Chapter 27: important

33 1 0
                                    

"Patingin." Hinila ko ang upuan ko papalapit kay Zac.


Nandito kami sa dorm ko dahil hindi ko siya pinauwi.


"Hindi niyo naman kasi.." Napahinga ako nang malalim dahil pinipigilan kong sumabog sa harapan niya.


Dinadampian ko ng yelo ang pasa sa gilid ng mukha niya. May dugo rin konti sa labi niya dahil nasuntok din siya doon.


"Hindi niyo naman kailangan umabot sa pisikalan." Pinarinig kong naiinis ako pero hindi siya kumikibo. Ngayon na lang ata kami nagkaharap ulit ng ganito.


Kung hindi sila pinigilan ng guard kanina ay baka wala ng malay ang lalaki kanina. Hindi na rin makapalag yung dalawa dahil sa lakas ni Zac tapos dumagdag pa si Luis. Buti na lang ay hindi natamaan si Luis.


Si Luis may pinuntahan at hindi ko alam kung saan. Sobra ang galit na nararamdaman niya dahil sa pambabastos na ginawa sa akin ng mga kaibigan niya.


Hinihila ko siya kanina kasi nag-aalala ako na baka sundan niya pa yung mga kaibigan niya pero sabi niya hindi. Tinakot ko pa siya na kapag hindi siya nakinig sa akin na tumigil, hindi ko siya papansinin. Alam kong ang isip bata pero wala na akong maisip na ibang gagawin para patigilin siya.


Natahimik lang ako nung sinabi niya sa akin na uuwi siya, pero hindi pa rin ako kampante na mags-stay lang siya sa kanila. Kitang-kita ko kasi sa mukha niya na parang may gusto siyang sugudin at kausapin.


Napangiwi si Zac dahil napadiin ang pagdampi ko ng yelo sa pisngi niya.


"Okay lang ba sayo 'to?" Nagtama ang tingin naming dalawa.


Hindi ako sumagot dahil hindi naman talaga okay sa akin ang nangyari kanina. Nasaktan ako, oo. Nabastos ako, eh. Sinong gugustuhin ang mabastos?


"Hindi." Siya na ang sumagot para sa akin. "At hindi rin okay sa akin." Napatungo ako sa sinabi niya.


"Zac.." Binaba ko ang yelo at umupo sa harap niya at napapikit. Napahawak ako sa sintido ko. Dapat nagawa ako ng plates ngayon pero mukhang bukas ko na matutuloy.


Naramdaman kong patulo na ang luha ko kaya nanatili akong nakapikit. Sinusubukan kong pigilan dahil ayokong makita niya akong umiiyak.. ulit.


Wala akong naririnig na kahit anong salita galing sa kanya kaya unti-unti kong dinilat ang mga mata ko.


Pagbukas ko ng mga mata ko ay sumabay na rin ang pagtulo ng luha ko. Napakagat ako sa labi ko at napaiwas ng tingin.


"Come here." Inayos niya ang buhok na humaharang sa mukha ko bago ako niyakap. Hinayaan ko lang siya na yakapin ako.


Hinahagod niya ang likod ko habang umiiyak ako nang tahimik.


Hindi ko alam kung bakit ayaw tumigil ng luha ko kahit anong pilit ko. Masyado na atang nag-build up ang emotion ko dahil sa mga nangyayari nitong mga nagdaan na araw. Dagdag mo pa na nabobother ako sobra sa school dahil may mga on-going na plates pa ako and activities from other subjects.

Tanging LarawanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon