25

5.4K 110 4
                                    




Read at your own risk...



Chapter 25

UNEDITED...

"Hi, siya pala si Marjorie at siya naman si Karen," pagpakilala ni Joyce kaya nakipagkamay si Danya.

"Hello, kayo pala ang asawa nina Hannel at Jannes," nakangiting sabi ni Danya.

"Oo. Wow, ang ganda mo pala talaga!" bulalas ni Marjorie na hindi makapaniwalang nasa harapan na niya ang isa sa mga Villafuerte. "Ang gaganda nga talaga ng mga Villafuerte."

"Thank you," pasalamat ni Danya at pasimpleng inipit ang buhok sa tainga. "Pero Baustista na kami."

"Nakukuwento ng mommy ko na ang ganda nga raw ng mommy mo at kambal niya. Westbrinian din ang mom ko e."

"Ah, good!" ani Danya.

Nakipag-meet siya kay Joyce ngayon dahil lumuwas ito para mag-deliver ng mga product online at kagaya ng ipinangako nito, pinakilala niya si Danya sa asawa ng barkada ni King.

"Mag-online ka na rin," sabi ni Marjorie na tinitingnan ang imported products na bigay ni Joyce. Alam ni Danya na original ang relo at kuwentas.

"Saan galing 'yan?"

"Sa ibang bansa. Sa pinsan ni Joyce," sagot ni Karen. "Hindi lang binebenta sa market kaya mas mura siya kaysa original price."

"Ah, mabuti naman," sabi ni Danya.

"Mahirap nang umasa sa asawa!" sabi ni Marjorie. "Kailangan nating humanap ng diskarte. Team wifey!"

"At kapag mag-online ka, tiyak marami kang mabebenta. Siyempre legit ka. Mas madaling maniwala ang mga tao sa 'yo. Kapag mag-asawa na kayo ni King, kahit na dito ka na lang. We can help you rin sa pagbenta ng nasa boutique mo online basta may komisyon," sabi ni Karen.

Isa-isang pinag-aralan ni Danya ang mukha ng tatlo. Simple lang sila at mukhang masiyahin. Kung tutuusin, mas maliit ang kita nila kaysa sa kanya pero nagtutulungan.

"Sige, pag-isipan ko. Kakausapin ko pa si King kung saan kami. Hirap magka-boyfriend ng politiko," sagot niya at napasulyap kay Joyce na nawiwili sa pag-isa-isa ng mga order ng kaibigan. Alam din kaya ng mga ito na ni-rape lang siya ni King?

"Kailan ang kasal?" excited na tanong ni Marjorie kaya napasulyap si Joyce sa kanya para hintayin ang sagot niya.

"Hindi ko pa po alam pero depende kay King," sagot niya. "Alam niyo naman na mahigpit ang kalaban kong si Jovi."

Natawa si Marjorie.

"Sabi ni Hannel, wala naman talagang gusto si King doon," sabi ni Marjorie.

"Saan na pala ang asawa ni Bryllie?" tanong ni Danya sa tatlo.

"Hindi raw makakapunta. May problema yata," sagot ni Joyce.

"Ang cute, no? Magkaibigan din kayong apat," ani Danya.

"Dahil lang din sa mga asawa namin. Siyempre sa gatherings, nagkikita kami kaya ayun, naisipan naming magnegosyo," sabi ni Karen.

Nag-coffee sila at kuwentuhan lang.

Mayamaya pa'y sinundo na siya ni King para sabay na kumain kaya nauna na siyang magpaalam.

"Mukhang nawili ka na a," puna ni King at sinulyapan si Danya na nilagay ang relo sa kamay. "Maganda, Baby."

"Ten thousand lang," sagot ni Danya sa D&G watch.

"Nabentahan ka rin pala nila," ani King.

"Oo, nextweek ang bayad mo," sagot ni Danya.

Mayor's secret Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon