BAD CONVERSATION OR JEALOUSY?

1.2K 17 0
                                    

Matapos ng gabing iyon ay tahimik lang kaming kumain sa hapag bago gumayak pa skwelahan.

Tanghali na nga kami nagising kaya pareho-pareho kaming hindi nakapasok sa first subject.

Pawang masasakit ang mga ulo nila kaka-inom kagabi kaya di rin nila magawang mag-salita. Kami naman ni Maxivon ay hindi maipagkakailang may awkwardness na namamagitan.

Wala naman iyon saakin dahil for sure magkakabalik din kami sa dati na parang walang nangyari, ganon naman kasi kami.

Hinatid nila kaming dalawa sa tapat ng FEU saka umalis.

"Kaya mo pa?" Tanong ko kay Sarah na iniinda ang sakit ng ulo habang nasa klase.

"Leche, madaya ka. Di ka umiinom." Aniya sakin sabay irap.

"Kilala mo naman ako."

"Mag-isa kang kumain mamaya, dito nalang ako sa room. Masakit talaga ulo ko eh."

"Oo sige, dalhan nalang kita lunch dito. Kawawa ka naman eh." Pagtaas lang ng middle finger ang iginawad niyang sagot saakin.

Ganyan siya mag thank you, kingina niya.

Napuyat din ako kagabi kaya antok na antok ako sa klase. Ilang beses pa nga akong nakatulog kaya nagalit si Prof at tinawag ako para magrecite. Kaso wala din akong nasagot kaya mas lalo siyang nagalit.

Nagpatuloy ang klase kahit ganon hanggang sa mag lunch time na nga.

Gaya ng sabi ni Sarah ay mag-isa akong bumili ng pagkain namin. Napagdesisyonan kong doon nalang din kumain kasama siya, nahihiya kasi ako kumain mag-isa dito.

Habang bumibili ng mga pagkain ay chinat ko muna si Yvo. Di na kami nakapag usap kagabi at kanina. Miss kona siya, Char.

Hindi nga lang siya kagad nakapag reply hanggang sa matapos na akong bumili at pabalik na kay Sarah. Pero habang naglalakad ay nagvibrate ang cellphone ko.

Kahit di sigurado na siya ang dahilan ng notification nayon ay excited parin ako.

Yvo:

Hey. How's your night??

Buti nalang si Yvo talaga yung nag message. Kung hindi sayang lang yung excitement ko.

Me:

Hmm, fun. Ikaw? Sorry di na me nakapag text kaninang umaga. Nalate kasi kami ng gising kaya ugagang-ugaga kami para makahabol sa klase. :<

Yvo:

It's okay. Actually tumawag ako kanina before 7

Me:

Oh? Di ko nasagot huhu

Yvo:

May sumagot, bbi. Lalaki. Kaibigan mo?

Oh shit. Si Maxi yon for sure, wala naman ng iba pang kasamang lalaki kagabi siya lang.

Pero bakit naman niya sasagutin yung phone ng hindi naman kaniya and without my permission pa? Tapos di niya pa ako sinabihan na tumawag pala si Yvo.

Me:

Ahh oo, si Maxivon siguro yon. Kaibigan ko.

Yvo:

Hmm. I see.

Me:

Bakit? Ano pinagusapan niyo?

Yvo:

Wala naman

Me:

Weh? Meron eh. Alangan naman na pagkarinig niyo palang sa boses ng isat-isa pinatay niyo narin yung tawag?

Yvo:

Its nothing. Really.

Beh, ang ikli ng mga chats niya huhu. Feeling ko may pinag-usapan talaga silang dapat hindi eh. Kung ano-ano sigurong pinagsasabi ni Maxi na ikatu-turn off ni Yvo sakin, pag-totoo yare sakin yung lalaking yon.

Pero

What if

Nagseselos lang tong si Yvo?

Kung ganon nga kailangan ko siyang i-comfort.

I-surething na this. Charot.

Me:

May gagawin ka mamaya? Can I see you?

Ang lakas pa ng pintig ng puso ko habang tinitipa to. Medyo malapit narin ako sa room namin.

Yvo:

May gagawin kami mamaya eh, sorry.

Yung puso ko nahulog. Parang nakakawalang gana nading pumasok sa mga next subject namin. Uwi nalang kaya ako? Uyy bawal.

"Anyare? Bakit biglang lumukot mukha mo?" tanong sakin ni Sarah habang kumakain na nga kami.

"Wala... Ang init lang kasi sa labas." pagdadahilan ko.

Nang matapos ang araw na iyon ay hindi ko mapigilan mag overthink. Naka-uwi na ako sa bahay at lahat, nakahiga na nga ako sa kama at nag hihintay parin sa text niya.

Baka kasi may nasabi nga si Maxi or nagseselos lang talaga siya. Lunod na lunod na ako sa pag ooverthink dito oh.

Bukod don, gusto ko din siyang makita. Di ata ako makakatulog ng ganito, pero di ko naman alam kung saan siya nakatira or saan siya pwede kitain.

Laging siya kasi ang pumupunta saakin-- oh wait...

Kinabukasan, di pa nagsisimula ang klase ay uwing-uwi na agad ako, napansin pa nga ni Sarah ang pagmamadali ko sa oras kaya di na niya napigilang mag tanong.

"May lakad ka? Kanina mo pa ata gustong umuwi?"

"Meron teh. Kaya sana matapos na kagad tong klase."

"Gusto mo ba talagang maka-alis na? Isa lang ang solusyon diyan. Mag cutting ka. Tulungan pa kita gusto mo?"

Kahit kailan talaga tong si Sarah. Mahirap na nga kausap, bad influence pa.

"Tanginamo, makinig ka kaya sa prof ng ako naman ang matulungan mo sa mga assignment?"

"Ay hehe~"

Wala akong choice kundi ang pagtiisan tong natitirang mga klase hanggang sa mag uwian.

Hindi nga ako kumain kaninang tanghali kakaisip kung paano ako magpapaalam kay Yvo na pupuntahan ko siya, hindi rin naman ako magtatagal. Ibibigay ko lang tong binake ko na cookies.

Pero sa huli, hindi rin ako nakapag paalam. Pwede kaya akong pumasok sa campus nila? Or makikita koba siya today? What if hindi?

Ito nanaman tayo sa pa-what-if nayan eh. Wala ng peace of mind.

Pero what if huwag na ako tumuloy? What if hindi rin niya pala gustong makita ako? What if galit siya sakin? What if--

Bakit ba ako nag-iisip ng ganito? Eh hindi pa naman kami. Bahala na, uwi nalang ako...

"Para po!" dumayo ang tingin ko sa babaeng nagpara.

Nakita ko siyang nakasuot ng hoodie at slacks pero ang ID niya ay naka labas. Pamilyar din ang lace.

Teka

Us...

UST?!

Sumilip ako sa bintana ng jeep at doon natagpuan ko ang uste. Huli na para umuwi ako kasi nandito na ako.

Sumunod ako sa pagbaba ng babae sa jeep at nagpalinga linga. Puro mga taga uste ang nakikita ko. Pero di ko natanawan si Yvo. Nasa room ata siya nila or kung saan mang lupalop.

Kaka-overthink ko hindi kona namalayan ang pagsakay ko sa jeep papunta dito, ni hindi ko nga alam kung nakapag babye ba ako kay Sarah.

Sigh.

Hindi ko ito naranasan kay Maxivon dati, pero ngayon nandito ako para sumuyo sa isang lalaki na mag iisang buwan ko palang kilala.

Hayy...

Choose me, Yvo.Where stories live. Discover now