HIS LAUGH

1.6K 28 0
                                    

Lunch time na, ganitong oras na sana kami magkikita ni Yvo. Ang kaso may biglang pa anunsyo ang mga prof namin kaya nag chat muna ako sa kaniya na malelate ako saglit.

Yvo:

Its okay, take your time.

Matapos mabasa iyon, itinabi kona ang cellphone ko at inip na inip na nakinig sa nagsasalita.

Makalipas ang kinse minutos na pagsasalita, natapos narin ito.

"San ka?" Tanong ko kay Sarah.

"Sa jowa ko. Di naman tayo kakain ng sabay diba?"

Tingnan mo to, nakaraang linggo lang sabi wala na daw sila, tapos ngayon may tinatawag na jowa.

"Nagkabalikan na kayo?"

"Huh? Bago to, noh. Duhh"

Hindi ko pa nga namemeet yung mga naging jowa niya, may bago nanaman.

"Potek, sige na nga. Kita nalang tayo mamaya." Bumeso ako sa kaniya saka tuluyan na ngang nagtungo sa gate.

Napansin kopa ang pagtitipon tipon ng mga estudyante at tila may pinagbubulungan. Hindi ko nalang iyon pinansin at mas piniling mag tipa ng mensahe para kay Yvo.

Me:

Palabas na ako ng gate.

Yvo:

I'm outside.

Paglabas ko nga ay nakaparada na ang pamilyar na Mercedes, natanawan ko din siya hindi kalaunan. Nakatayo siya na parang ilang na ilang sa tabi ng kaniyang sasakyan, hindi mapakali.

"Ang cravings kopo talaga today ay isang taga uste hihi" Narining kong bulong ng isang babae sa kasama niya ng dumaan ako.

"May gf sigurong hinihintay yan dito. Sana all talaga." Isa pang bulong ang narining ko mula naman sa magkaibang tao.

So ang rason pala kung bakit may mga nagtitipon-tipon dito is dahil kay Yvo? Ah-huh no no. Siguro dapat ko nang i-gatekeep si Yvo. Masiyado siyang nakakasilaw at nakakaagaw ng pansin.

Baka wala pang nasisimulan saamin ay may umagaw na sa kaniya.

Hindi pwede yan.

"Hii" Lumapit ako sa kaniya at ngumiti ng malaki.

Nakita ko din ang pagliwanag sa kaniyang mukha ng makita na ako.

Uyy~

Inayos niya ang pagkakasuot ng salamin niya bago nagsalita.

"Hi, hop in." Gaya ng una kong makasakay sa sasakyan niya, ngayon din ay pinagbukas niya ako ng pinto.

Pumasok naman ako saka nagpasalamat. Nagsuot ako ng seatbelt at inantay siyang makapwesto sa tabi ko.

He is wearing a usual white uniform pero tinakluban niya ito ng hoodie. Ang buhok din niya ay mas nakaayos ngayon, parang nag gel siya hindi kagaya kahapon.

He is also wearing that captivating smile, hindi ko tuloy mapigilang mapatitig.

Sa SM San Lazaro kami kakain ngayon, malapit lang naman kasi iyon kaya okay narin.

"Galing ka pang Antipolo kanina diba? Kamusta naman byahe mo?" He started a conversation.

"Hmm, hindi ako nag commute. Sinundo kasi ako ng kaibigan ko kanina kaya hindi naman ako nahirapan."

"That's good." Mukhang taob ako ngayong magkaharap kami ah. "Doon ka ulit uuwi mamaya?" Dagdag niya pang tanong.

"Yup, di ko pa napapapayag parents kona bumalik nako sa condo ko dito."

"Then, may maghahatid ba sayo mamaya?" Nagtatanong lang siya ng ganyan, pero ito nanaman yung parang mga kumikiliti sa tiyan ko.

"Wala na. Balik lrt ulit." Nag effort akong hindi mautal.

"Pwede ba kitang samahan?"

Nag aasume lang ba ako? O talagang he is making a move?

"Pupunta kang marikina?" Nagmaang-maangan ako sa pinaparating niya, para kunwari hindi ako easy to get.

"Hindi. Gusto lang talaga kitang samahan sa pagsakay ng lrt. Tas babalik din ako dito pagdating mo dun."

"Huh? Eh, nakakapagod naman iyon. Huwag na, kaya ko naman sarili ko."

Lumungkot ang mga mata niya saglit.

"Ayaw mo talaga? Okay lang naman saakin. Gusto sana kitang ihatid gamit tong car ko kaso hihiramin daw ng kaibigan ko. So, sabayan nalang kita sa lrt."

Nagpark siya ng maayos sa sm saka kami bumaba ng hindi pa naririnig ang sagot ko.

Wala namang kaso saakin ang magpahatid, pero ang layo ng antipolo. Mabuti sana kung dito lang sa condo ko.

"Baka kasi anong oras kana makabalik dito mamaya..." pumasok kami sa sm at nagpatuloy parin sa pag uusap.

"...Ahh." Mukhang gusto niya talagang ihatid ako. Bahala na nga.

"But if you insist, you can go with me." Magkasabay kaming naglalakad pero nang marinig niya iyon ay napahinto siya. Nagliwanag na ulit ang mukha niya.

Sa Jollibee namin napiling kumain, nagke-crave kasi ako ng fries and sundae.

"By the way, I told you that I'm gonna introduce myself today right?" oonga pala. Nakalimutan ko, alam ko naman na kasi ang pangalan niya kaya hindi ko masyadong nilagay sa isip ang sinabi niya kahapon.

Tumango ako habang nakangiti sa kaniya. Tumikhim naman muna siya at nagsalita.

"My name is Ybaru Valentine Lorenzo, graduating in Medical. I am commonly called Valentine, but you can call me whatever you are comfortable with, Ashryfah."

Medyo nadidistract ako sa lambing ng boses niya, lalo na nung tinawag niya ang pangalan ko. Muntik na tuloy akong hindi makasagot sa sinabi niya.

"Then, I'll call you Yvo."

Lumampas ang gulat sa kaniyang mga mata na ngayon ay pinalitan na nang paghanga.

"Sure." Umangat ang gilid ng kaniyang labi kaya napatingin ako dun. Lahat nalang ng ginagawa niya ay nakakadulot ng distraction sakin.

Itinuon ko nalang tuloy ang atensyon ko sa pagkain hanggang sa matapos kami.

"I want to apologize too." biglang saad niya bago kami pumasok sa loob ng kotse.

"Para saan?"

"Nahawakan kita kahapon. I realized you are a muslim so I thought it's inappropriate." He said that with full of sincerity.

Na-appreciate ko naman ang sinabi niya.

Its true that it is inappropriate, kaso nasanay ako kay Maxi. Kaya parang wala lang saakin yung kahapon.

Hindi narin naman kwinestyon ng parents ko ang closeness namin kaya nagagawa naming mag hug ni Maxivon, hindi rin naman lagi-laging nagkakadikit kami.

"Oh, Okay na siguro yon. Hindi mo naman alam eh."

"I'll be considerate to my actions from now on so I wont make mistakes."

Hinatid niya ulit ako school bago bumalik sa UST.

Matapos nang pag uusap namin kanina mas lalo akong naging comfortable sa kaniya, nakakapag jokes na nga ako habang nasa car.

Napangiti ako nang maalala ang gwapo niyang pagtawa kanina. Lahat nalang talaga sa kaniya pogi eh.

"Huyy, ano nanaman yang pagngiti mo? Nag lunch break lang, gumaganyan kana." Salubong saakin ni Sarah sa room.

Muslim din si Sarah, pero hindi gaya ko ay hindi siya nagsusuot ng hijab. Pero dati nagsusuot naman, tumigil lang nung siguro nasa senior high na kami.

"Hindi muna ako magchichika sayo beh, baka kasi maudlot HAHAHA"

"Leche." Tumawa ako dahil sa dalawang dahilan.

Una, ang cute kasi ni Sarah. Pangalawa, kinikilig parin ako sa tawa ni Yvo.

BWAHHHAHHHAHA

Choose me, Yvo.Where stories live. Discover now