44

4.7K 108 3
                                    



Chapter 44

Portrayers.

Unedited...

"King!" tili ni Danya nang makita ang kasintahang nag-aabang sa departure area.

"Tumahimik ka!" saway ni Drei sa anak na nagtutulak ng cart. "Ang ingay mo! Nakakahiya ka na!"

Napalabing tumingin si Danya sa ama tapos humarap sa kapatid.

"Kuya? Ikaw na po magtulak ng cart ko," pakiusap niya sa kapatid.

"Baby!" malakas na tili ng dalaga saka iniwan ang cart at tumakbo palapit kay King. Napatingin naman ang mga tao sa paligid. Patalon na sinalubong niya si King at ipinulupot ang mga kamay sa leeg ng binata.

"Baby—uhmp!" Napaungol na lang siya nang halikan ni Danya sa mga labi. Sinuportahan niya ang butt nito para hindi mahulog. "Miss me?" he asked in between kisses.

"Yes!" sagot ng dalaga at muling nakipaghalikan sa binata.

Napaungol si King. Sobrang miss na rin niya ang dalaga at kaunting paglapat lang, nagwawala na ang buong katawan niya. Buti na lang at mahabang tshirt ang suot niya dahil kung hindi, mapapahiya na naman siya.

Tumigil si Danya at malamlam ang mga matang pinagmasdan si King.

"G—Gusto ko nang maramdaman ka, King," bulong niya.

"Ehem!" malakas na tikhim sa likuran nila kaya dahan-dahang pumadausdos ang katawan ni Danya kay King. "Umuwi na tayo! Nakakahiya na kayo!" saway ni Drei.

"Sa inyo na tayo uuwi, Baby," bulong ni Danya na nakalapat na sa cemento ang mga paa pero nasa leeg pa rin ni King ang mga kamay niya.

"Paalam muna tayo," bulong ni King at hinawakan ang kamay ni Danya saka hinila na pasunod sa pamilya nito. Napayuko siya sa mga taong nakatingin sa kanila. Kilala pa naman siya dahil sa nangyari noong Linggo. Hanggang ngayon, tuloy pa rin ang balita at haka-hakang nandoon siya sa private vessel nina Gov at ng mga chinese pero walang kumpirmasyon mula sa kanya.

Si Michael ang bumibida ngayon at wala na siyang pakialam doon.

"Sa kotse ko na lang ikaw sumakay, Baby," sabi ni King.

"Oo naman," sagot ni Danya at niyakap sa bewang si King. "Buti naman dahil ikaw ang sumundo sa akin, King. Akala ko talaga napahamak ka na."

"Dito ka lang, Punta lang ako sa parking lot," paalam ni King at iniwan si Danya sa Bay 7 para kunin ang sasakyan.

"Hindi ka na talaga nahiya? Kilala ng iba si King dahil sa nangyari! Paano kapag kumalat ang litrato ninyo?" saway ni Drei na kung walang tao, baka nasampal na naman niya ang anak.

"I miss him," tipid na sagot ni Danya.

"Magkaroon ka sana ng delikadesa!" galit na sabi ni Drei.

"Wala akong ganoon kapag kasama ko siya," sagot ni Danya. "He is my world! My life, Dad! Hindi na ako mabubuhay kapag mawala pa siya sa buhay ko!"

"Noong isang araw ka nang ganyan! Nang dahil sa kanya, sinasagot mo na ang ama mo a!" sabat ni Erika. "Hindi porket hinahayaan ka namin, ganyan ka na, Danya! Saan ang respeto mo?"

Hinihintay niyang sumabat ang mga kapatid pero busy ang mga ito sa asawa't anak nila.

"Sorry," paumanhin ni Danya. Nirerespeto niya ang mga ito pero hindi lang niya mapigilan ang sarili pagdating kay King. "Na-miss ko lang talaga siya nang sobra."

Mayor's secret Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon