"Ate, aalis ka na po ulit?" Kinarga ko saglit si Aliah dahil baka biglang umiyak. Ang laki kasi ng dala kong bag at baka isipin niya ay hindi na ako bumalik.
"Opo. Aalis muna si ate, okay? May kailangan pa asikasuhin si ate pero babalalik pa naman si ate." Hindi muna ako magpapaalam sa kaniya ng maayos ngayon dahil babalik pa naman ako. Nagmamadali lang talaga ako ng sobra dahil late na ako nagising.
Inuna ko puntahan ang Walleaf cafe para mag-apply kanina. Bumalik ako ngayon sa bahay para kunin ang mga damit ko at ang isang maliit na rice cooker na malalgay ko sa dorm. Nagmamadali na ako dahil hinihintay na din ako ng owner doon para ibigay sa akin ang key ng dorm.
Kung uunahin ko lumipat ng dorm ay baka hindi na ako nakapag-apply sa walleaf.
"Okay po! Ingat po ate!" Ibinaba ko si Aliah at nagpaalam na din kay Lia at William. Binilisan ko na ang paglalakad ko dahil sayang ang oras.
"Ang bigat pala." Nararamdaman ko na ang ngalay sa balikat ko. May bitbit pa akong rice cooker. Mukha tuloy akong mag-oouting sa itsura ko ngayon.
"Wala pang jeep." Sabi ko sa sarili ko nung nakita ko na ang dami rin nag-aabang. Napapunas na lang ako ng pawis sa noo ko dahil sa init. Tirik na tirik pa naman ang araw ngayon.
"Oh, isa pa!" Sigaw nung jeepney driver. Wala naman may gustong sumakay kaya ako na lang ang sumakay. Wala naman akong choice kundi makipag-siksikan dahil nagmamadali na talaga ako.
Kinalong ko yung bag ko sa harapan ko para makaupo ako ng maayos.
Narinig kong nag-pop yung phone ko pero hindi ko pinansin dahil hindi na ako makagalaw sa sikip at bitbit ko. Mamaya ko na lang siguro ichecheck pag tapos na ako sa lahat ng ginagawa ko.
Nang makarating na ako sa dorm, nakasalubong ko ang owner na palabas na. "Oh, buti nandito ka na!" Lumapit siya sa akin at para ibigay ang key ng dorm.
"Sorry po kung ngayon lang." Nahihiya kong sabi at ngumiti siya sa akin.
"It's okay, don't worry! Dapat ibibigay ko na sa staff yung key mo pero sakto nakadating ka agad." Ngumiti ako at tinanggap yung key.
Nagpaalam siya agad pagtapos namin mag-usap saglit dahil may importante pa daw siyang pupuntahan.
Nakahinga ako ng maluwag pag-alis niya. Sa wakas, hindi ko na kailangan magmadali. Pagod na ako kakalakad nang mabilis. Umakyat ako nang mabagal sa second floor. Kung may makakakita man sakin ngayon ay baka tinawanan na ako sa itsura ko ngayon.
Pagtapak ko sa harap ng pinto ng dorm ko ay hindi ko mapigilang mapangiti. Pagbukas ko dito ay sumalubong sa akin ang malinis na kwarto.
Tumakbo ako papunta sa kama at agad na humiga. "Waaaa!!" Iniipit ko ang boses ko para hindi mapalakas ang sigaw ko.
Hindi ko mapigilan mapangiti at ma-excite ng sobra. Sinong mag-aakala na makakapag-enroll ako ngayon? Nakapag-rent pa ako ng sarili kong dorm.
BINABASA MO ANG
Tanging Larawan
Fiksi PenggemarZac Ethanace knows that she never dream of having a perfect life because we all know that life will never be perfect. However, Zac wants to be perfect for her. He wants to be the best man she could have ever asked for. ESC SERIES #1