CONDO CLEANING

1.4K 19 0
                                    

And days went by just like that.

Its now one week and three days since I met Yvo. We've gotten closer since then. He started driving me from school to antipolo, pero kahit na ganon hindi ko siya nakitaan ng pagod.

Last night was the last time I'm sleeping here, pinayagan na kasi akong bumalik sa condo ko.

So ibinalita ko yun kay Yvo.

Walang pasok ngayon pero babalik nako sa manila para maglinis ng condo, and susunduin niya ako saka tutulong sakin. Sinabihan ko siyang hindi na kailangan but he insisted.

Kaya nandito na ako ngayon sa tapat ng SM masinag para abangan siya. Up until now is hindi pa kasi siya nakikilala ng parents ko, maging friends ko na sila Maxivon at Sarah.

Wala namang kaso sa kaniya iyon, sabi niya. Pero balak ko narin siyang ipakilala kay Sarah. As a friend syempre.

Yun lang naman kami.

Pero hindi ko ikakaila na para akong kinikiliti sa tuwing nagkakausap kami, at kinikilig naman ako sa tuwing nagbibiruan kami tas sasabayan ng pagbanat.

Minsan nga ay napapa-isip ako kung ano to? Alam ko kasi na si Maxivon ang gusto ko. So bakit ganito?

Si Maxivon padin kaya talaga ang nais ko?

Hindi ko alam.

Ilang araw narin niya akong niyayaya kumain kasama si ate, at ilang beses ko iyong tinanggihan dahil sa ayaw kong kasama si ate at dahil narin sa kasama ko ng kumain si Yvo.

Malalim ang pag-iisip ko nang bumusina sa harap ko ang pamilyar na Mercedes ni Yvo.

He gets out of the car wearing a black trouser pants, black t-shirt that is inserted with a belt and a vanila-like color of cardigan.

This is unusual look for me since laging naka white uniform namin nakikita ang isat-isa. Dagdag pa na his hair is kinda messy but still manage to slay.

He is so handsome.

Samantalang ako ito tao lang.

"Hi."

"...Hi" bati namin pareho. Hindi padin ako nakakaget over sa looks niya ngayon. Pogi na nga siya habang naka uniform, mas pogi pa siya habang naka casual lang.

Nakakahiya namang tumabi sa nilalang nato.

"Kumain kana?" tanong niya.

"Oo, ikaw ba?" Tumango naman siya saakin saka ako pinagbuksan ng pinto.

We drove while having a little chitchat and Taylor Swift's song as background.

Its peaceful, relaxing and romantic.

Alas otso palang ng umaga at nagsisimula na agad ang ganda ng araw ko.

Isang oras at kalahati din ang tinaggal ng byahe namin, nang makarating sa condo ipinagtimpla ko muna siya ng hotchoco. Di kasi siya umiinom ng kape.

Ako naman ay adik na adik dito.

"This place, sumisigaw na ikaw talaga ang nakatira. " he wander his eyes to every corner of my place while sipping at the mug.

"Pano mo naman nasabi?" nakatayo siyang nakasandal sa likod ng sofa habang ako naman ay nakaupo.

"Pagpasok ko palang naamoy kona kagad ang fragrance mo, the color of the walls are so like you too. Hindi ko ma-explain pero yung vibes dito ay ikaw na ikaw." Nilingon niya ako at nginitian.

Although nakakahiya kasi magulo at hindi pa nalilinis ang condo ko, parang hindi naman niya iyon pinapansin.

After maubos ang iniinom namin ay nagsimula nadin kami. I bought some new paintings and other equipment. Tinulungan niya din ako sa pagpapalit at paglilinis ng bed sheets, blankets, rugs and some of my clothes na naiwan ko sa laundry simula nung pumunta ako sa antipolo.

Dahil sa pawis ay hinubad niya ang cardigan na suot. Ngayon may nadagdag na best view sa place ko. Charot.

We cleaned ever part, every corner, everything.

Minsan ay bigla-bigla nalang kaming napapasayaw dahil sa tugtog, kaya nagagambala ang paglilinis namin. Pero sulit naman. Ang saya kasi.

Magaling din pala gumiling to'ng si Doc. Hehe

Natapos kami bandang 11:30 na, at alam kong pagod at gutom na siya. Kung magluluto pa ako ay matatagalan.

"Let's order foods nalang?" tanong ko sa kaniya.

He is leaning at the counter of my kitchen with a water bottle in his one hand.

"Sure. Para makakain kana din agad. Ako na oorder, you can rest for a while."

Ito nanaman tayo, alam kong pag ayan na ang sinabi niya matic siya narin magbabayad. Lagi nalang niya akong nililibre. Hmp!

"Sige, maliligo lang ako saglit."

Pagkaramdam ko ng tubig sa bathtub ay biglang naglaho lahat ng pagod ko, sobrang sarap sa feeling.

Habang nagrerelax ay pumasok sa isip ko si Yvo. Yung seryosong ekspresyon niya kanina habang naglilinis, at yung bawat paggalaw ng katawan niya na akala mo ay kalmadong alon ng dagat.

Kahit na gusto ko pang mag stay sa cr, pinigilan kona ang sarili ko kasi may nag aantay sakin.

Pinatuyo ko muna sa blower ang buhok ko bago muling nagsuot ng hijab.

Lumabas ako ng kwarto at nakita siyang inaayos ang mga pagkaing nadeliver na.

"You can take a shower. May mga damit naman diyan na pwede mong gamitin."

Tuwing nags-sleep over sila Maxi at Sarah dito ay nag iiwan sila ng damit, halos mapuno na tuloy ang mga closet ko.

Pinahiram ko siya ng hindi pa gamit na tuwalya at binigay ko din ang damit ni Maxi na nagkakasya sa kaniya. Mukha namang magkasing katawan lang sila.

Nang maiwan ako mag-isa sa kusina, tiningnan ko kung anong mga pagkain ang inorder niya.

Chicken buffalo, chicken nuggets, fries and sundae ang mga inorder niya. Walang mga baboy kasi alam naman niyang hindi ako kumakain non. Very good talaga siya.

Nilagay ko muna sa story ko sa ig ang mga foods with heart heart. Flex lang ba.

Maya-maya pa nakatanggap na ako ng mga reaction galing sa mga mutual ko at pati narin sa mga friends ko. Nagchat pa nga si Sarah.

Sarah:

Sino kasama mo? Si Maxi? Hindi kayo nag-aaya ahh. Hmp

Pag talaga may kasama ako matic na si Maxi agad unang papasok sa mga isip nila eh, maliban kay Sarah.

Me:

Hindi gaga. Busy kay ate yun.

Sarah:

So sino kasama mo?

Me:

Wala, ako lang mag isa.

Sarah:

Ulol. Kaya mo bang ubusin lahat yan?

Me:

Girl stfu. Ayain mo din jowa mo if naiinggit ka (╯3╰)

Sarah:

Break na kami

Me:

Inamo lagi naman.

Itinabi kona ang cellphone nang lumabas na si Yvo sa cr.

Choose me, Yvo.Where stories live. Discover now