Never ako nag try maglagay ng makapal na make-up, madalas nga ay hindi na ako naglalagay. Pero ngayon, sinadya ko talaga ito. Nagsuot din ako ng malalaking damit na pinatungan ko pa ng jeacket.
Magkikita na kasi kami ni Yvo.
Ayaw kong mapansin niya ang pamumutla at pagkabawas ko ng timbang.
Alam ko din sa sarili ko na hindi ko na kayang magmaneho pa kaya pinapunta ko nalang siya dito sa condo.
May thirty minutes pa bago ang itinakda naming oras ng pagkikita, pero narinig kona agad ang pagkatok niya sa pinto. Mabuti nalang din at maaga akong nag-ayos.
Matapos ko siyang pagbuksan, matamis na ngiti niya ang isinalubong saakin.
Gosh. How I longed for that smile.
"Ash..." Pagtawag niya saakin. Nakita ko pa ang bitbit niyang bouquet ng bulaklak.
'Tulips.'
"Maupo ka. Naghanda ako ng makakain." Nanghihina man ang mga tuhod pinilit ko parin maglakad ng normal patungong kusina. Sumunod rin naman siya saakin doon.
"Para sayo nga pala..." He is extremely gentle with everything he do and say.
Kinuha ko ang bulaklak at ngumiti sa kaniya. "Thank you." inilapag ko saaking tabi ang bouquet at umupo sa hapagkainan. Ganon rin naman siya.
Sinandukan ko siya ng mga pagkain at walang salita naman niyang tinanggap iyon at kinain.
Tahimik lang ang naging pagkain namin, pero kahit hindi ako nakatingin sa kaniya ramdam ko ang pagbalik-balik ng mga mata niya saakin.
"Uhm, sorry nga pala dun sa nangyari nakaraan..." Sambit niya matapos ang pagkain.
"Wala nayon, Yvo. Nukaba" Halos gusto kong isuka ang nga kinain ko, kaso nandito si Yvo kaya pigil na pigil ako. Hindi nga ako makatingin ng tuwid sa kaniya eh, baka mahalata niya kasi ang pag-inda ko.
"I miss you..."
'I miss you too.'
"Hmm..." hindi ko magawang sabihin sa kaniya iyon pabalik. "Yvo, anong plano mo saatin in the future?" kaya nagtanong nalang ako.
I know I dont have any future anymore, but I still wanna know what's on his mind for the both of us. For the last time.
Namuo ang malaking ngiti sa kaniyang labi, tila ba ito ang pinakamagandang tanong na narinig niya sa tanang buhay niya.
"After I graduated and have a work, I'll earn and save money. I want to travel this world with you, Ash. I want to experience something new in life, with you. I want to see, feel and hear something new with...you. I want to have a family... With you."
Tahimik lang ako at nakayuko.
"Ash, alam kong alam mo na nasabi kona saiyo to dati pero gusto kong harap-harapan mong marinig."
"No..."
"Sa lahat ng plano ko nandon ka, ikaw ang inspirasyon ko, ikaw ang kasiyahan ko, at ikaw ang pahinga ko."
"No, Yvo. Stop..."
"I love you, Ash. "
"Dont, d-dont say it... "
"I want to marry you, I dream to be your husband, to be the father of your children in the future, Ash."
'It hurts. It fucking hurts so much.'
Seeing him slide the red little box in my hand is hurting me. Watching him being so happy doing it is hurting me. And knowing that I can't do what he wants us to do in the future is more painful.
"I no longer have a future, Yvo." Mahina kong sambit kasabay naman nun ang pagpatak ng mga luha ko.
He is proposing to me.
That tiny box in my plam, it contains a promise ring inside. I know it. But I can't bring myself to open and look at it. Cause I know it will be hurt.
"Ash?"
"I can't accept this." I put the box back in his hand. "I advise you to change your plans habang maaga pa, Yvo. Because I can't be with you anymore."
"What are you saying? I dont understand you." I saw panic in his eyes.
"Kaya kita pinapunta dito kasi I want to end things between us." I swear, I want to sound sincere while saying this but my eyes is telling the opposite.
"No... No way... Y-you're joking, right?"
Nanginginig ang mga kamay ko kaya itinago ko nalang iyon sa ilalim ng lamesa habang napatayo naman si Yvo at dahan-dahang lumapit saakin.
"I am not... Yvo, itigil na natin to." Garalgal ang boses ko.
"Why? Why the hell... Fuck... Ash, look at me." umiling ako at nanatiling nakayuko. "Baby, please I'm begging you."
'I can't, Yvo.'
Nagulat ako nang biglang lumuhod si Yvo sa tabi ko para lang makapantayan ang mga mata ko.
"Dahil ba to sa nakaraan, huh? Tell me anything, baby, and I'll do it. Ayaw mong kausapin ko si Ashantie? I'll do it. I wont even look at her. Hindi na ulit ako mag ooffer na ihatid siya, susundin na kita palagi. Lahat ng sabihin mo gagawin ko, just please... Baby, please... Look at me and tell me you are not breaking up with me, please..."
Hindi ko na mabilang kung ilan beses siya nagmaka awa saakin.
Nanunubig narin ang mga mata niya kaya agad kong iniwas ang tingin don.
"No. Mas mabuti nga kung sa kaniya ka mapupunta, Yvo." Bigla nalang iyon lumabas sa bibig ko.
Nanlaki naman ang mga mata niya at ilang sandali pa ay nagsalubong na ang mga kilay.
"...What?"
"Because she is someone who is blessed and be able to stay with you longer." That's bitter. "Yvo, she is much prettier than me too. Matalino, mabait, magaling sa lahat. Unlike me na hindi man lang makapagluto ng sariling pagkain."
Ang sakit lang na pinagtutulakan mo yung taong mahal mo sa taong dahilan ng lahat ng insecurities mo.
Mas better naman kasi talaga siya. Yvo, will probably be much happy with her.
"Bullshit, Ashryfah! That's a fucking bullcrap." I almost jump from his shouts. But I can't blame him for reacting that way.
"How could you say that to me? Was my love not enough? Bakit mo ako pinagtatabuyan? Bakit mo ako sinasaktan ng ganito, Ash?..." Tumayo siya at tumalikod. "Mahal kita, ikaw lang. Sa kahit sinong iharap mong babae saakin ikaw parin ang hahanaphanapin at pipiliin ko." His shoulder is shaking.
'Crying'
"Kaya bakit? Tangina naman eh, mahal na mahal kita. Wala akong pake kung sinasabi mong mas maganda siya sayo or what, kasi walang effect yun. Para sakin ikaw lang ang nakikita ko. Hindi mo ba magets?"