Chapter 32
Portrayers:


Unedited...
"Ako ang bahala kina Daddy," sabi ni Danya. Kanina pa pinagpapawisan si King at palakad-lakad sa sala habang hinihintay sina Drei at Erika.
"Hindi naman sa takot ako sa kanila pero baby, bakit ba mahilig kang mangbigla?"
Haharapin naman talaga niya ang parents ni Danya pero hindi sa ganitong paraan o sitwasyon.
"Dammit!" napamura siya nang marinig ang pagbusina ng sasakyan sa labas na ng bahay.
"Nasa garahe na sila," sabi ni Danya.
"Hindi naman siguro ako papatayin ng daddy mo, right?"
Tumango si Danya.
"Huwag kang mag-alala, ipagtatanggol kita kina Daddy," sabi ni Danya at hinawakan ang kanang kamay niya saka pinisil. "Ayaw ko namang mawalan ng bedmate."
Napangiti si King. Medyo nabawasan ang kaba niya dahil kay Danya. Hindi naman siguro siya nito pabayaan. Tutal, ito naman ang nagdala sa kanya rito. Dapat sa hotel nga sila e.
Napatingin sila sa pintuan nang pumasok ang parents ni Danya at hindi pa maipinta ang mukha ni Drei.
"G—Good morning po," magalang na bati ni King habang nakatayo at hawak ang kamay ni Danya.
"D—Daddy!" hiyaw ni Danya at malakas na umiyak saka tumakbo sa ama kaya nagtataka si King. "D—Daddy, ayaw ko talaga siyang dalhin kaso sabi niya kapag hindi ko siya isasama, m—makipaghiwalay siya sa akin!" sumbong ni Danya kaya laglag ang panga ni King. "D—Daddy, sabi niya kapag hindi ko ginawa ang gusto niya, bubuntisin niya ulit ako. D—Di ba, bawal pa akong mabuntis sabi ni Doc?" Humagulgol na ito at niyakap ang ama. Aping-api lang?
"Walanghiya ka!" gigil na sabi ni Drei saka mahinang tinulak ang anak. Okay, inihanda na ni King ang katawan at mukha.
Boogsh!
Tama nga siya, lumipad ang suntok ng ama ni Danya sa mukha niya. Sunod-sunod pa pero hindi naman siya makalaban kaya napapaatras na lang siya.
"Honey, tama na!" saway ni Erika at pinigilan sa braso ang asawa.
"Bitiwan mo ako, Honey! Sasampolan ko lang ang lalaking 'to!" gigil na sabi ni Drei. "Tinulungan pa namin ang bayan ninyo tapos ne hindi mo man lang sinabi na nasa bahay mo ang anak ko nang sinadya namin ang lugar ninyo?"
"P—Pasensiya na ho," mahinang paumanhin ng binata at sinalubong ang matalim na tingin ni Drei. "Mahal ko po ang anak ninyo at lahat ng nangyari sa amin ay handa ho akong panagutan ko."
Tiningnan siya ni Drei mula ulo hanggang paa.
"Kaya mo bang buhayin si Danya?"
"Yes po," magalang na sagot ni Drei. "Kaya ko pong ibigay ang lahat ng gusto niya basta makakaya ko lang."
"Dito pa talaga kayo nagkalat sa pamamahay ko? At alam mo bang bawal pa siyang mabuntis? Nasaan ka nang nasaa hospital siya?"
Nawalan ng isasagot si King.
"M—May pagkukulang ho ako. Nang araw na umuwi si Danya, hindi ko alam na buntis siya. Kung alam ko lang sana, hindi ako papayag na umuwi siyang mag-isa."
Pero sa kabilang banda, naisip din niya na paano kapag natuloy ang pagbubuntis nito? Itatakas kaya niya ang anak nila? Malamang hindi na talaga siya makakalapit sa dalaga.
BINABASA MO ANG
Mayor's secret
RomanceHim: I'll f*ck you hard and deep, Baby. I'll f*ck you . . . until you beg for it. One month later... Him: Dammit! You're begging to be f*cked, aren't you? Her: I w-want more . . . I'm begging, Mayor! Date started: April 4, 2020 Date finished: June 1...