Again and again, read at your own risk.
Chapter 24
Shoutout kay Mary Christa Rheylynne Battad Quelnan
Unedited...
Agad na napabangon si King nang makapang wala si Danya sa tabi niya. Bukas na ang kurtina, maliwanag na ang paligid kaya hinalughog niya ang buong kuwarto pero wala kaya dali-dali siyang bumaba.
"Kyaaaah!"
"Baby!" Patakbong bumaba siya sa hagdan nang marinig ang tili ng dalaga.
"Akin 'to!" hiyaw ni Danya.
"Akin!" pakipagsagutan ng anak nina Christopher.
"Akin sabi! Akin t—talaga 'to!" naiiyak na sabi ni Danya na nakipag-agawan ng manika sa bata.
"Danya!" tawag ni King pero nakipaghilaan pa rin ito.
"Akin e!" gigil na sabi ng bata kaya naiyak na talaga si Danya.
"K—King ang manika ko, kinukuha niya o!" sabi ni Danya saka nabitiwan ang manika at tumakbo kay King at yumakap. "Manika ko 'yon, King!"
"Pero binigay mo na 'yan sa kanya," sabi ni King.
Umiling si Danya at napasubsob sa dibdib niya ang mukha.
"K—Kunin mo. Akin 'yan e!" pakiusap ni Danya at napatingala sa binata. "Maligno siya," bulong nito.
"Anong—" King
"Pinalitan 'yan ng puso ng saging."
"Ha?" naguguluhang tanong ni King.
"Kasi King, maligno 'yang nasa harapan natin. Hindi 'yan anak nina Joyce kundi puso talaga 'yan ng saging. Ang totoong anak nila, kinuha na maligno!" paliwanag ni Danya at lumingon sa batang naglalaro na ng manika na kinuha pa niya sa factory nina Sky.
"Baby, ano na naman ba ang pinagsasabi mo? Nasaan na ba si Joyce? Kumain ka na ba?" pag-iiba niya.
"K—Kunin mo 'yong manika ko, parang awa mo na," humihikbing pakiusap niya saka niyakap nang mahigpit si King.
"Bigay mo na 'yan e."
"Maligno nga siya. Maniwala ka!"
"Danya ang aga pa para umpisahan mo ng kalokohan ang araw ko!"
"So mamayang lunch na lang?"
"Baby naman, umayos ka nga! Kain na nga tayo!"
"Ayaw!" tanggi niya at napasulyap kay Joyce na pumasok. "Ako na lang muna kainin mo."
She pressed her body against him.
"Gusto mo?" pilyong tanong ni King.
"Hindi ka magsasawa sa akin?"
"Why not? Mahal na mahal kita, Baby."
Lumayo si Danya kay King at matamis na nginitian.
"Talaga lang huh? Baka kapag makakita ka ng iba, ipagpalit mo ako ss kanya?"
"Alam mong baliw ako sa 'yo, Baby. Kahit na ganyan ka, hindi kita ipagpalit sa iba."
"Gaano mo ako kamahal, King?" seryosong tanong ni Danya.
Napabuntonghininga si King. "Lahat ipagpalit ko para sa 'yo, Danya. Gagawin ko ang lahat para mapasaya ka lang."
Napangiti si Danya.
"Narinig mo 'yon, Joyce? Mahal daw ako ni King!" sabi ni Danya kaya napalingon si King kay Joyce na may dalang ulam.
"Morning," bati ni Joyce.
BINABASA MO ANG
Mayor's secret
RomanceHim: I'll f*ck you hard and deep, Baby. I'll f*ck you . . . until you beg for it. One month later... Him: Dammit! You're begging to be f*cked, aren't you? Her: I w-want more . . . I'm begging, Mayor! Date started: April 4, 2020 Date finished: June 1...