47

4.6K 103 2
                                    






A/n:




Read at your own risk dahil sa sensitibong topic at eksena. May mga linyang hindi kaaya-aya sa kabataan at hindi dapat na tularan at isabuhay.


Chapter 47

PORT:

Unedited...

"Mayor? Are you ready?" tanong ni Elizabeth. May press conference ngayon si King matapos niyang ibigay ang bluebook sa presidente.

"Medyo kinakabahan ako. Nandoon na ba sila?" tanong ni King na ang tinutukoy ay mediamen.

"Yes, Yorme! Pogi ka na kaya okay na 'yan. Kaya mo 'yan!" pagbibigay ng lakas ng loob ni Elizabeth at inilapag ang folder. "List 'yan ng mga itatanong nila sa 'yo pero ang follow-up question nila, nakadepende sa sagot mo."

"Salamat," pasalamat ni King at inumpisahang basahin ang ibabatong tanong sa kanya. Simple lang naman na sa tingin niya ay kaya niyang sagutin ang mga ito kahit on the spot pa.

"Let's go," yaya niya kay Elizabeth saka tumayo.

Naglakad sila patungo sa conference room at naupo sa table na nakaharap sa mag-iinterview sa kanya. Puno ng microphone ang ibabaw ng mesa na may iba't ibang logo ng TV and radio stations.

"Start na po ba?" tanong ni Elizabeth.

Kinuha ni King ang cellphone at inilapag sa mesa saka humarap sa mga mediamen.

"Oo, start na tayo!" sabi ni King kaya sumenyas si Elizabeth na i-on na ang mga mic sa ibabaw ng mesa. Handa na rin ang camera, cellphone at gadgets ng mga nasa harapan niya.

"Good afternoon, Mayor!" bati nila.

"Good afternoon," bati ni Mayor sa mga nakaupong magtatanong sa kanya. May number na sila para alam kung sino ang mauna at susunod na magtatanong para hindi magulo. Ang ibang nakatayo ay naka-live pa.

Napasulyap si King sa cellphone dahil tumatawag si Danya.

May naunang nagtanong sa kanya tungkol sa kung paano niya nalamang may ganoon kalaking transaksyon sa bansa na agad naman niyang nasagot.

Panay pa ang tawag ni Danya kaya medyo na-stress siya. Nakalimang missed calls na ang dalaga kaya magwawala na naman ito.

"Kung alam mong si Governor Robes ang druglord, gaano ka totoo na kasabwat ka niya lalo na't naging karelasyon mo ang anak niya?" diretsahang tanong ng radio journalist na madalas siyang tinitira sa programa nitong punto por punto kaya alam niyang isa ito sa mga tuta ng gobernador.

"Oo, naging karelasyon ko si Miss Jovi pero noong naging kami, hindi ko pa alam ang galawan ng ama niya. Isa pa, para sa akin, kapag lumabag ka sa batas, wala akong sinasanto kahit na sino ka pa," mahinahong sagot ng binata. "Hindi ako kasabwat ni Governor Robes dahil mithiin ko bilang alkalde ang kapayapaan ng munisipalidad ko!"

Napi-pressure na siya dahil kay Danya.

"Gaano ka totoo na chickboy ka, Mayor? At totoo bang kaya mo iniwan si Miss Jovi dahil sa ibang babae?" Follow-up question nito.

"Masyado na hong personal ang tanong mo at hindi na konektado sa issue natin ngayon," sagot ni King.

Aksidenteng napindot niya ang answer button na dapat ay cancel.

"Babyyyyy!" tili ni Danya sa kabilang linya. Naka-loudspeak pa naman ang cellphone niya.

"Ein moment—I mean, can we take a five minutes break?" pakiusap niya sa mga ito.

Mayor's secret Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon