Read at your own risk.
chapter 15
UNEDITED...
"Dapat lamasin mo muna sa asin para mawala ang dagta, Yorme," sabi ni Joyce kaya lumapit si Danya sa kanila.
"Kumukulo na ang gata," sabi ni Danya na natatakam sa ginagawa.
Binilisan ni King ang ginagawa saka inilagay na ang hilaw na hiniwang sabang saging.
"Hindi ba kayo nito nagluluto?" tanong ni Joyce.
"Hindi," sagot ni Danya at walang pakundangang naupo sa kandungan ni King. "Nilalaga lang ang hinog na saging sa amin."
"Baby," bulong ni King at pinatayo ang dalaga bago pa lumingon si Joyce.
"Kung sabagay, taga Quezon lang yata ang gumagawa nito," sabi ni Joyce at nilingon ang dalawa.
"Magluluto ako niyan sa bahay," sabi ni Danya na alam na kung paano lutuin ang siroy.
Nang matapos ay nagtungo na ang dalawa sa tabing-dagat na 5 minutes away lang sa resort.
Naglapag si King ng malapad na tela para lagyan ng siroy at prutas na dala nila.
"Swimming ka?" tanong ni Danya.
"Ikaw? Swimming ka na ba?" Alas otso pa lang naman pero mataas na ang araw pero hindi sila nakakaramdam ng init dahil sa malamig na hanging naging presko dahil sa maraming puno sa paligid. Mapayapa ang dagat, tanging pagaspas ng mga dahon sa likuran nila ang naririnig nila.
"Ikaw?"
"Später (later)," sagot ng binata at hinala ang kamay ni Danya para maupo sa tabi niya. Pinasandal niya ang ulo ni Danya sa balikat and wrapped his hands around her waist. "Baby? Dito ka lang, papakasalan kita."
Isang buwan at kalahati na si Danya sa pamamahay niya at magdadalawang linggo na siyang tuyo dahil sa request ni Danya.Napatingala si Danya at pinagmasdan ang mga ibong malayang lumilipad. Kagaya ng mga ito, pinangarap din niyang makalabas sa kulungang ginawa ni King. Akala niya, nakulong na siya noon ng parents dahil mahigpit ang mga ito pero iba rin pala kapag literal na nasa kulungan ka.
Tumayo si Danya at huminga nang malalim saka tinanaw ang malawak na karagatan.
"We can live here, Baby. Araw-araw tayong maliligo rito. Gagawa na rin tayo ng baby para may kasama ka kapag nasa munisipyo ako," sabi ni King na napatingin 'di-kalayuan.

Lumingon si Danya at pinagmasdan ang mukha ng alcalde ng San Francisco. Wala siyang alam tungkol sa Quezon province. Mahilig siya sa isla pero firstime niyang makaapak sa lugar na ito kasama ang kasintahan pero naging bihag pa siya ng mayor. Tama ito, kayang-kaya siyang patayin nito nang hindi nalalaman ng pamilya niya. Nasa teritoryo siya nito at may hangganan ang kapangyarihan ng mga Villafuerte pati na rin ng mga Lacson.
"Maliligo na ako," sabi niya.
"Okay, sunod ako." Nag-boxer na lang siya dahil ayaw naman pala ni Danya na mag-surfing.
Lumalapit siya kay Danya pero lumalayo ito sa kanya kaya inaliw na lang niya ang sarili sa paliligo.
"Una na ako, nagugutom ako!" sabi ni Danya at tumakas na kaya naiwan si King.
Danya is so damn hot with her black bikini. Kahit na nakatalikod, kitang-kita niya ang hurma ng maumbok nitong puwet.
Nakita niyang may kinuha ito da basket habang kumakain kaya tumakas siya at nilapitan ito.
BINABASA MO ANG
Mayor's secret
RomanceHim: I'll f*ck you hard and deep, Baby. I'll f*ck you . . . until you beg for it. One month later... Him: Dammit! You're begging to be f*cked, aren't you? Her: I w-want more . . . I'm begging, Mayor! Date started: April 4, 2020 Date finished: June 1...