prologue

8.8K 94 1
                                    

MY BOSS, MY BODYGUARD

by: sha_sha0808 Ash Simon

PROLOGUE

Ayaw niyang manilbihan sa mga Lacson at Villafuerte kaya tumakas siya sa agency nila. Mga hari at reyna kasi ang tingin ng mga tao sa angkang iyon kaya natatakot siya, na baka magkalat lang siya sa mansion. Sa kaniyang pagtakas, nakatagpo siya ng tunay na kaibigan sa katauhan ng isang security guard. Pero sadyang hindi nga niya kilala ang buong angkan ng tinakasan niya, dahil ang kaibigang sinusukahan niya sa tuwing malalasing, inaasar, at inuutusan, ay isa sa "dark horses" ng mga Lacson, si Kale Angeles.

A/n:

Di ko bet ang naunang plot. Hahaha.

Mga dapat tandaan:

1. Unedited lahat. Naniniwala kasi ako na ang pinaka best na story ng isang manunulat ay ang kaniyang draft. Parang life. Kayo na ang bahalang mag-relate sa life kasi nakakapagod mag-isip at magsulat.

2. Nagbabasa ka ng story ng author na hindi published kaya huwag mag-expect ng mataas na kalidad. Sanay ka kasing mag-expect kaya nasasaktan ka e. Huwag ganu'n. Ang tunay na maganda, siya ang nagpapaasa.

3. Nagkakabaliktad ang names mula sa ibang stories o madalas naliligaw. Parang mga malalandi, madalas na naliligaw sa relasyon ng iba. King ina, pangit na nga, nakaagaw pa.

4. Mali2x ang punctuations at grammar kaya read at your own risk.

5. Pag ayaw sa story, umalis nang tahimik. Di naman kita inaano.

6. Slow update 'to. Slow rin ang utak ko e.

7. Hindi 'to related sa story pero isang malaking PAKYU kay ex.

My Boss, My BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon