46

4.7K 115 4
                                    





Chapter 46

Port:

Unedited...

"Baby?" tawag ni Danya nang pumasok sa opisina ni King.

"Danya!" bulalas ni King at agad na tumayo. "Akala ko ba bukas ka pa?"

"Miss na kita e!" sagot ng dalaga kaya napangiti si King at sinalubong si Danya.

"I miss you too," wika ng binata at hinapit sa bewang ang dalaga at tinitigan sa mukha.

"Baby?" malambing na tawag ni Danya at tiningala si King para salubungin ang mga mata nito.

"Hmm?"

"I love you," sabi ni Danya.

Umiwas ng tingin si King saka paunti-unting namumula ang magkabilang mukha nito.

"Ang cute mo, Mayor!" natatawang sabi ni Danya.

"Baby—kasi . . . " Napakamot siya sa ulo. Naiilang siya kay Danya.

"Nahihiya ka o kinikilig?" tukso ni Danya.

"Fuck!" pagmumura ni King at mahigpit na niyakap ang dalaga saka inamoy ang leeg nito. "Bango ng baby ko."

Mas lalong lumakas ang tawa ni Danya. "Iniiba mo ang usapan, Mayor!"

Bahagyang inilayo ni King ang katawan at hinawakan si Danya sa magkabilang balikat. "Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwalang mahal mo na ako. Parang kailan lang, Baby."

"Parang kailan lang—uhmp!" Hindi na niya natuloy nang tinawid ni King ang espasyong namamagitan sa mga labi nila. Ipinulupot niya ang mga kamay sa leeg ni King at tinugon ang halik nito.

"Ich liebe dich," bulong ni King nang pareho silang sumagap ng hangin pero agad ding tinakpan muli ni Danya ang mga labi niya.

Pinangko ni King si Danya palapit sa couch pero sinigurado niyang hindi maputol ang halikan nila.

Dahan-dahan niyang hiniga ang dalaga. Mahinang tinulak siya ni Danya kaya nanatili siyang nakatayo. Naupo si Danya sa pagitan ng mga hita niya at tinanggal ang sinturon.

"B—Baby," usal ni King nang ilabas ni Danya ang sundalo niyang sumasaludo sa kanya. Nilaro nito ng daliri ang dulo kagaya ng paglalaro nito sa labi ng mga baso.

She was about to suck it when someone knocked the door.

"Kyah! Paalisin mo siya!" inis na sabi ni Danya kaya agad na inayos ni King ang sinturon at lumapit sa pintuan.

"Sir," bati ni Elizabeth nang pagbuksan niya. "N—Nakaistorbo ba ako?"

"Oo!" sagot ni Danya na lumapit din sa kanya at niyakap si King sa bewang. "Kakarating ko lang e! Dapat after 30 minutes ka kumatok!"

Napangiwi si King at humihingi ng paumanhin ang mga mata.

"Naghihintay na kasi sina Kagawad sa 'yo, Yorme," sabi ni Elizabeth.

"Sunod ako," sabi ni King. "Pasensiya na."

"Pasensiya na po, Ma'am Danya," paumanhin ni Elizabeth.

"Hindi tayo bati ngayong araw!" parang batang pagtatampo nito kaya napangiti si Elizabeth. "You're fired!" dagdag ni Danya.

"Punta lang ako sa meeting, Baby," paalam ni King.

"Ikaw rin! Magsama kayo!" Padabog na iniwan sila ni Danya at bumalik sa table ni King saka binuksan ang laptop nito.

Mayor's secret Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon