"Yvo, this is Sarah my bestie. And Sarah, this is Yvo my boyfriend."
Nagkamayan ang dalawa matapos kong ipakilala. Nanlalaki pa ang mga mata ni Sarah habang nakatingin saakin.
For sure gabto na yung tumatakbo sa isip niyan.
"Tanginamo, mahilig ka pala sa chupapi. Palong-palo yung isang to."
"Kaya naman pala masarap ang tulog."
"Ayaw mo talaga sa mga ka school mate natin, gusto mo taga ibang University. Hmp!"
"Chamba lang for sure na nakadawit K ng ganito."
Ganyan kita kakilala, Sarah. To the point na alam kona tumatakbo sa isip mo.
"Nice to meet you." Pagbati ni Yvo.
"Same here, pre."
"Sarah, lakas maka pre kala mo lalaki din eh. HAHAHAHAA"
We talk for a while para mausisa ni Sarah si Yvo. Gusto daw niya kasing malaman kung katiwa-tiwala ba tong si Yvo or kung worth daw ba siya para sakin. After non hinatid na namin si Sarah sa tapat ng bahay nila.
"Thank you sa paghatid. Ingat kayong dalawa pauwi. Byeee!" paalam samin ni Sarah.
Ngayon ay kaming dalawa nalang ulit ang magkasama.
Yung pangungulila ko napunan na. Sana kayo rin :-P
"Malapit na exam namin." aniya.
"Kami din, tapos bakasyon."
"Pero may time ka ba this weekend?"
"Meron naman, bakit?" tiningnan ko siya at grabe yung blessing ng mga mata ko. Ang pogi niya talaga mag drive. Lahat nalang.
"Let's watch UUAP softball. Maglalaro yung kaibigan ko."
"Oh? Edi sigi. Kaso wala naman akong alam sa softball baka di ko maintindihan yon, samahan nalang kita. "
"Parang baseball lang din yon, kaso mas malaki yung bola ng softball and puro mga babae lang din."
"Ganon? Sigiii sigiii nood tayo. Kelangan pa bumili ng ticket diba?"
"Binigyan niya na ako, dalawa. Para saatin. Nood muna tayo before mag prepare for exam."
Pagka hatid niya saakin sa condo ay hindi narin siya nagtagal, baka kasi gabihin na naman siya.
Sa weekend pa ang ang lakad namin at Thursday palang ngayon. Nag advance review na muna ako habang nagpapalipas ng oras, o di kaya ay gumawa ng mga project ng mas maaga para hindi ako matambakan.
Sobrang daming nangyari sa mga natitirang araw. Isa nadoon ang pagko-confess saakin ng 3rd year engineering, di ko nga alam kung paano niya ako nakilala. Nireject ko din siya kasi nga may boyfriend nako and di ko naman siya kilala. Buti hindi public yung pagko-confess niya.
Pangalawa ay napanood ko ang drama sa lovelife ni Sarah. Kaloka kasi.
May bagong jowa na si Sarah, nanaman. Tapos habang kumakain kami ng lunch kasama yung bago niya, biglang may lumapit na dalawang tao. Babae at lalaki, mukha silang galit na galit kaya napatigil ako sa pagkain at di malaman ang gagawin.
So bale naging ganito yung eksena...
"Malandi kang babae ka! Nilandi mo ang boyfriend ko! Wala kang respeto sa sarili!" Sigaw nung babaeng dunating.
"Inamo, sino kaba?" Asik naman ni Sarah, totoong di naman kasi namin sila kilala.
"Gayle tama na..." Biglang singit nung bagong jowa ni Sarah.