Chapter 29: a day to struggle

36 2 0
                                    

Napahampas ako sa noo ko dahil wala na napasok na kahit anong information sa utak ko. Ang bilis dumaan ng araw at exams na namin ngayon.


Simula nung nag exam week kami, parang umiikot lang ako sa dalawang lugar eh. Sa dorm at sa walleaf. Pagtapos ko magtrabaho, dumederetso na agad ako pabalik sa dorm para mag-aral.


Wala na akong ibang pinupuntahan kasi kailangan ko mag-aral. Kailangan ko makakuha ng magandang grades mas lalo na at scholar ako. Hindi ako pwede maging pabaya.


Ilang araw na ganito ang ginagawa ko at ilang araw na rin akong walang tulog.


Akala ko kasi hindi ganoon karami ang aaralin, hindi pala. Sobrang dami ng inaaral namin at parang mas marami pa sa minor subjects.


Ang pangit nga ng schedule ko ngayon dahil dalawang major at isang minor subject ang ie-exam ko bukas. Siningit pa nila ang minor tapos mahirap pa aralin yung dalawang major. Buti nga nakapag-advance reading ako sa dalawa na 'yun kasi kung hindi, ewan ko na lang.


Sobrang bilis ng takbo ng araw. Parang natutulog lang ako tapos gigising ulit para maghirap.


Napahinga na lang ako ng malalim. Tumayo ako para magtimpla ng kape. Pahinga muna ako mga 15 minutes bago bumalik ulit sa pag-aaral. Nag-alarm ako para hindi ako lumagpas sa oras.


Bakit pa kasi nila siniksik itong minor sa dalawang major? Gusto ko na matulog.


"Kaya 'to." Pag-motivate ko sa sarili ko kasi last day naman na ng exam bukas. Hindi ako pwedeng tamarin. Kailangan ko pa rin ibigay ang best ko kahit last day na.


Nung nakatimpla na ako, bumalik na ako sa study table ko at tumulala sa mga libro at papel ko.


May ilang minutes pa naman ako kaya nagpatugtog muna ako.


Parang gusto ko papuntahin si Rein at Luis dito after ng exam. Hindi ko na rin sila masyado nakakausap dahil siguro na-busy din sa pag-rereview.


Para akong sinasakal ngayong exam week kaya gusto kong huminga after nito. Gusto ko na may makausap at huminga lang.


Kinuha ko ang phone ko para mag-message sa gc namin.




punta kayo bukas pls




Hindi ko binaba agad ang phone ko dahil hihintayin ko ang reply nila. Makikipag-usap muna ako sa kanila.




Rein
GGG
last day ng exam ko bukas
WHAT TIME??


Luis
ge
kailangan ko ilabas sama ng loob ko sa exam
sumasakit na ulo ko gago

Tanging LarawanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon