"Mahal na mahal kita..." Sobrang sakit saakin ng mga salitang iyan.
Alam ko naman na mahal niya ako eh, at mas lalong bumabaon sa puso ko ang sakit dahil sobrang mahal niya ako, ako na bilang nalang ang mga araw, ako na hindi magawang mag stay sa tabi niya, ako na nagdudulot ng ganitong sakit sa kaniya.
Oo, matagal kong hiniling na sana may isang taong pumili saakin. At meron nga, pero bakit sa maling panahon naman? Bakit sa ganitong pagkakataon na hindi ko rin siya magawang piliin?
"Yvo, tama na..."
"Hindi ko nga kaya, okay?" humarap na siyang muli saakin. Kagaya ko ay basa din ang kaniyang pisngi.
"Ayoko na, tumigil na tayo" Malumanay kong sabi, inipon ko din ang lakas ko para makatayo at makalapit sa kaniya.
"Ayaw mo na? Kung ganon bakit ka umiiyak ng ganyan? Bakit iba ang sinasabi ng mga mata mo? Ash, ano ba kasing dahilan? Bakit mo to ginagawa?" Pinunasan ko ang mga luha sa mga mata niya. Nanatili naman siya at hinayaan ako sa ginagawa.
I didn't answer any of his questions. Instead,
"Ito na ang magiging huli nating pagkikita. Ang gusto ko ay alagaan mo ang sarili mo, dont work too much and eat in time. Tuparin mo lahat ng mga pangarap mo at plano mo sa buhay, dont worry kasi kahit nasaan ka man I will always be watching and guiding you. Always smile and be happy. And, love someone who is deserving for it and willing to love you too for the rest of their life. Mawala man ako, the sun, the moon, the sky, the clouds, and the time will always be there with you. They'll take your pain away. So live a long life, Yvo. Live for me. "
"I will make my heaven in your arms." Last words that is whispered in the air.
<¤><¤><¤><¤>
After that day we never speak to each other again, or should I say, I never speak with him again.
Mga ilang araw matapos mangyari yon ay paulit-ulit niya pa akong minemessage at tinatawagan, pero ni isa ay wala akong sinagot o tinignan. Siguro ay hindi na niya nakaya kaya pumunta pa sya ulit dito. Ilang beses siya kumatok at nagmakaawa saakin na pagbuksan siya ng pinto, pero hindi ko ginawa. Kahit nasa kwarto na ako nung mga panahong iyon ay rinig na rinig ko parin ang pagtawag niya sa pangalan ko.
Until he stopped.
Hindi na siya muling tumawag, nagmessage, o pumunta saakin.
'Nagsawa na rin siguro.'
Sobrang sakit. Walang araw na hindi ko iniyakan ang pangayaring iyon. Ilang beses din na parang gusto ko nalang buksan ang pinto at makita siya, pero pinigilan ko ng matindi ang sarili ko dahil para sa kaniya naman ang ginagawa ko.
Hindi ako lumalabas ng bahay, bihira nalang kumain, hindi makakilos at nanghihina. Yan ang kalagayan ko. Ngayon ay mataas ang lagnat ko pero hindi ako makainom ng gamot kasi una sa lahat, wala ako nito, pangalawa hindi pa ako kumakain at hindi makabangon.
Gustuhin ko mang magpa-alaga kila mommy, naalala ko naman na sinabi nga pala niyang nakakapagod na ako. Mas mabuti narin siguro to. Mamamatay ako ng walang inaabala.
Bakit kasi hindi nalang ako umalis ng walang dinaramang sakit? Bakit kailangan ko pang mag suffer ng ganito?
Gabi-gabi para akong nakikipag habulan kay kamatayan, nagpupumilit ako na ibalik yung mga hangin sa katawan ko. Sobrang hirap huminga, nagugulat na nga lang ako na nagigising pa ako kinabukasan.
Nakapatay narin ang air-con at wala ni isang electric fan ang gumagana dito sa kwarto, pero ginaw na ginaw ako. Pati ata init ay nilisan narin ako.
Awang-awa na ako sa sarili ko. Nangungulila narin ako ng sobra sa kaniya. Oo, sinabi kong huling pagkikita na namin iyon. Pero hindi ko magawang makontento. Bilang nalang ang paghinga ko at gustong-gusto ko na siya ang huling tanawin na matutunghayan ko sa pagpikit ng aking mga mata.
Dahil sa saloobin na iyon ay pinilit kong tumayo, kahit pagewang-gewang at nanlalabo ang mga mata dahil sa pagkahilo, kahit umaagos ang mainit na likido mula sa aking ilong, kahit ang konting kinakapitan na paghinga ay tila ba mauubos na, pinilit ko.
Paunti-unti, lumalapit ako sa pinto ng condo. Ang naisin kong makita siya ang nagpapatatag saakin, ilang beses ko ring pinaulit-ulit iyon sa aking mga dasal habang hirap na naglalakad.
Habang konti nalang ang distansya sa pinto, parang konti nalang din ang natitira saakin. Sobrang sakit ng lahat, hindi kona nga matukoy kung ano ba yung masakit. Basta lahat.
Nauubusan narin ako ng pag-asa. Hindi kona maabot ang pihitan ng pinto, at kung sakali man na maabot ko ito anong sunod? Makakaya ko pa ba na puntahan siya? Kakayanin paba ng katawan ko?
Gayon nalang ng makarinig ako ng tunog.
"Ash, I know you wont be listening to this. I know you will never open this door, but... I just want to say how much I love you. Walang nagbago. Wala eh, hindi ko talaga kaya. Whatever happens, Ash, I'll be waiting. Until you are ready to open this door again, until you ready for me to choose you." tila ba dininig ng langit ang hiling ko. Yvo, is outside my door right now. Kung mapipihit ko lang ang doorknob ay makikita kona siyang muli.
Habang nakasandal sa pader ay hinimas ko ang singsing na nakasuot sa isang daliri ko. Yung singsing na nakapaloob sa kulay pulang maliit na box, iniwan niya ito sa lamesa kaya napagdesisyonan ko ring suotin.
"Yvo..." Nanghihina kong pagtawag. "Yvo, my beloved..."
"Ash? Ash, are you there? Oh God... Please baby talk to me..."
"Bbi... That's how you call me..."
"Yes yes, bbi... I know.... I remember. Open this door and let's talk, please? Bbi..."
"I can't, Yvo. I can't, I'm too weak to open this door... Please help me... I want to see you..." its getting darker.
My vision is getting darker and darker. I feel like my head is being too heavy and my breath... I can't breath.
"Yvo... Help me..."
Nawawalan na ako ng control sa katawan ko. Ito na siguro yon. Hanggang dito nalang ata talaga...
Tanging pagsigaw nalang din ni Yvo ng 'Ash' ang huling narinig ko bago ko naramdaman ang malakas na impact ng bumagsak ang katawan ko sa sahig at tuluyan na ngang balutin ng kadiliman.