Pagka uwian ay dumiretso ako sa recto. Sinabihan ko kasi kanina si Yvo na huwag na akong sunduin sa school, hindi ko na sinabi yung eksaktong dahilan na pinagkakaguluhan kasi siya doon. Kaya heto't poging-pogi siyang nakatayo sa entrance.
Kinawayan niya ako nang makita at ngumiti naman ako pabalik.
"Anong ginagawa mo dito?" Kunwari'y tanong ko.
"Hahatid kita, diba?" Mukha naman siyang walang kamuwang-muwang na pinagtitripan ko lang.
"Huh? Diba sabi ko huwag na." natulala siya nang marinig iyon, tila ba hindi alam kung ano ang dapat sabihin o maging reaksyon.
Natatawa na ako pero pinigilan kona muna.
"I-I thought..."
Hala mukha na siyang nakakaawa. Para ding inaalala niya yung buong conversation namin kanina habang kumakain.
"Hoy joke lang BWAHAHAHGAGA, dont tell me naniwala ka talaga?" pagbawi kona sa sinabi. Natatawa parin ako nang sa wakas ay nakahinga na siya ng maluwag.
"Seryosong-seryoso ka kasi, akala ko tuloy..." Napabuga siya ng hangin at saglit na yumuko bago nag angat ng tingin sakin saka ngumiti. "You are good."
Tumawa nanaman ako.
Pag akyat sa taas ay nilibre niya ako ng ticket. Kaso pagpasok sa tren wala nang maupuan kaya nanatili nalang kaming nakatayo.
Nakasandal ako sa glass na sandalang ng upuan sa tabi ng pinto at sa harap ko naman ay si Yvo.
Kung titingnan ay para niya akong kino-corner.
Muling dumaloy saaking ilong ang bango niya. Kahit buong araw ang pasok namin, ang fresh niya paring tignan. Nakaka-inggit tuloy.
"How do we know that the ocean is friendly?" he suddenly asked while the train is moving for the next station.
"How?" Nagtataka kong tanong.
"It waves." Seryoso naman niyang sagot.
Saglit pa akong napa isip dahil hindi ko expected na joke pala iyon. Kaya nang magets ko ay napatawa nalang ako.
"Ako naman. Anong isda ang pwede mong ipanulat?" kinagat ko ang pang-ibabang labi para pigilan ang pagtawa.
Ito ang mahirap sakin eh, wala pa nga natatawa na agad.
"What?"
"Edi lafish. BWAHAHAHHAHA."
"There must be something wrong with my eyes, I can't take them off you. " Aba, bumabanat naman ngayon ang kuya.
"Did the sun come out or did you just smile at me?" Akala mo ah. Kiligin ka ngayon.
Mas lalong lumaki ang ngiti niya kaya naramdaman ko ang lalong pag-init ng mga pisngi ko.
Tumigil ang tren at bumukas ang pinto. Pangalawang stasyon palang pero sumikip na agad. Mas lalo tuloy napa-urong sakin si Yvo.
We are looking at each other while adjusting ourselves.
Hindi nagtagal nagpatuloy na sa pag-andar ang tren.
"God, you are so breathtaking... I forgot my pickup lines." pabulong niya iyong sinabi.
Sobrang lapit nalang namin ngayon sa isat-isa kaya mas lalong iba ang impact non sakin.
Ang sexy ng dating huhu.
"Mahina ka talaga." pagbibiro ko.
"Haha."
Bhiee!!! Tumawa siya malapit sakin!!! Feeling ko malulusaw nako!!! Ang daya niya!!!
"Baril kaba? Patira naman, kahit isang putok lang."
Sa pagpapanic ay hindi ko namalayang nasabi ko na iyon. Nakita ko pa ang gulat na gulat niyang reaksyon. Ako naman ito gusto nang magpakain sa lupa.
'Patawarin nawa ako ni Allah.' sorry po talaga huhu. Nahawaan lang ako ni Sarah. Patawad patawad~
"Wow. I never thought you could joke like that HAHAHA." komento niya.
Sobrang hiya ko hindi ko na kayang salubungin ang mga mata niya.
Kaya pagdating sa pangatlong station, mas lalo pa siyang naurong sakin. Ngunit sinigurado naman niyang may tamang space pa para komportable ako.
Pinipigilan niya ang mga tao sa kaniyang likod na matulak siya para hindi ako maipit o masikipan. Pawis na pawis na siya at halatang nahihirapan. Naguilty tuloy ako.
Dapat ngayon ay nasa kanilang bahay na siya at nagpapahinga.
Umandar ulit ang tren.
Isinandal ko ang ulo ko sa kaniyang balikat. Nakakangawit tumayo at ang sikip pa.
"Are you okay?" Pero ako padin ang inaalala niya.
Naging maingay pagtibok ng puso ko, para nitong kinakalampag ang dibdib ko kaya napahawak ako dito.
"...Ayos lang. " Naririnig kaya niya yung pagpintig ng puso ko? Sana ay hindi. Nakakahiya.
"Bukas, ihahatid na kita using my car." Nagsalita siya malapit sa aking tainga, nakasandal padin kasi ang ulo ko sa kaniya.
"Mapapagod ka lang." Mahinahon kong saad, kabaliktaran ng aking puso. "Tingnan mo ngayon, nahihirapan ka diyan."
"No, Ashryfah. Baka nga kung hindi mo pa ako hinayaang ihatid ka, napipi kana dito." Hindi ako sumagot. "Ayaw mo bang ihatid kita?"
"Hindi naman sa ayaw, pero kasi may buhay kadin. Hindi mo naman ako responsibilidad. I'm worried lang."
"I know. "
"Tyaka kakakilala palang natin..."
"Hmm, and I want to know you more. I want to get more closer to you. Now that I finally found you, I will not let you go."
Hindi ko naintindihan ang ibigsabihin niya sa mga huling kataga.
Siguro ay tinutukoy niya ako bilang kaniyang "The one?" "Destiny?" "Soulmate?" kaya nasabi niyang hindi na niya ako papakawalan.
Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.
"So please, hayaan mo akong ihatid ka."
Tumango ako, nang marahan.