"Sobrang nabusog ako." Natawa sa akin si Zac pagpasok ko sa sasakyan niya dahil parang hirap na hirap akong umupo.
"At wag na rin tayong bumalik dito." Bulong ko sa kanya. Nakabukas pa kasi ang pinto at baka may makarinig sa amin.
"Bakit? Akala ko ba nabusog ka?" Natatawang tanong niya sa akin.
"Baka hindi na makahinga wallet mo." Sabi ko sa kanya. Sa mahal na restaurant kasi niya naisipan kumain. Hinihila ko siya at pinipilit na wag na dito dahil kaya ko naman kumain sa karinderya lang pero hindi talaga siya nagpapatinag. Alam ko namang mayaman siya pero hindi niya naman kailangan na seryosohin ng sobra ang deal namin. Wala na rin ako nagawa kasi sagot naman niya daw pero nakakahiya kasi ayaw niya rin na mag maghati kami.
"Ang importante nabusog ka." Napatigil ako dahil bigla siyang lumapit sa akin dahil hindi ko mahila ang seatbelt. Sobrang lapit ng mukha ko sa leeg niya at naamoy ko na ang pabango niya.
"Thank you." Hindi ako makatingin sa kanya at nagkunyari na lang ako na inaayos ang bag ko para may iba akong magawa.
"Kaya mo pa ba?" Sabi niya bago isuot ang seatbelt. Napatingin ako sa kanya.
"Bakit? May pupuntahan pa ba tayo?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Anong oras pasok mo bukas?" Tanong niya. "Mga hapon pa." Maikli kong sagot sa kanya.
"May pupuntahan lang tayo saglit." Ngumiti siya sa akin. Saan nanaman ako dadalhin nito?
"Malapit lang 'to sa dorm mo. G ka ba?" Natawa ako sa pagkakasabi niya ng 'g'. Hapon pa naman pasok ko at malapit lang naman pala sa dorm, so walang problema. Hindi pa naman ako pagod kaya..
"Go." Natatawa kong sabi sa kanya at lumiwanag naman ang mga mata niya.
Cute.
Nakakatawa isipin na hindi talaga approachable tignan si Zac sa malayo pero when you get to know him, sobrang dami niyang napapakitang cute sides.
Pinaandar niya ang makina ng sasakyan at nagsimula na umalis. Hindi ko alam kung anong meron malapit sa dorm. May alam nanaman ba siyang tagong lugar? Hindi pa naman ako nakakagala masyado kaya wala talaga ako masyadong alam sa mga paikot-ikot dito.
"Tago nanaman ba 'to?" Natatawang tanong ko sa kanya.
"Nope." Umiling siya at rinig na rinig ko pa rin ang masayang tono sa boses niya.
"Wala na sigurong tao doon sa ngayon pero I know you will like it there." Tumingin siya sa akin sandali at ngumiti bago binalik ang tingin sa daan. Oo, baka nga wala na talagang tao doon dahil 10 pm na pero saan ba talaga kami pupunta?
Nadaanan na namin yung dorm ko at nilagpasan lang namin 'to. May nilikuan si Zac at hindi ko alam kung saan papunta 'to. Wala na siya sa highway at wala rin masyadong mga bahay pero parang puro palaruan ng mga bata.
BINABASA MO ANG
Tanging Larawan
FanfictionZac Ethanace knows that she never dream of having a perfect life because we all know that life will never be perfect. However, Zac wants to be perfect for her. He wants to be the best man she could have ever asked for. ESC SERIES #1