16

5.3K 108 0
                                    




Chapter 16




A/n:

Read at your own risk

.
Ano nga po ulit ang pangalan ng mga kuya niyang kambal? Hahaha!


.
UNEDITED...

Dahan-dahang dumilat si Danya ng mga mata. Puti ang lahat ng nakapaligid sa kanya. Mayroong TV sa harapan niya at mini-ref sa gilid.

"Anak!" nag-aalalang wika ni Erika nang lapitan siya. "Thank God at gising ka na."

"M—Mom," usal niya at napahawak sa sumasakit na ulo. "Where am I?"

"Huwag ka munang gumalaw," pakiusap ni Erika at niyakap ang anak. "L—Labis kaming nag-alala sa 'yo," naiiyak na sabi ng ina. "S—Salamat sa Diyos at gising ka na."

Sinubukan niyang maalala ang lahat ng nangyari. "Ouch!" daing niya nang kumirot ang puson niya.

"It's okay, Baby. H—Huwag ka munang gumalaw."

Napalingon sila kay Drei na pumasok.

"Honey? Pakitawag muna ng doctor. Pakisabing gising na ang baby natin," pakiusap ni Erika.

"B—Baby," mahinang usal ni Danya at naalala ang malupit na naranasan sa piling ni King. Ligtas na siya. Nakatakas na siya.

Napahikbi siya nang maalala ang masalimuot na nakaraan. Malaya na naman siya ulit.

"T—Tahan na, okay ka na, Baby," pag-aalo ni Erika at pinahidan ang mga luha ng anak. "Parating na ang kuya mo, okay?"

Humikbi siya nang biglang nag-flash sa isipan niya ang nangyaring aksidente.

"Ano ho ang nangyari sa akin, Mom? Bakit sumabog ang kotse ko?" mahinang tanong niya at gigil na pinahiran ang mga luha.

"Nawalan ng preno ang sasakyan mo," sagot ni Erika. "Ang daddy mo ang tanungin mo mamaya."

Tumango siya. Sigurado siya sa nakita. Hindi aksidente ang nangyari.

Muling pumasok ang ama niya kasama ang doctor, nurse at ang dalawa niyang kuya. Chineck nito ang vital signs niya.

"Observe muna natin siya," sabi ng babaeng doctor at nginitian si Danya. "Masakit pa ba ang ulo mo?"

"Makirot," sagot niya.

"Magpre-prescribe ako ng pain reliever at papalitan ko na rin ang gauze sa noo mo."

"Salamat po," sagot niya.

Nang lumabas ang doctor, tahimik ang buong pamilya. Kahit ang kambal niyang kapatid ay hindi rin nagsalita.

"Sino ang kalaguyo mo, Danya?" mahinang tanong ni Drei na naikuyom ang kamao.

"D—Dad," usal niya at iniwas ang mga mata.

"You kept on chatting us na okay ka lang but look at you now, Danya!" Medyo tumaas na ang boses ni Drei pero pigil na pigil pa rin ang galit.

"I'm sorry," usal niya at napatingin sa bintana. Ayaw niyang mag-alala ang mga ito kaya lingid sa kaalaman ni King, pasimple siyang nagcha-chat sa mga magulang kapag makatiyempo siya na okay lang siya. Kilala niya ang pamilya, susugod ang mga ito at hindi niya ma-control ang galit. Nandoon si Joyce at minsan dinadala nito ang anak nito. Hindi niya kayang madamay ang bata. Isa pa, hindi rin niya maipaliwanag ang nararamdaman. Yes, she enjoyed King's erotic acts. She loved watching porn, ang pag-iinarte niya sa harapan nito at nagmumukha itong tanga.

"Sorry?" Hindi makapaniwalang ulit ni Drei. "Because of your stupidity, you lost your child, Danya!"

Natigilan si Danya at nagtatanong ang mga mata sa ama. Pati mga kapatid niya ay iniwas din ang tingin sa kanya.

Mayor's secret Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon