Chapter 16: busking

86 5 0
                                    

"Hay." Sabi ng katabi ko na parang stress na stress na sa mga kasama namin.


"Okay ka lang?" Natatawang tanong ko kay Zac na hinuhilot-hilot na ang sintido niya ngayon.


"Hoy, kuya! Wala akong kasalanan dito ah." Tinaas pa ni Maiah ang isa niyang kamay para sabihin na nagsasabi talaga siya ng totoo.


"Si Jiro nagkalat!" Bulong niya sa aming dalawa kaya natawa ako. "Anong ako?!" Gulat na tanong ni Jiro at lumapit din kay Zac.


"Si Ayah may kasalanan!" Pagtanggol niya sa sarili niya. "Sabi niya invite ko daw crush niy--" Tinakpan agad ni Maiah ang bunganga nito.


"Oh, oh. Walang ganyanan, oy." Hindi pa rin niya tinatanggal ang kamay niya sa bibig ni Jiro.


"Wag ka maingay! Eto talaga! Parang hindi bestfriend!" Nakasimangot na ang mukha niya ngayon kaya hindi namin mapigilang matawa.


"Oh, sige na. Tama na." Pag-awat ni Zac sa kanilang dalawa dahil hindi sila natigil sa pagbabangayan.


We're here sa skyranch sa tagaytay dahil ngayon na magaganap ang plano namin ni Zac na mag-busking. May kausap din siya kanina na band and I think 'yun yung makakasama namin mamaya.


Maaga-aga pa naman ngayon kaya napag-isipan muna namin na sumakay sa mga rides. Wala ata 'to sa plano ni Zac na maglaro eh. Gusto niya ata pumunta dito to relax pero hindi niya magawa dahil kasama namin si Maiah and Jiro.


Okay lang naman ata sa kanya na kasama yung dalawa pero ang problema nagsama rin ng kasama yung dalawa.


"Ikaw kasi! Bakit ang dami mong inaya?!" Rinig kong reklamo ni Maiah sa gilid ko.


"Sa gc ako nag-aya eh, hehe." Natawa ako nung napakamot si Jiro sa ulo niya. Hindi siguro nakita ni Zac ang message niya sa gc nila dahil wala siyang alam na maraming sasama sa amin ngayon.


"Okay na 'yan! Edi napansin naman kung sino crush mo kung isa lang?!" Inis na sabi ni Jiro.


"Bakit kasi hindi na lang ikaw yung mag-chat? Hindi yung tinutulak mo pa ako." Napailing na lang ako dahil parang labag pa sa loob niya na nanghihingi si Maiah ng tulong sa kanya para mapalapit sa crush niya.


"Sino ba crush mo?" Tanong ko dahil may dalawa silang kasama na naglalakad sa likuran namin. "Jett or Rique?" Nakatingin kaming dalawa ni Zac sa kanya at hinihintay ang sagot nito.


"Bakit mas matanda gusto mo? Hanap ka na lang ka-edad mo." Natatawang sabi ni Zac.


"Ayoko nga! Ang cocorny ng mga lalaki sa school ko!" Sabi niya na parang nadidiri pa na ewan.


"Corny ka din naman!" Pang-aasar ni Jiro kaya hinampas siya ni Maiah.


"Si Jett ba?" Bulong ko kay Maiah at napatakip naman siya sa bunganga niya at bunganga ko.


Tanging LarawanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon