Chapter 52
Port:

Unedited...
"Alam kong mahirap akong intindihin pero sana maunawaan mo ako," pakiusap ni Drei sa asawa habang nakahiga sila sa kama. Kakatapos lang nilang kumain ng tanghalian at pansalamantalang nagpapahinga.
"Alam ko," sagot ni Erika. "Kaya nga nandito ako sa 'yo e. Pero hindi tama na ikulong mo si Danya. Alam kong nandiyan pa rin ang sakit pero sana maunawaan mong may isip na si Danya."
"Hindi ko lang talaga ma-imagine na pinahirapan ang mommy ko at ngayon naman ay ang kaisa-isa kong anak na babae."
Niyakap ni Erika ang asawa at siniksik ang mukha sa dibdib nito.
"I love you, Drei. Mag-asawa na tayo at dapat tayong magtulungan," sabi ni Erika. "Pero mas nakakasira sa utak ang ginawa natin kay Danya. Isa pa, she's pregnant."
"Damn! Paanong nangyaring buntis siya? Eh may pills naman siyang iniinom!"
"Baka tinigilan niya. Kilala mo naman si Danya, matigas ang ulo!" sabi ni Erika. "Hayaan mo na, nandiyan na 'yan. Panindigan naman ni King ang anak natin."
"Hindi na talaga siya sumusunod sa atin."
"Nagmahal lang siya," sabi ni Erika. "Sana mapatawad mo na siya."
"Ikaw, honey? Napatawad mo na ba sila?" seryosong tanong ni Drei.
"Y—Yes," alanganing sagot ni Erika. "Mahirap pakisamahan si Danya. Kahit sa magpinsan, siya rin ang hindi nakikipag-usap masyado sa mga pinsan niya at kaunti lang din ang mga kaibigan niya pero marunong naman makisama si King sa ugali niya."
Hinalikan ni Drei sa noo ang asawa. Ilang sandali pa ay may kumatok sa pinto kaya bumangon si Drei at tumayo.
"Nasa labas sina Ma'am Allysa at Sir Kiefer," sabi ng katulong.
"Sige, bababa na ako," sagot ni Drei at nilingon si Erika na nakatayo na rin.
Sabay silang mag-asawang bumaba para harapin ang parents ni Drei.
"Mom," ani Drei at humalik sa ina't ama. Ganoon din ang ginawa ni Erika.
Nakaupo sila sa sala at hinintay ang sasabihin nina Kiefer at Allysa.
"Kinausap kami ni Skyler," panimula ni Allysa. "He explained everything to me."
"Mom, hindi ako nauunawaan ni Daddy Skyler," agad na depensa ni Drei. "Hindi niya naunawaan ang pamilya natin dahil hindi sila nabiktima ng panggagahasa at pang-aabuso!"
Napabuntonghininga si Allysa at malungkot na nginitian ang anak.
"Matagal na ring nangyari iyon sa akin," ani Allysa na pinilit sariwain ang napagdaanang hirap at sakit sa kamay ng black dragon gang. "Naisilang ko pa rin kayong magkambal. Nagkabalikan kami ng daddy Kiefer mo at higit sa lahat, namuhay tayo nang masaya at may pagkakaisa."
"M—Mommy..."
"Anak, alam kong mahirap pero mas mainam na ilibing na lang natin sa limot ang lahat at magsimula ng panibagong buhay. Walang alam si King sa nangyari sa akin at kahit siya, biktima lang din ng pangre-recruit ng gang na iyon."
"He raped my daughter!" giit ni Drei.
"Pero napatawad na siya ni Danya," ani Allysa. "Wala na tayong magagawa roon dahil at the end of the day, si Danya pa rin ang masusunod. Nakikita mo naman kung gaano nila kamahal ang isa't isa. If ganoon ang paraan nila kung magmahalan, let them be. Remember your twin's son? He almost killed Marion pero sa bandang huli, tinanggap pa rin siya ni Marion," mahinahong paliwanag ni Allysa. "Hindi na baleng ako lang ang masaktan pero ayaw kong makita kayong naghihirap dahil sa naging karanasan ko. Mahirap man tanggapin but let's move on, Drei. Nakabayad na ang mga may sala."
BINABASA MO ANG
Mayor's secret
RomanceHim: I'll f*ck you hard and deep, Baby. I'll f*ck you . . . until you beg for it. One month later... Him: Dammit! You're begging to be f*cked, aren't you? Her: I w-want more . . . I'm begging, Mayor! Date started: April 4, 2020 Date finished: June 1...