past few days.

Kung saan-saan na kami pumunta. Umabot na sa tagaytay at Baguio. Sumakay kami ng kabayo, and guess what? Mas magaling ako sa kaniya sumakay. We also ate strawberries and took many pictures. We bought a lot of souvenirs and tried different things like bungee jumping, ziplining and many more.

Pero ang pinaka masarap sa feeling at mas lalong nagpa especial don ay dahil sa kasama ko si Yvo sa bawat lugar na pinuntahan.

Dati wala lang akong pake sa paligid ko, pero ngayong kasama ko siya parang lalong mas gumanda at nagliwanag yung mga view. Naging worth it tingnan.

Nakita ko kung gaano niya rin naenjoy yung moments namin together. Pinanood ko lahat sa kaniya.

Habang nakatingin siya sa magandang tanawin, nakatingin ako sa kaniya.

Kinabisado ko ang bawat linya ng wangis niya. Kinabisado ko kung paano dumulas ang liwanag sa bawat kurba ng mukha niya. Hinding-hindi ako magsasawang titigan ang lalaking ito.

Sa puntong hirap na akong huminga, nanghihina na yung katawan ko, sobrang bigat ng dibdib ko at konting galaw lang ay nahihilo na ako.

Pinapanood ko parin siya.

Tinitiis ko lahat, huwag lang mawala ang paningin ko sa kaniya.

Dahil hindi na ako sigurado kung hanggang kailan ko pa mapapanatiling mulat ang mga mata ko. Kung hanggang kailan ko pa siya masasamahan ng ganito.

Pinakiramdaman ko ng mabuti ang sarili ko nakaraang araw at nauwi ako sa conclusion na hindi na normal itong paghirap ko sa paghinga, dagdagan pa na inuubo narin ako ng dugo minsan.

Nagkusa na akong pumunta sa doctor ng mag-isa. Nagpacheck up ako.

Cardiomyopathy.

Yan ang nakita nila.

May sakit ako sa puso.

Pagtapos ko pumunta sa doctor ay umiyak nanaman ako. Pagod na pagod na akong umiyak pero iyon lang ang magagawa ko. Hinagkan at pinakalma ko ang sarili ko gaya ng nakasanayan.

May sakit ako at ako lang din ang nakaka alam nun.

"Ngayon nadin pala lalabas result ng exam niyo, right?" Kumakain na kami ngayon at pawang napahinto ako ng marinig ang sinabi niya.

Nauna ng ilabas ang kanila, and he passed.

"O-oonga pala..." Tila ba nawalan na ako ng gana sa pagkain.

"Im sure you did great. We should celebrate today." Bakas ang tuwa sa nukha niya.

Talagang ine-expect niya na makakapasa ako. Kaya ngayon palang ay naiimagine kona ang disappointment sa mukha niya mamaya.

"Haha, kumain ka na nga diyan."

'Ayaw ko. Ayaw kong malaman niya!'

Kaya buong araw na iyon ay sinubukan ko talagang i-distract siya para hindi na maalala ang paglabas ng result, Kahit na nagpop-up na sa screen ng cellphone ko ang email about don.

Hindi ko iyon inopen. Hindi hangga't magkasama parin kami.

Ayaw kong makita niya ang lungkot sa mukha ko habang pinapanood ang pagka disappoint niya saakin.

I tried so hard to keep up with him. Tumawa ng malakas at makipagtakbuhan sa kaniya hanggang sa makarating sa kotse. Pero ang hindi maiiwasan ay ang pag ubo ko ng sunod-sunod at malakas.

Hirap na nga sa paghinga, inuubo pa. Para na akong sinasakal.

Pero kumapit lang ako sa kotse at doon kumuha ng lakas para maituwid ang pagtayo.

"Are you okay?" he asked me.

"Oo naman...!" hindi ko magawang tapusin ang nais kong sabihin dahil sa inuunahan ako ng pag-ubo.

He even tried to pat my back.

"Okay lang ako..." Mahina na ang naging boses ko. Ayaw ko nading magsalita pa kasi paniguradong uubo nanaman ako.  Kaya nauna na akong pumasok sa loob ng kotse.

Nakita ko naman ang pagdadalawang isip niya habang tinitingnan ako pero sa huli ay pumasok narin siya sa loob.

Binigyan ko siya ng ngiti para i-asure na okay lang ako. Saka niya pinaandar ang sasakyan.

Sinubukan kong makipag communicate sa kaniya paunti-unti habang nasa byahe, maingat ako na huwag na muling umubo kaya maiikli lang ang mga sinasabi ko at mahina.

Hanggang sa makarating na nga kami sa tapat ng condo. Inayos ko na ang sarili ko para sa pagbaba kaso agad ding napahinto ng mamataan ang isang pamilyar na babae na nakatayo sa entrance.

'Anong ginagawa niya dito?'

'Nang ganitong oras?'

'Bakit siya nandito?'

'Bakit?'

'Bakit?'

'Bakit?'

"Ashryfah." Napabalikwas ako ng marinig ang pagtawag ni Yvo sa pangalan ko. "Hindi paba tayo bababa?"

Napatingin ako sa aming kalagayan at nakitang hinihintay na lang niya ako.

"Ah o-oo..."

Nakayuko akong lumabas ng kotse. Hindi ko magawang mag-angat ng tingin kay Yvo, at pati nadin kay ate. Alam ko kasi na nakita na niya kami ngayon.

Mula din sa gilid ng mga mata ko nakita ko siyang naglalakad palapit saamin.

'Huwag... Huwag kang lumapit... Huwag mo kaming lapitan... Please lang... Huwag kang magpakita kay Yvo... '

"Ash, buti naman at nakauwi kana. Saan kaba nanggaling? Kanina pa kami naghihintay sayo." napakuyom ako ng kamao at dahan-dahang tumingin sa kaniya.

Lumipat ang tingin niya sa lalaking tumabi saakin.

'Huwag mo siyang tingnan...'

"Sino yang kasama mo?"

'Wala ka ng pake kung sino ang kasama ko...!'

"I'm Valentine Lorenzo her friend, hinatid ko lang siya. And you are?" mabilis ang naging paglingon ko kay Yvo nang magpakilala siya ng kusa.

'Her friend?' seriously, Yvo?

"Oh. Nice to meet you, My name is Ashantie. Her sister." Pinakita ni ate ang lagi niyang suot na matamis na ngiti kay Yvo.

Naiipit ako sa kanilang dalawa.

Hindi din ako makapagsalita.

Sobrang daming tumatakbo sa isip ko ngayon hindi kona alam kung anong dapat unang intindihin.

Choose me, Yvo.Where stories live. Discover now