WARNING:
Ang story na ito ay may temang hindi angkop sa mga below 18 years old at higit sa lahat, masyadong sensitibo sa ganitong topic. Again, kathang-isip lamang ito ng author at hindi na dapat pa isakatuparan pa sa totoong buhay.
Ang tinutukoy ko ho ritong SPG ay hindi bedscene kundi ang topic po... at to be honest, baka mai-report ng iba since marami ang sensitibong tao/grupo sa mundo ng wattpad.
Chapter 9
UNEDITED...
"Danya?" Kakapikit lang niya nang maalimpungatan dahil pagkapa niya, wala si Danya.
Kinapa niya ang lampshade na nasa bedside table.
Pag-upo niya sa kama, nakita niyang nakahiga si Danya sa sahig.
Tumayo siya at binuhat ang dalaga pabalik sa kama. Niyakap niya ito at muling pumikit. Dinuduyan na naman siya ng antok nang maramdaman ang pagtayo ni Danya saka bumalik sa baba at muling nahiga.Tinatamad na bumangon siya at binuhat na naman ang dalaga pero muli itong tumayo kaya hinatak na niya pahiga at dinantayan at mahigpit na niyakap para hindi makatayo.
"Hmm? Ayaw kitang makatabi!" reklamo ni Danya.
"Malamig sa baba, magkakapulmonya ka!"
Nang mapikon ay bumaba siya at kinuha ang posas saka ipinosas na ang kamay ng dalaga sa kama.
"Aray!" malakas na tili ng dalaga.
"Matulog na tayo!" saway niya at nagpahila na sa antok. Bahala itong magwala kasi pagod na pagod na siya. Buti na lang dahil tumahimik na ang dalaga kaya sa awa ng Diyos, nakatulog siya.
"Aw!" daing ni King sabay hawak sa kanang tainga at agad na napabangon. "Ano ba?"
Agad na tumayo siya at lumapit sa salamin para tingnan ang tainga kung natanggal ba dahil sa pagkagat ni Danya?
"Naiihi na ako!" pagsisinuplada ni Danya na nakaupo sa gilid ng kama pero hindi rin makaalis dahil nakaposas ang kamay.
"Hindi ba puwedeng gisingin mo ako nang maayos?" sabi ni King at kinuha ang susi saka pinakawalan ang dalaga. "O, umihi ka na!"
"Eh 'di salamat!" Tumayo siya at padabog na pumasok sa bathroom.
"Ouch!" daing ni King. Namamanhid na ang tainga niya pero wala namang sugat kundi namumula lang.
Bumaba siya para kumuha ng pagkain.
"Guten morgen, what's for breakfast?"
"Guten morgen (good morning)," sagot din ni Joyce. "Ampalaya with egg."
"Okay. Sandwich lang ako."
"Coffee?" tanong ni Danya.
"Tea," ani King at tinulungan na si Joyce sa paghahanda.
"Ako na, Joyce."
Bitbit ang tray, umakyat siya sa kuwarto. Wala si Danya sa labas kaya pinasukan niya sa bathroom.
"Ginagawa mo?" tanong niya at pinatay ang gripo dahil umaapaw na sa balde. Nakaupo ito at nilalaro ng mga daliri ang tubig. Blangko ang mukha nitong napatingala sa kanya.
"Kumain ka na nga. Tayo na riyan!" Hinawakan niya sa kanang braso ang dalagang basa na ang laylayan ng oversized tshirt na suot nito. "Magpalit ka muna ng damit, basa ang damit mo."
Pasalampak na naupo ang dalaga at nagsimulang kumain kaya napailing siya sabay upo sa harapan nito at kumain na rin.
"K—Kung may problema ka, sabihin mo lang."
BINABASA MO ANG
Mayor's secret
RomanceHim: I'll f*ck you hard and deep, Baby. I'll f*ck you . . . until you beg for it. One month later... Him: Dammit! You're begging to be f*cked, aren't you? Her: I w-want more . . . I'm begging, Mayor! Date started: April 4, 2020 Date finished: June 1...