45

5K 92 6
                                    




Chapter 45

Port:

Unedited...

"Paradiso Amadeo!" pagbasa ni Danya sa nakasulat sa resort bago sila naghanap ng pina-book ni Bryllie na tulugan.

Nasa Cagbalete island sila sa Mauban, Quezon, province. Nang magtanong si Danya kung ano ang magandang beach resort para puntahan, ito kaagad ang inirekomenda ng magbarkada.

"Uy, nabayaran na ba ninyo ang bangka?" tanong ni Bryllie.

"Oo, nabayaran ko na," sagot ni King na limang libo ang inabot sa lalaking nagbabantay ng bangka. 3k per 8 persons ang arkila pero dinagdagan na niya ng 2k.

Buhat ang gamit, sumunod sila sa tigapangasiwa ng resort para hanapin ang cottage.

"Dude, dalawang aircon room ang kinuha ko," sabi ni Bryllie. "Merong kubo na good for 10 persons pero hindi siya aircon e."

"Okay na 'yong aircon," sabi ni King bago pa laitin ni Danya ang tulugan nila. Bago sila pumunta rito, nasabi na niyang kubo ang titirhan nila. Ibig sabihin, kawayan ang sahig at banig na gawa sa hinabing niyog ang hihigaan pero may manipis na matress naman ang sa aircon room.

"Ang ganda ng paligid, sariwa ang hangin!" puri ni Danya na iginala ang paningin sa paligid na napapalibutan ng mga kahoy lalo na ng matataas na niyog.

"In fairness, marami ang public toilet nila," puri ni Anastacia habang inaayos ang backpack. Pinilit lang siya ni Danya na sumama dahil wala naman siyang gagawin.

"Akin na 'yang bag mo," sabi ni Christopher at bago pa sya maka-react, nakuha na nito ang backpack at naunang umakyat sa kubo nila.

"Kaya ko naman e!" sabi ni Anastacia.

"Nagpapaka-gentleman lang," bulong ni Danya sabay siko sa kaibigan.

"Hmmp! Ewan ko sa kanya!" pagmamaktol ni Anastacia.

"Magkasama na kami nina Christopher," sabi ni King. Sa katabing cottage naman ang anim na pang-sampu pero hindi aircon.

Kailangan pa nilang umakyat sa hagdan na gawa rin sa kawayan bago makapasok sa tulugan. May maliit na mesa sa balcon at pagpasok sa room ay may double deck na higaan. Isahan sa taas at dalawahan sa baba saka may pang dalawang kama rin sa papag.

"Sa taas na lang ang mga gamit natin tapos sa baba kayo ni Christopher matulog," sabi ni King at bago pa makareklamo ang dalawa, inilagay na niya ang mga gamit nila ni Danya sa itaas ng double deck. "Pang dalawahan naman sa baba e."

Napasulyap siya kay Danya na nahiga na sa higaan nilang nasa sahig lang.

"Sa taas na lang ako," sabi ni Anastacia. "O 'di kaya'y tabi kami ni Danya."

"Si King ang katabi ko!" agad na pagtutol ni Danya. "Tabi na kayo ni Christopher, mabait naman 'yan!"

"Dapat tabi tayo dahil pareho tayong babae."

"Magki-kiss kami ni King at mase-sex!" diretsahang sagot ni Danya kaya napangiwi si King. Kapag sila ang kaharap ng dalaga, wala talagang preno ang bibig nito. "Tinulungan ka naman ni Chris sa vessel e! Tabi na kayo! Kung wala siya, baka namatay ka na!" Sa pagkakakuwento ni Anastacia, sinalag ni Christopher ang balang para sana sa kaniya kaya nagkadaplis ito sa tiyan.

"Maglagay tayo ng unan sa gitna," sabi ni Anastacia.

"Sa labas na lang ako matutulog. Malapad naman ang sahig sa balkon," sabi ni Christopher.

Mayor's secret Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon