7 SSPG

8.1K 124 7
                                    

Warning:



Read at your own risk dahil sa sensitibong tema.

Read at your own risk dahil sa sensitibong tema

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.





Chapter 7






UNEDITED...








"What—wow, Dude!" bulalas ni Christopher habang nagmamaneho. "Bago ng bagyo, nakipaghiwalay ka kay Jovi tapos ngayon papunta tayo sa ama niya? Do you think tatanggapin tayo roon?"

"Walang kinalaman ang pulitika o San Francisco sa relasyon namin!" sagot ni King at itinuon sa unahan ang mga mata. "Kumusta si Danya?"

"Puro ka Danya!" sabi ni Christopher. "Kapag malaman nila, patay tayong lahat!"

"Kayo ang may kasalanan nito e!" sabi ni King.

"Damay lang din ako! Sina Jannes talaga," depensa ni Christopher. "Ba't ba kasi naglaway ka ro'n? Alam mo naman ang mga kaibigan mong 'yon, maloko."

"Malay ko ba na gagawin nila 'yon. Isa pa, ugali na talaga natin na mang-hunting ng mga babae a."

"Mayor na chickboy! Ba't ka ba binoto ng mga tao?" napailing na sabi ni Christopher.

"Alam mo kung bakit," nakangising sabi ni King.

Ilang oras pa ang biyahe hanggang sa nàkarating sila sa kapitolyo.

Dumiretso sila kay Gov.

"Magandang umaga ho," magalang na bati niya at sinabi ang pakay.

"Pasensiya na, King, pero marami na ang nauna sa inyo."

"Pero Gov, mas malaki ang napinsala ng San Francisco. Malaki ang imprastrakturang nasira. Kami pa rin ang may pinakamalaking ambag pagdating sa mga produkto sa Quezon province," desperadong sabi niya.

"May tamang proseso tayo riyan, King. Isa pa, hintayin lang ninyo ang tulong natin dahil naghihintay rin kami ng tulong mula sa national government."

"Hindi ba't may calamity fund tayo?"

"Wala kang karapatang kuwestiyunin ako, King! Mayor ka lang! Hindi mo alam kung ano ang pamamalakad ng isang gobernador!" tumaas na ang boses nito kaya tumayo si Christopher at hinila ang kaibigan.

"Uwi na tayo, King," bulong ni Christopher kaya naikuyom ni King ang kamao.

"Salamat po, Gov. Uuwi na po kami," mahinahong paalam ni King saka lumabas.

Saktong papasok din si Jovi para puntahan ang ama.

"Hey, Yorme! Kumusta?" nakangiting bati ni Jovi. "Balita ko, malaki ang pinsala ng bagyo sa San Francisco?"

"Mauna na kami," walang ganang paalam ni King. Paniguradong may kinalaman si Jovi sa naging pasya ng ama nito.

"Well, good luck! Tingnan natin kung gaano ka kagaling mamahala, King! Hindi 'yong papogi lang!"makahulugang sabi nito kaya tumigil si King at nilingon ang dalaga.

Mayor's secret Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon