"How's school?" Deretso lang ang tingin ko sa plato ko at sinusubukan mag focus sa pagkain. Kaharap na namin yung parents ni Rein at parang kakaibang hangin ang nararamdaman ko. Sobrang awkward at uncomfortable ng sitwasyon namin ngayon sa harap nila.
"Okay naman po." Inubos muna ni Rein ang nginguya niya bago tinuloy ang gustong sabihin.
"Nakapasok po ako sa dean's list." Pagpapatuloy niya. Tumaas ang isang kilay ng mommy niya at tinignan ito.
"That's good. Magandang start 'yan." Sabi ng daddy niya. What do you mean magandang start? Hindi ba't achievement na ang makapasok sa dean's list?
"Masyadong madali ang course mo." Bumalik ang tingin niya sa plato niya.
"Kung nakinig ka lang sa daddy mo--" Naputol ni tita ang sasabihin niya dahil biglang sumingit and daddy ni Rein. "Tama na muna yan, nasa harap tayo ng pagkain."
"Bakit? Hindi ba totoo?" Sagot nito.
"Wala akong ibang makitang maganda sayo kundi puro pagpapaganda." Napalingon ako kay Rein na nakatungo na ngayon at halata mong pinipigilang umiyak. Nagtama ang tingin namin ni Luis at nakikita ko kung gaano rin siya ka-uncomfortable sa sitwasyon namin. Hindi niya na nga ata kinakain yung pagkain na nasa harapan niya. Ginagalaw-galaw niya na lang yung tinidor para magkunyaring nakain.
"Kung nag-engineering ka edi sana hindi kami ganito sa iyo." Rein took tourism course. Gusto talaga ng parents niya na sumunod siya sa yapak nila which is engineer. Halos lahat din ng mga kamag-anak nila ay graduate ng engineering kaya pinepressure siya ng sobra na ayun ang kunin sa college.
Actually, dati, wala pang problema talaga ang parents niya sa kanya pero habang tumatanda siya ay pinepressure siya lagi na mag-aral ng maigi para maging magaling na engineer sa future. Nawalan siya ng gana habang tumatagal dahil hindi nga 'yon ang gusto niya. Hindi rin naman nila malalaman ang gusto niya dahil busy sila sa trabaho at laging yaya ni Rein ang kasama niya at halos yun na nagpapalaki sa kanya.
Sobrang love na love niya ang yaya niya na 'yon kasi parang halos yun na yung tumayong magulang niya. Tuwing kuhaan ng card at pag may awardings sa school nung junior high school kami, laging yaya niya ang umaattend dahil laging busy ang parents niya. Simula nung tumanggi si Rein na ayaw niyang maging engineer at gusto niya maging flight attendant, pinaalis nila ang yaya niya dahil ang nasa isip nila ay masyado nitong naiimpluwensyahan si Rein kasi natuto na rin daw sumagot.
Naiimpluwensiyahan? Yaya niya nga ang halos sumusuporta sa kanya at nagturong lumaban at bumoses sa pangarap ni Rein eh. Hindi ba magandang bagay 'yon?
"Ikaw, Lara? Kamusta?" Pag-chachange topic ng dad niya. To be honest, yung daddy niya hindi gaano pinepressure si Rein dahil hindi naman ito mahilig mag-bunganga pero ayaw rin nito sa kinuhang course ng anak niya. Hindi rin siya kampi kay Rein dahil sobrang taas rin ng standards niya eh. Sabi ni Rein ay mas masakit pa daw ito magsalita kaysa sa mommy niya.
"Okay naman po tito." Ngumiti ako. "Pumapasok ka na ba?" Tanong niya sakin. Bakit biglang naging interesado ito? Dati halos hindi kami tignan ni Luis dahil ayaw niya sa amin pero wala siyang magagawa dahil matagal na kaming kaibigan ng anak niya.
BINABASA MO ANG
Tanging Larawan
FanfictionZac Ethanace knows that she never dream of having a perfect life because we all know that life will never be perfect. However, Zac wants to be perfect for her. He wants to be the best man she could have ever asked for. ESC SERIES #1