Kakabalik ko lang sa dorm at ang una kong ginawa agad ay maligo. Sobrang lagkit ng katawan ko dahil sa pawis. Pero sobrang saya kasi hindi ko na-imagine na magagawa kong maglaro ng ganito. At mas lalong hindi ko ma-imagine na si Zac pa ang makakasama ko.
Hindi ko mapigilang mapangiti.
Binagsak ko ang katawan ko sa higaan at napatitig sa kisame. Napatakip ako sa mukha gamit ang mga kamay ko nung natandaan ko ang iniisip ko kanina.
'Sa tingin ko gusto na kita.'
"Ano bang iniisip mo, Lara?" Sinampal ko ang sarili ko. Baka nadadala lang ako sa tuwa.
Napalingon ako sa table ko dahil biglang nagvibrate ng sunod-sunod ang phone ko. Tumayo ako para kunin ito.
May tumatawag.
Sinagot ko agad ang tawag at hindi mapigilang matuwa. Gusto ko rin ikwento sa kanya ang mga nangyari ngayon.
"Rein?" Pagtawag ko sa kanya. Sobrang lakas ng tugtog sa kabilang linya at parang halos wala na akong marinig. Para siyang nasa loob ng bar.
"Hello?" Parang ibang tao ang may hawak ng phone ni Rein.
"Is this Larawan?" Ibang tao nga. Saan nanaman pumunta ito? Jusko, anong oras na.
"Yes. Sino 'to?" Nag-aalala kong tanong. Babae naman yung kausap ko kaya medyo magaan ang pakiramdam ko.
"You don't know me pero your friend is really drunk." Rinig ko ang pag-aalala sa tono ng boses niya.
"A lot of men tried to take her home pero hinila ko siya and I said that she is my sister." Pagpapaliwanag niya. Alam kong may pagka-party girl si Rein pero hindi ko alam kung bakit hindi niya nacontrol ang sarili niya sa pag-inom ngayon. Kung titignan niyo sa aming tatlo nila Luis, si Rein ang pinaka-responsable at sanay uminom. Hindi rin 'yan magpapakalasing ng ganito sa bar mas lalo na kung alam niya na siya lang mag-isa.
"Nasaan siya ngayon?" Nag-papalit na ako ng damit dahil pupuntahan ko siya.
"She's with me." Sabi niya. "My ear hurts na. Kanina pa siya nagcucurse and sinisigaw ang name mo that's why I called you." Pagpapatuloy niya.
"Can you give me the address kung nasaan kayo ngayon?" Tanong ko sa kanya.
"Yeah, sure." Sinend niya sa akin kung nasaang bar sila ngayon.
"Thank you. Papunta na ako diyan and please pakisamahan muna siya diyan." Pagkarinig ko sa pag-oo niya ay agad ko na binaba ang tawag. Buti na lang mabait ang nakakita sa kanya.
Agad kong tinawagan si Luis para mapuntahan din si Rein. Mas mabilis niyang mapupuntahan si Rein dahil may sasakyan siya.
"Gago?? Anong trip nun?" Gulat niyang sabi sa kabilang linya.
BINABASA MO ANG
Tanging Larawan
FanfictionZac Ethanace knows that she never dream of having a perfect life because we all know that life will never be perfect. However, Zac wants to be perfect for her. He wants to be the best man she could have ever asked for. ESC SERIES #1