Chapter 28: better?

59 2 0
                                    

Ilang araw na ang nakalipas simula nung na hospital si William. Things start to feel better.


Rein and I are okay. Zac and I are okay. Si William bumabalik na ulit sa dati pero syempre kailangan pa rin niya limitahan ang kilos niya dahil hindi kaya ng puso niya. Lia and Aliah are doing well sa school.


My days are getting better kasi lahat sila okay. Enough na para sa akin 'yun.


Nahanap na rin kung sino ang gumagawa ng rumors tungkol sa akin.


5pm ang labas ko at agad na rin akong dumeretso sa office. "Oh?" Nagulat ako nung biglang may bumukas ng pinto at si Luis ang nakita ko.


"Bakit ka nandito?" Kachat ko lang siya kanina at ang sabi niya ay wala siyang pasok ngayon. Kaya nagtataka ako kung bakit siya nandito.


"Support?" Natawa ang isang discipline officer sa sinabi ni Luis. Hinihintay na lang namin dumating ang nagkakalat ng issue.


Hindi ko alam kung ano ang gagawin sa kanya ng school dahil pambubully na rin ang ginawa sa akin. Pero susubukan ko na idaan na lang sa usapan dahil ayokong lumala ang gulo. Gusto ko na rin makahinga ng maayos.


Naghintay kami ng ilang minuto hanggang sa may kumatok.


Lahat kami ay napalingon sa pinto. May pumasok na halos kasing tangkad ko lang. Nakasalamin siya at short hair.


Siya na ba 'yun?


"Claire?" Tumango siya nung binabasa ng prof ang name niya sa phone. Nandito ang isa naming professor para siya ang kumausap samin dahil sa department namin kalat na kalat ang issue.


Tumango siya. "Upo ka muna." Sumunod siya at umupo sa harapan ko. Hindi siya sa akin makatingin ng deretso at para siyang galing sa gyera. Mukha siyang tinulak dahil ang dumi ng uniform niya. Ang gulo rin ng buhok niya na akala mo ay sinabunutan.


"Seryoso talaga siya, huh?" Narinig kong bulong ni Luis. "Bakit?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.


Umiling lang siya at napangisi na para bang hindi niya alam ang gagawin niya. "Labas muna ako." Ramdam ko ang inis sa boses niya.


Anong nangyari dun?


"Course and section?" Napatingin ako dahil sinisimulan na nilang kausapin siya.


"3rd year, tourism po." Nagulat ako sa sinabi niya. Ang layo? Akala ko same course lang kami.


Kinakausap na siya at hindi na ako nakikinig. Ang dami niya kasing sinasabi na parang ang layo. Dahil unang-una, paano niya ako nakilala kung hindi ko siya kilala?


Ngayon lang kami nag-meet at ang weird kasi parang nagdadalawang isip pa siya sa mga sasabihin niya. Hindi siya sigurado, pero inaamin niya na siya ang gumawa.

Tanging LarawanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon