I WISH I WAS HER

1K 12 0
                                    

"What are you doing here?" sa wakas ay nagawa ko nading pagsalitain ang sarili ko.

"Oh. I was with mom and dad, kanina pa kami naghihintay sayo dito. Di karin namin ma-contact. Hinala nila ay blinock mo kami." Yes I did. I blocked them. Pero ano nga ang kailangan nila saakin at naghintay pa sila ng matagal dito? 

Tinitigan ko ng matagal si Ate na para bang hindi sapat ang isinagot niya saakin. Mukhang nabasa naman niya iyon at agad ding dinagdagan ang pahayag.

"Nakita nila yung result ng exam mo..." Halos huminto ang pagpintig ng puso ko ng marinig iyon.

May hinala na ako na mangyayari yan pero hindi ko inaasahan na ngayon kagad. Ganito kabilis.

Tila ba nagyelo ako sa kinatatayuan ko. Pero nagsimula na ding manginig ang mga kamay ko na hanggang ngayon ay nakakuyom padin.

"Kelangan na kelangan kana ata, Ash. Puntahan mo na sila, uuwi nadin ako." Untag ni Yvo.

Lumingon ako sa kaniya at humiling sa isip na sana hindi nalang niya sinabi iyon. 

Ayaw kong puntahan sila, ayaw kong maiwan siya dito kasama si ate, ayaw ko ng nag-iisip ng ganito.

"Go na, Ashryfah. Baka mas lalo pa silang magalit kapag nagtagal ka pa dito." Pagtutulak din sakin ng kapatid ko. Napipilitan naman akong sumang ayon.

Ngunit napansin ko na tila ako lang ang may balak tumungo sa loob, hindi gumalaw ng kahit katiting ang ate ko mula sa kinatatayuan niya. Si Yvo naman ay pinapanood ang pagalis ko.

"Hindi ka susunod, Ate?" Nalasahan ko ang alat na nanggagaling sa mga salita ko.

"Uuwi nadin ko. May gagawin pako bukas eh." Mabilis naman lumipat ang mga mata ni Yvo mula sakin patungo sa kaniya.

"Oh? Kung ganon sumabay ka nalang sakin. Madilim na rin eh." Nanlaki naman ang mga mata ko don. The audacity...

Naramdaman ko na naman ang muling pagkirot ng puso ko.

'Bakit siya nag sa-suggest ng ganyan?'

"I think may dalang kotse ang ate ko. hindi mo na kailangan mag abala pa, Yvo." Walang kaemo-emosyon kong saad.

"That's the problem, sumabay lang kasi ako sa parents natin papunta dito."

Tangina.

"Ihahatid ko na lang siya, Ash."

"Ayoko, Yvo." Pagmamatigas ko.

Huwag na sana niyang kunin pa pati si Yvo, siya nalang ang nagmamahal sakin. Parang-awa...

"Ash? She's your sister. Pano kung may mangyari sa kaniya habang pauwi?" Bakit ba pinagpipilitan niya to? Bakit hindi nalang siya makinig sakin?

"Okay lang naman. Hindi mo na ako kailangan pang ihatid, kaya ko na sarili ko."

"No, I insist." Yvo....

I can't... I can't take this anymore. Habang tumatagal tong pag-uusap namin mas lalong bumabaon yung sakit. Pag nagpatuloy pa'to ay maiiyak na ako sa harap nila.

"Sige, bahala ka." Pagod kong usal saka tumalikod at nagpatuloy sa paglalakad.

Hindi ko pwedeng ubusin ang sarili ko sa kanila kasi may nagaantay pa sakin sa condo ko. Kailangan kong patatagin ang sarili ko para maharap sila.

Maya-maya pa ay narinig ko nadin ang pagharurut ng sasakyan ni Yvo, ngunit hindi na ako nag-abalang lingunin iyon.

Masakit.

Huminga muna ako ng malalim bago pinihit ang doorknob at pumasok sa loob. Pero bago pa man tuluyang makapasok, naramdaman kona ang pag-init at hapdi ng kaliwang pisngi ko.

PAK!

Malakas na sampal ang sumalubong saakin. Nanggaling iyon walang iba kundi sa nanay ko.

Buong akala ko yun na yon, lilingunin kona sana siya ng dumapo pa ulit ang kamay niya sa kabilang pisngi ko naman.

Masakit.

Ngayon tuluyan ko ng hindi magalaw ang katawan ko.

"NAPAKA KAPAL NG MUKHA MO! PINAG-AARAL KA NAMIN TAPOS ANO?! GANTO ANG ISUSUKLI MO?! WALANG HIYA KA! WALANG RESPETO! WALA KA NANG NAGAWANG TAMA, SA PAGBAGSAK MO LANG SA EXAM IKAW MAGALING!"

'Hindi ko naman ginusto yun eh.'

"BAKIT HINDI MO TULARAN SI ASHANTIE?! NI ISANG BESES BA BUMAGSAK YON? HINDI DIBA? KASI RESPONSABLE SIYANG ANAK! ALAM NIYA KUNG ANONG DAPAT AT TAMANG GAWIN! IN SHORT, GINAGAMIT NIYA YUNG UTAK NIYA! HINDI KAGAYA MO! EWAN KO BA KUNG KAYNINO KA NAGMANA? BAKIT NAPAKA LAYO MO SA KAPATID MO, BUTI SANA KUNG AMPON KA EH."

'Nakumpara nanaman ako.'

"KUNG SANA KASING GALING KA LANG NG ATE MO EDI NAIPAGMALAKI KANA DIN NGAYON. ALAM MO, NAKAKAPAGOD KA. NI MINSAN HINDI AKO NASTRESS SA ATE MO NG GANITO, PERO NUNG SINILANG KA? HAYNAKOO. MAHINA NA NGA ANG KATAWAN, MAHINA PA ANG KOKOTE."

'Sana ako nalang si ate...'

"Papasukin mo muna ang anak mo. " Biglang nagsalita si Daddy na prenteng nakaupo sa sofa.

Pagalit naman na tumalikod si Mommy para makapasok nga ako ng buo.

Nanginginig ako. Naglakad ako sa loob na para bang unti nalang ay bibigay na ako.

Tahimik lang akong tumayo sa gilid, nagpipigil ng iyak. Nag-aalala pa kasi ako kay Yvo. Kung si Maxivon nga ay madaling nahulog kay Ate, hindi malabong mangyari din kay Yvo yun.

'Pano nalang ako?'

Sabagay, hindi narin naman siguro ako magtatagal dito.

"Bakit ka bumagsak?" Kumpara kay Mommy mas mahinahon ang pagtatanong ni Daddy. Pero alam ko sa loob-loob niyan ay galit narin siya. Nagpipigil lang siya kasi ayaw niya ng sabayan si Mommy.

"...Hindi ho ako makapag focus." Ani ko.

"AT BAKIT NAMAN? MAG-ISA KA NA NGA LANG DITO HINDI KA PADIN MAKAPAG FOCUS? AHH, BAKA DAHIL YUN DON SA KAIBIGAN MONG HUNGHANG. ANO NGA PANGALAN NON? SARAH? PURO SIGURO PAGLALANDI ANG INAATUPAG NIYO! MAY BOYFRIEND KANA NOH?! UMAMIN KA!" nagsilbing trigger iyon sa galit ko.

Kahit ina ko siya, wala siyang karapatan pagsalitaan ng ganon si Sarah. Dahil una sa lahat hindi ganong klaseng tao si Sarah. Hindi siya gagawa ng ikapapahamak ng iba, at hindi siya hunghang.

"Huwag niyong pagsasalitaan ng ganon si Sarah!"

"ABA AT PINAGTATANGGOL MO PA YUN?! ANG DAMI MONG ALAM PAGDATING SA KATARANTADUHAN PERO SA EXAM MO WALA!"

Hindi kona kaya.

Hindi kona napigilan yung pagpatak ng mga luha ko.

Sobrang sakit ng mga sinabi niya.

"HUWAG MO KONG INIIYAKAN DIYAN!  WALA KANG KARAPATAN UMIYAK DAHIL IKAW DIN ANG MAY KASALANAN!"

'Bakit ganito sila sakin?'

Bakit parang mahirap akong mahalin? San ba ako nagkamali? Saan ako nagkulang?

Kahit na sinabing huwag akong umiyak, hindi ko magawang pigilan ang sunod-sunod na pagpatak ng mga luha ko. Napahawak din ako sa aking dibdib dahil sa nararamdaman na paninikip.

"Tsk... Sana isa nalang ang anak ko, at si Ashantie lang."

Doon na ako tuluyang napabagsak sa sahig.

Sobrang sakit, ni hindi ko na nga malaman kung saan parte ng katawan ko iyong nananakit.

Wala ng mas sasakit pa sa marinig mong humiling ang magulang mo na sana wala ka nalang.

Wala ng mas sasakit pa sa pagsisisi ng mga magulang mo dahil sa isinilang ka nila.

Ano kayang pakiramdaman na maging Ashantie? Sana talaga ako nalang siya.

Choose me, Yvo.Where stories live. Discover now