Chapter 26: rumors

43 1 0
                                    

Napahilamos ako sa mukha ko dahil inaantok pa ako. Anong oras na kasi ako nakabalik sa dorm kagabi.


Maaga kasi ang pasok ko kaya pinilit ko talagang bumalik ng dorm. Kung sa bahay ako matutulog, for sure matatraffic ako kahit maaga pa ako umalis.


Nasa school na ako ngayon at mas lalo akong inaantok sa tahimik. Busy kasi kaming lahat sa paggawa ng kanya-kanya naming plates.


Kinakabahan ako kasi feeling ko ipapapasa 'to tapos or hindi tapos.


Mabait naman ang prof namin sa subject na 'to, pero gusto ko na tapusin agad ang pinapagawa niya. Strict din siya sa mga pinapagawa niya eh.



"Kaya ba today?" Napatingala kaming lahat sa kanya.


"No po, sir!" Sabay-sabay kaming lahat kaya natawa siya.


"Okay, since marami pa ang hindi tapos sa inyo, i'll give you a week to finish that." Napahinga ako ng malalim sa narinig ko.


"Goodbye class." Nagpaalam rin kami sa kanya. Hindi na siya nagsabi ng kung ano-ano at hinayaan na lang kami sa kung ano ang gusto naming gawin.


Tatapusin ko na 'to ngayon dahil may plates pa akong hindi ko pa natatapos. May vacant kaming 2 hours ngayon at balak kong ituloy ang ibang plates sa library.


"Psst.." Kinakalabit ako ni Art pero hindi ko siya nililingon. Busy kasi ako sa pagbubura.


"Huy." Tumayo na siya sa gilid ko at pinapanood ang ginagawa ko.


"Tara kain." Tumingala ako sa kanya. "Hindi pa ako nagugutom." Sabi ko at nag-pout naman siya.


Natawa ako. "Hindi bagay sayo." Kinuha niya ang pencil ko. "Mamaya na 'yan!" Sinubukan kong abutin ang pencil ko pero nilalayo niya ito.


"Damayan mo ko." Kinurot ko nang mahina ang tagiliran niya. Napababa ang kamay niya kaya agad ko na hinablot ang pencil ko.


"Bahala ka diyan." Natatawa kong sabi bago bumalik sa ginagawa ko.


"Wala akong kasama kumain. Hindi ka ba naaawa sa akin?" Nagpapa-cute pa siya na akala mo aso.


"Wala namang kakain sayo doon!" Sabi ko sa kanya habang tinutulak siya papalayo. Lagi na lang siyang ganito pag focus na focus ako sa ginagawa ko. Natatandaan ko na nga lang kumain kapag ginugulo ako ni Art eh.


"Dito ka na lang kaya kumain." Sabi ko sa kanya. Pwede naman kumain sa room namin, so walang problema.


Lumiwanag ang mata niya. "Oo nga 'no? Sige." Agad niyang kinuha ang wallet niya at lumabas.


Napailing na lang ako.


Ang dami kong kaklase na bumaba para bumili ng pagkain nila. Yung iba naman tinutuloy lang din ang plates nila. Wala na din atang balak umalis ang iba dahil 2 hours lang naman ang vacant.


Sinalpak ko na lang ang earphones sa tenga ko para hindi ako mabored.


Wala pang ilang minuto ay may naramdaman nanaman akong kumakalabit sa akin.


"Ano nanaman?" Tanong ko kay Art. Natawa ako nung nakita na dalawang pagkain ang hawak niya.


"Syempre sasamahan mo akong kumain." Kumuha siya ng isang upuan at hinila 'to papalapit sa akin. Umupo siya at pinatong niya sa lap ang pagkain niya.


Babayaran ko dapat siya pero tinanggihan niya ito. "Wag na." Nilayo niya ang kamay ko.



"Nilibre mo na ako, kaya ako naman." Sabi niya at natawa naman ako. Hindi naman malaki yung binigay ko sa kanya eh. Mentos lang 'yon at hiningi niya lang din kasi nakita niya akong nagbukas ng isa.


Tanging LarawanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon