"Ang ganda ng gown niya!" Manghang-mangha na sabi ni Rein sa sumasayaw sa gitna ng daan.
Fiesta na sa siargao at nasa labas kami ngayon para manood ng parada. Sobrang daming tao ngayon at sobrang init kaya sumasakit lalo yung ulo ko. Wala kasi akong maayos na tulog dahil anong oras na kami nakauwi kagabi.
Nilabas ko ang digicam ko para mag take ng pictures and videos sa mga nagpaparada. They are dancing traditional dance and sobrang nakaka-amaze talaga yung costumes and props nila. Sobrang artistic naman nila at ang sipag. Gusto ko rin yung kung paano nila ilagay yung flowers sa dulo ng gown nila. Ang cute!
"Tabi, nakaharang ka." Sabi ko kay Luis pero nag peace sign lang siya sa camera kaya natawa ako.
"Picturan ko kayong tatlo." Lumingon si Rein at hinila niya sa tabi niya si Zac na busy manood.
"Ikaw din!" Sigaw ni Rein at tinulak si Zac sa tabi ko. "1........... 2........ 3--"
"Ang tagal mo naman mag bilang!" Natatawang sabi ni Luis. "Shut up!"
"Smile guys!" Nag-peace sign ako. "Bakit may flash? gago."
"Epal mo talaga kahit kelan 'no?" Inirapan siya ni Rein kaya natawa na lang ako.
"Hindi na ba masakit ulo mo?" Bulong sakin ni Zac. Hindi kasi namin masyado marinig ang isa't-isa dahil sa lakas ng tugtog ng mga nagpaparada.
Umiling ako. "Medyo na lang." Nag-eenjoy naman ako manood dito pero gusto ko muna umalis. Sakit pala sa ulo pag walang tulog tapos mainit. Kaya matulog kayo lagi ng maaga.
"Gusto mo ba na doon muna tayo?" Turo niya sa may puno kung saan malilim at wala masyadong tao. Tumango ako at kinalabit 'tong dalawa na nasa harapan namin na nagbabangayan nanaman.
"Sa wakas! Fresh air!" Umacting pa si Rein na niyayakap niya yung hangin kaya natawa na lang kami.
"Bakit ayaw niyo doon?" Tanong ni Luis. "Nasosobrahan na ba pagiging hot ko?" Tumalikod ako at tinignan yung puno. Wow, ano 'to bahay?
"What if manahimik ka na lang."
"Are you guys hungry? Gusto niyo na ba kumain?" Lumiwanag yung mata ko.
"Totoo ba yung pwede pumasok sa kani-kaninong bahay para makikain?" Tanong ko at tumango si Zac. Napapanood ko lang 'to sa youtube eh. Pumupunta sa iba't-ibang bahay yung vlogger na napapanood ko and pwede daw sila makikain doon.
"Tara!" Excited kong sabi at nakita kong napangiti si Zac.
"Taraaa!" Nag cling sa arms ko si Rein at hinila ako paalis.
"Good afternoon po!" Masiglang bati namin sa first house na kakainan namin.
"Oh, pasok kayo." Halos ka age lang namin yung sumalubong samin kaya di kami masyado nahiya kausapin. Medyo marami-rami rin yung tao na nakikikain dito at lahat sila nginingitian kami.
BINABASA MO ANG
Tanging Larawan
FanfictionZac Ethanace knows that she never dream of having a perfect life because we all know that life will never be perfect. However, Zac wants to be perfect for her. He wants to be the best man she could have ever asked for. ESC SERIES #1