"Nasa labas na daw sila Maxivon. Bilisan mo na kumilos, Ash." pagmamadali sakin ni Sarah nang mag-uwian na.
Susunduin kasi kami nila Maxivon and ate, tapos sa condo kami didiretso para doon magbonding kimerut.
Hindi ko tuloy makikita si Yvo.
"Ito na, Baccla. Kalmahan mo." sabay kaming lumabas ng classroom at tinungo sila Maxivon.
Madali namin silang natanawan dahil sa grabe ang pangingibabaw ni ate. Maganda siya kaya lahat ng mga mata ay madali niyang napupukaw.
Pero mas maganda ako syempre. Aura lang ang pinagkaibahan namin at mas mukha siyang approachable. Hindi din maipagkakaila na maganda ang hubog ng katawan niya.
Kapatid ko siya pero naiirita ako kapag nakikita ko siya.
"Ash! Sarah!" bati nilang dalawa saamin ng makalapit.
Hindi gaya ni ate na malaki ang ngiti, pilit yung akin.
Nagkamustahan lang kami saglit saka sumakay sa kotse. Nasa likod kaming dalawa ni Sarah, at laking pasasalamat kona maingay siya kaya nasa kaniya ang atensyon ng dalawang nasa harap.
Habang abala sila ay nagtipa muna ako ng mensahe para kay Yvo.
Me:
Hellooo! Heart heart.
Wala pa sampung segundo ay nagreply na kaagad siya saakin.
Yvo:
Hey, bbi.
Nanlaki ang mga mata ko sa tinawag niya saakin.
Me:
Huy ka, wag mo nga akong tawagin niyan. Hindi naman tayo.
Yvo:
Practice lang eh.
Me:
Hmp! Btw, nakauwi kana?
Yvo:
Hindi pa, may pinapagawa pa samin. Ikaw ba? Kasama mo mga friends mo ngayon diba?
Me:
Yup. Overnight sila sa condo. Nasa car padin kami pero medyo malapit narin.
Yvo:
Is that so. Then, enjoy. Message me if you have time.
Yvo:
Bbi.
Inamo talaga, Yvo! Okay na sana eh kaso may pahabol ka pa. Kalmado pa ako sa Second to the last mong chat, pero yung huli ang yumanig saakin.
"Ash."
"Hmm?" Napatingin ako sa gilid ko kung saan nakabukas na ang pinto at nakasilip doon si Maxivon.
"Nandito na tayo." lumingon ako sa loob ng kotse at ako na lang pala ang nakaupo pa.
Natulala kasi ako, hindi ko na namalayan.
Inalalayan akong bumaba ni Maxivon. As always naman.
Pagdating sa loob ng condo ipinaghanda ko muna sila ng makakain. Konti nalang din naman kasi may mga dala na sila bago pumumta dito.
May beer, chips, and fries.
Hindi ako umiinom kaya fries nalang ang nilantakan ko.
Nakapalibot kami sa bilog na glass table at nakaupo sa sahig while Netflix is running on the TV.
The talks is getting good as well as them going tipsy.
"May bago ka nanaman, Sarah. Naku naku, bat di mo tularan tong si Ash. Hanggang ngayon nbsb." pabirong saad ni Maxivon.
Pinag-uusapan kasi nila ang bago pero hindi nakakagulat na lovelife ni Sarah. Kaso bigla akong nadawit.
"Suuuuuuus! Si Ash??? Di mo lang alam pero NBSB-no-more na yan! BWAHAHHAHAHAHA" Sa kanilang tatlo ay si Sarah na ang may pinaka malakas na tama, sunod si Ate.
Lightweight talaga si ate, pero si Sarah hindi. Kaya lang yan ganyan ngayon dahil sa madami na talaga siya nainom. Kung uminom kala mo walang pasok bukas eh no.
"What do you mean?" Biglang sumeryoso ang mukha ni Maxivon matapos marinig ang sinabi ni Sarah.
"Wala yun, Maxi. Huwag niyo na siya pakinggan, lasing nato eh." sinubukan kong patigilin sa pagsasalita si sarah kaso si Sarah to eh.
Kailan koba napigilan ang isang Sarah?
"Kasama niya nga daw yun nung nilinis tong condo, tapos kumain pa silang dalawa ng chicken hindi man lang ako inaya huhu!"
Nasabi ko ba na tuwing nalalasing si Sarah ay parang nagiging bata siya? As in nag bebaby talk siya. Pero we dont mind kasi cute naman.
"Talaga ba, Ash? May boyfriend kana? Bakit hindi mo man lang sinali dito para makilala namin?" nagniningning na mga mata ang ipinakita saakin ni ate. Parang mas excited pa siya kesa saakin eh.
"T-teka lang-"
"Kailan pa, Ash?"
"Maxi, hindi..." Nais ko pa sanang ideny kaso napa-isip ako na ano bang mapapala ko kapag dineny kopa?
Kahit hindi naman totoong jowa ko si Yvo, pero nanliligaw narin naman siya saakin so okay lang siguro iyon?
"She's right. May boyfriend na ako, although one week palang kami." Ngumiti ako sa kanila with confidence. "Pero hindi ko pa muna siya ipapakilala sa inyo, and please wala na sanang iba pang maka alam."
Nag taas ng kanang kamay si Sarah na para bang nangangako, at si Ate naman ay tumango-tango habang nakapikit. Inaantok.
"Mag-uusap tayo Mamaya, Ash. Lagay ko lang sa kama tong ate mo pati si Sarah." tumayo si Maxivon at binuhat ng walang kahirap-hirap sa ate saka pumasok sa isang kwarto. Bumalik siya pagkatapos saka si Sarah naman ang kinuha.
Habang ganon, inumpisahan kona ang paglilinis ng mga kalat at pinagkainan.
"Is he good?"
Naramdaman ko ang pagdampi ng malamig na hangin sa balat ko. Nandito kasi kaming dalawa ngayon sa balcony para nga kuno mag usap.
"Yeah..."
"Does he treats you well?"
"...Yes."
"May alam ba siya sa kultura niyo?"
"Konti lang, pero pinag-aaralan naman niya."
"Do you like him?"
Hindi ko alam kung ano yung point ng pagtatanong niya nito. Malamang gusto mo yung isang tao kapag pumasok ka sa isang relationship with them diba?
"Of course. I like him. Why are you asking so many questions anyway? Yung sa inyo ba ni ate, may narinig ka saaking isang tanong?"
Bigla akong nag-init. Yung inis na kinikimkim ko parang lalabas ata ngayon, kailangan kong pakalmahin yung sarili ko bago pako may masabing hindi mas maganda.
Kung makapag tanong naman kasi siya parang may pake siya dito, eh hindi nga niya makuha na may nararamdaman ako sa kaniya dati pa.
Kay ate lang talaga siya may pake.
"What? Look, Ash. I'm jusy concerned okay? Para na kitang kapatid ayaw kong masaktan ka, this is your first time and you have no idea."
'Parang Kapatid? At ayaw mong masaktan ako? Coming from you pa talaga.'
Kung alam mo lang, Maxivon.
"So what kung masaktan ako? At least I can learn something from it. Huwag mo na akong alalahanin, hindi na ako bata. I can handle myself, Maxivon."
"And he likes me too. Very much. For him ako lang ang mahalaga. Wala siyang ibang nakikita kundi ako lang, Maxi. Ako lang.