"Shet.." Medyo nagpapanic kong sabi sa sarili ko. Hindi na ako bumalik sa dorm dahil dederetso na ako papunta sa venue kung saan gaganapin ang debut ni Maiah.
Mga 4 pm kasi siya magpho-photoshoot para hindi ganoon kainit. Nagpapanic ako ngayon kasi 3:30 na at kakalabas ko palang ng school. Nag-over time ang prof namin dahil sobrang haba ng lessons na itinuro niya ngayon. Wala rin naman akong choice dahil hindi naman akong pwedeng umuwi agad.
Chinat ko na rin naman si Sir James pero nahihiya akong malate. Buti na lang talaga na bitbit ko na ang DSLR na binigay sa akin ni Zac dahil gusto ko itong magamit sa photoshoot ni Maiah.
Nang makasakay ako sa bus ay nakahinga ako ng maluwag. Chineck ko ulit ang phone ko para tignan kung nag-reply na sa akin si Rein.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin natatahimik ang utak ko dahil sa mga sinabi niya kagabi. Pag-gising ko rin kanina ay wala na siya sa kama. Hindi siya nagpaalam sa akin na aalis na siya o ano.
I want to talk to her so bad dahil hindi ko siya maintindihan. Pati si Luis hindi rin maintindihan kung anong nangyayari dahil pati siya ay hindi na rin gaano kinakausap.
I don't want to say this pero parang lumalayo ang loob niya sa amin..
Dahil ba ito sa akin?
Hindi ko alam kung bakit niya nasabi ang mga salita na 'yon sa akin kagabi. Ano ba ang problema, Rein?
Napatingin ulit ako sa phone ko dahil nag-notif ito.
hey
where are you?
school ka pa?
It's Zac..
'Can I have him?'
'Pwede mo ba siyang iwasan?'
Umiikot ang boses ni Rein sa utak ko.
How can I do that kung ngayon na sobrang napapalapit na kami sa isa't-isa?
Gulong-gulo na ako.
oo
Oo lang ang tanging reply ko kay Zac bago pinatay ang phone at pumikit muna.
Nangangalay na ang noo ko dahil kanina pa nakakunot ito. Hinampas ko nang mahina ang ulo ko para medyo magising-gising ako.
BINABASA MO ANG
Tanging Larawan
FanfictionZac Ethanace knows that she never dream of having a perfect life because we all know that life will never be perfect. However, Zac wants to be perfect for her. He wants to be the best man she could have ever asked for. ESC SERIES #1