"Ahh.. ang pangit." Reklamo ko after ko makita ang shot ko sa poste. "Tabingi." Sumilip sa camera si Zac kaya agad kong dinelete ang picture.
"Don't delete it." Sabi niya sa akin kaya napatingin ako sa kanya.
"You can check it later. Malay mo may magustuhan ka pa." Bigla akong napaisip sa sinabi niya. Oo nga 'no? Dapat hindi ko muna idelete. Siguro sa ngayon may mga hindi ako magugustuhan na pictures pero baka mamaya mag-iba na tingin ko.
"Okay.." Sabi ko para alam niyang nakikinig ako sa kanya. This is my first time doing street photography kaya feel ko na parang naliligaw ako. Ewan ko ba, para kasing hindi ako handa. I don't know..
"Ayusin mo hawak sa camera mo." Ginuide niya ang kamay ko kung paano hawakan ang camera.
"Be ready lagi dahil hindi natin mapapatigil ang galaw ng mga tao." Sabi niya dahil ang napili niyang subject ay ang mga tao.
Usually, ang nakikita ko sa social media, ang ginagawang subject ng mga street photographer ay ang mga tao na nakakasalubong nila. And I think, i'll go with people din muna since sila ang mas madaling makita ng mga mata ko ngayon. Masyado rin naooverwhelmed yung mata ko dahil hindi ko alam kung saan titingin since this is my first time.
"Katulad niyan.." Nag-start na maglakad ang mga tao sa pedestrian lane at sumunod kami sa kanila. Narinig ko ang sunod-sunod na pag tunog ng shutter button sa bawat litratong kinukuha niya. Pagkatapos namin tumawid ay humarap ulit siya sa akin.
"Hindi natin sila mapapatigil so be fast as you can. Lagi mong ihanda ang sarili mo sa pag-click ng shutter button." Tumango ako sa kanya. Siguro hindi ito ang first time niya mag street photography base sa kung paano siya kumilos.
"Hindi ito ang first time mo 'no?" Natatawa kong tanong sa kanya dahil ang dami niyang alam. Tumango siya sa akin.
"Eto ang bonding namin ni tito eh." Napakamot siya sa ulo niya. "Nagpupustahan kami kung sino may mas maganda na nakuha." Natatawa niyang sabi sa akin.
"Let's do that." Paghamon ko sa kanya at para naman siyang nagulat sa sinabi ko.
"Ano ang pusta?" Tanong niya sa akin.
"Kung sino man ang matalo, siya ang sasagot sa pagkain mamaya." Sabi ko dahil confident akong manalo kahit hindi ko sure kung may makukuha ba akong maganda.
"Deal." Natatawa niyang sabi sa akin. "If that's what you want." Pagpapatuloy niya.
"Feeling ko matatalo kita." Pagbibiro ko at napailing siya.
"I love the confidence." Natatawa niyang sabi sa akin.
"Yeah, confident enough to beat you." Pang-aasar ko bago tumakbo sa ibang direksyon.
"I'll see you later!" Kumaway ako sa kanya at natawa lang siya. Maghahanap ako ng subject sa ibang lugar dahil ang pangit naman kung magkasama kami. Baka parehas pa yung makita naming dalawa.
BINABASA MO ANG
Tanging Larawan
FanfikceZac Ethanace knows that she never dream of having a perfect life because we all know that life will never be perfect. However, Zac wants to be perfect for her. He wants to be the best man she could have ever asked for. ESC SERIES #1