Chapter 4: wedding

94 0 0
                                    

Nagising ako dahil sa tunog ng mga baso na nanggagaling sa kusina. Umupo ako at kinusot-kusot ang mata ko. 


Anong oras na ba? "Rein.." Nakapatay ang ilaw dito kaya hindi ko makita kung sino ang katabi ko. Wala ring bintana kaya walang nagsisilbing liwanag sa loob ng kwarto. 


Nakauwi ba kami sa hotel kagabi? Ang pagkakatanda ko ay kila Lola Lei ako nakatulog.


Tumayo ang para buksan ang ilaw at oo nga nasa ibang bahay nga ako dahil hindi familiar ang kwarto. May kutson din sa sahig, sino kaya ang natulog dito? Si Rein ba? Kasi kung siya 'yon sobrang imposible dahil panigurado tatabi sa akin 'yon.


Lumabas ako ng kwarto at ang unang sumalubong sa akin ay si Lola Lei. "Oh, hija, gising ka na pala." Nag-mano ako. "Sila Rein po?" Tanong ko.


"Ay, hindi ba nag-message sa iyo? Mauuna na daw sila sa simbahan." Umiling ako. Bakit nila ako iniwan dito, jusko. Pwede naman nila akong gisingin.


"Halika, anak. Mag-kape ka muna dito." Umupo ako sa table at binigay sa akin ni Lola Lei ang kapeng tinimpla niya. "Thank you po." Ngumiti ako.


"Nauna na din po ba si Zac?" Hindi ako familiar sa lugar dito at ayoko naman maligaw. "Tulog pa ang apo ko sa kwarto niya, nak. Ang kasama lang nung dalawa umalis ay si Sir James niyo." Tumango ako.


"Ay siya, gisingin ko muna si Ethan para may kasabay ka magmeryenda." Ethan din pala ang tawag ng family ni Zac sa kanya.


"Oh, ayan saktong-sakto, gigisingin palang sana kita, apo." Lumingon ako at nakita kong hinalikan ni Lola Lei si Zac sa noo. Napangiti ako. 


Gustong-gusto ko rin mameet ang grandparents ko pero paano ko 'yun magagawa kung sarili kong magulang ay hindi ko alam kung nasaan?


"Ayos ka lang?" Tumabi siya sakin at kumuha ng mug para magtimpla ng kape. Tumango ako at kumuha na lang ng tinapay.


Nilingon ko si Zac at hindi ko napigilang matawa. "Why?" Nginuso ko yung buhok niya. Nakatayo kasi yung buhok niya at ang cute niya tignan dahil mukha siyang bata.


Ginulo niya yung buhok niya at dumeretso sa lababo para maghilamos muna. "Nakalimutan niya po atang may bisita." Natawa kaming dalawa ni Lola Lei.


"Hay nako, alam mo ba hija.." Tumingin ako kay Lola Lei.


"Kagabi nung nakatulog ka, binuhat ka niyan sa kwarto!" Excited na sabi ni Lola. "Tumigil din siya sa pagkanta at hininaan ang volume ng videoke kasi sabi tulog ka na daw." Edi siya din pala yung nagpatong ng ulo ko sa balikat niya kagabi? Wala na ako matandaan dahil sa sobrang antok.


"Saan po natulog si Rein?" Tanong ko. "Magkatabi kayo, nak. Naglatag na lang ako ng kutson para kasama niyo ako matulog." Nagulat ako. Nakakahiya! Bakit si Lola Lei yung natulog sa sahig?


"Hala sorry po!" Sabi ko pero tinawanan niya lang ako. "Okay lang, anak. Sanay naman ako matulog sa sahig at wag kang mag-alala malambot naman ang kutson na hinigaan ko." Tumango ako pero nakakahiya pa din! 

Tanging LarawanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon