Chapter 17: film

99 1 0
                                    

"He looks up grinning like a devil! It's new, the shape of your body. It's blue!" Napatingin ako kay Maiah na nanonood ng videos sa phone niya.


"Ang ingay mo naman." Reklamo ni Jiro. "Mas rinig ko pa ang sigaw mo kaysa sa boses ng nakanta?!" Natawa ako.


"Pake mo ba?! Supportive ako eh." Nakipag-apir sa akin si Maiah. 


"Sobrang ganda talaga ng boses mo ate! Feeling ko idol na kita." Kinikilig niyang sabi sa akin.


Nandito kami ngayon sa kainan na hindi ko alam kung saan. Bulaluhan ata ito? Nakatulog kasi ako bigla habang nasa byahe kanina. Tumama bigla sa akin yung pagod eh.


Dapat talaga kasama pa namin si Hiro ngayon pero pag-gising ko kanina wala na siya dahil sinundo siya ng manager niya. May shooting daw siya bukas and kailangan niyang matulog. 


Wala pa nga daw siyang balak umuwi eh, pero wala rin siyang choice kasi siya rin mahihirapan pag wala siyang tulog.


Saglit ko palang nakakausap si Hiro pero nararamdaman ko na he's a good kid. Nawala bigla yung pakiramdam ko na isa siyang sikat na artista dahil sa kung paano siya makitungo kila Zac. Ang normal ng kilos niya sobra with his friends. 


Hindi ganito yung nakikita ko sa media na sobrang chill and calm niya. Sobrang kulit din pero understandable naman kasi 16 palang naman siya. He's still growing. Ngayon ko tuloy bigla narealize na tao rin siya just like us.


Idols are human too.


"Gutom na ako." Nilapag ni Rique ang phone niya sa table at sumandal sa upuan. "Napagod ako kay Jett." Hinilamos niya ang kamay niya sa mukha niya.


"Ako nanaman?" Natatawang tanong ni Jett na tahimik na nakikipag-chat sa phone niya. Sumilip si Zac sa phone niya at agad niya naman itong nilayo.


"Oops, secret lang kung pano ako lumandi." Inoff niya ang phone niya at tinago agad sa bag dahil panigurado ay aagawin 'to ng mga kaibigan niya. Ang lalakas pa naman nila mag-asaran.


Napatingin ako kay Maiah na nag-pout ng patago. Napatingin siya sa akin at nginitian ako. Nag-thumbs up siya na para bang sinasabi na hindi naman siya nasasaktan kasi crush lang naman.


"May nagseselos." Malakas na sabi ni Jiro kaya napatalikod bigla si Maiah. Natawa ako kasi kinurot niya ng patago si Jiro kaya napa-aray ito. Hindi ata alam ni Jett na may crush sa kanya si Maiah at ayaw niya rin ata ipaalam ito dahil baka maging awkward sila.


"Oo nga, sino kaya 'yun?" Pakikisama ko kay Jiro. I love their friendship talaga kasi sobrang solid. 


Solid rin naman ang friendship namin nila Rein pero there's something talaga sa friendship nila na parang sobrang strong ng bond kahit sobrang lakas nila mang-asar sa isa't-isa. Medyo nagc-click ang humor nila kay Luis and I want them to meet him and Rein too. It will be fun for sure pag lumaki ang circle namin.


Hindi ko sila tinataboy or what. I just want them to meet other people and have fun just like what I am doing right now.

Tanging LarawanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon