Chapter 9: them

77 0 4
                                    

"Aray!" Reklamo ko kay Luis dahil bigla niyang diniinan ang pagdampi ng hawak niyang ice bag sa gilid ng labi ko. 


"May sama ka ba ng loob? Wala ng yelo, oh." Sabi ko dahil parang puro tubig na lang nararamdaman ko.


Padabog siyang umalis para kumuha ng ice at bumalik ulit sa harapan ko. "Jusko, ano bang nangyari? Bakit sobrang lala naman ata ng tama mo!" Nagpapanic na sabi ni Rein. Walang balak umimik saming tatlo dahil lahat kami ay gulat pa rin sa mga nangyari.


Napatingin ako kay Zac na nakatayo lang at nakapamulsa sa gilid. Nasampal nga din pala siya 'no?


Kinuha ko yung ice bag na nasa gilid at nilagyan ito ng yelo. "Zac." Tinawag ko siya para sabihin na may pasa siya sa pisngi niya. 


"Ano ba 'yan!" Parang mas stress pa si Rein kaysa sa amin. "Ako na diyan! Halika dito, umupo ka sa harap ko." Sumunod na lang si Zac sa kanya dahil baka magbunganga pa ito.


"Bakit kayong dalawa meron? Si Luis wala?" Napadaing ako sa sakit ng tagiliran ko dahil hindi ko mapigilang matawa. Napalingon si Luis at sinamaan siya ng tingin. 


"Wag mo na asarin, hindi na nga ako pinapansin, oh." Pagbibiro ko. "Joke." Napatungo ako dahil bigla niya din akong sinamaan ng tingin.


Alam kong sobrang lala ng nangyari ngayon pero ayokong mag-alala sila ng sobra sa akin. Sinusubukan ko na lang pagandahin ang mood at magmukhang walang nangyari.


Nanahimik kaming lahat at nabaling ang tingin ko kay Rein at Zac na sobrang lapit sa isa't-isa. Dinadampi ni Rein ang ice sa gilid ng pisngi ni Zac at may sinabi ito. Natawa sila ng mahina kaya napaiwas na lang ako ng tingin.


"Dito lang ang tingin." Lumipat ang tingin ko kay Luis na focus na focus sa pagdampi ng ice sa gilid ng mata ko ko. 


"Andito naman ako." Nilayo ko ang mukha niya at natawa. "Ang corny mo." Nanahimik lang siya.


Iginilid niya ang buhok ko na humaharang sa mukha ko. "Ayokong nakikita kang nasasaktan." Mahinang sabi niya pero sapat ito para marinig ko dahil magkaharap lang naman kami. 


"Gagawin ko.." Tumigil siya. "Ang ano?" 


"Gagawin ko ang lahat, wag ka lang masaktan." Tumingin siya ng deretso sa mata ko at hindi ko alam ang gagawin ko dahil biglang naging awkward. This is not the first time na naging ganito siya kaseryoso sa harap ko pero ang awkward pa rin every time na ginagawa niya ito.


"Kaya magpagaling ka." Pinitik niya ng mahina ang noo ko at natawa para siguro matanggal ang pagiging awkward naming dalawa.


"Kumain na ba kayong tatlo?" Biglaang singit ni Rein kaya umiling kaming lahat sa kanya. "Mag-oorder na lang muna ako." Tumango kaming lahat.


"Ah.." Tumayo si Zac. "Gabi na, kailangan ko na din umuwi." Napatingala ako sa kanya.


Tanging LarawanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon