"May gusto ka bang inumin?" Tanong ko kay Zac habang nilalabas ang pagkain na dala niya sa paper bag.
"Ang dami pa palang kanin." Sabi ko nung nakita ko na ang dami pa palang natirang kanin sa maliit na rice cooker. Buti na lang hindi pa ito panis. Pwede pa namin siya makain ngayon.
Napalingon ako sa likod ko dahil hindi ko naririnig na nagsasalita si Zac. "Huy." Tawag ko sa kanya at lumingon naman siya sa akin.
"Anong tinitignan mo diyan?" Lumapit ako sa kanya para tignan ang tinitignan niya sa may study table ko.
Nanlaki ang mata ko at agad na sinara ang sketchpad ko. Gulat akong tumingin sa kanya at tinawanan niya lang ako. Para niyang ini-scan ang drawing ko. Nakakahiya!
"Wag mo akong ijudge! Ngayon na lang ulit ako nakapag-sketch!" Nahihiya kong sabi sa kanya.
Ang huling drawing ko pa ata ay nung high school pa ako eh. Sa school lang naman kasi talaga ako lagi nagddrawing. Napatigil lang ako nung tumigil din ako sa pag-aaral para magtrabaho muna. Akala ko nga hindi na ako marunong kaya sinubukan ko ulit bago magpasukan.
"I'm not judging you." Natatawa niyang sabi sa akin. "Hindi ko alam na magaling ka pala mag-draw." Sabi niya kaya lumiwanag ang tingin ko sa kanya.
"Nagpapractice ka na ba?" Tanong niya sa akin at tumango ako.
"That house is nice.." Tinuro niya ang sketchpad ko kaya hindi ko mapigilang matuwa. "Talaga?" Natawa siya nung napansin niyang lumiliwanag ang mga mata ko. Tumango siya.
Binuklat ko ulit ang sketchpad ko para ipakita sa kanya ang gawa ko. "This is my dream house.." Seryoso kong sabi sa kanya. Hindi ko siya tinitignan dahil nahihiya ako na makita ang reaction niya.
Matagal ko na talaga navivisualize itong bahay na 'to pero ngayon ko lang naisipan i-sketch dahil ngayon ko lang mas naramdaman ang time para mag drawing.
"Pag dumating na yung araw na magkakaroon na ako ng sariling pamilya, gusto ko na dito kami tumira." Nakangiti kong sabi habang nagpapaliwanag. "Nilakihan ko na para malaki ang maiikutan ng mga bata." Pagpapatuloy ko.
"At eto!" Tinuro ko yung part na maraming halaman. "Gusto ko may garden para hindi nakakasakal tapos magdidilig lang ako." Narinig ko siyang natawa. "Cute." Tumingala ako sa kanya.
"You're really serious about having a family 'no?" Tumango ako at ngumiti ako sa kanya. "I do.." Pinat niya ang head ko at nginitian ako ng malaki.
"Pag tama na ang oras." Sabi niya sa akin at tumango ako. Hindi ako nagmamadali magkaboyfriend or what, it's just that, it's my dream. Ang cheesy man pakinggan pero wala eh, eto ang gusto ko. Gusto ko magkaroon ng makakasama habang buhay hanggang sa pumuti na ang buhok namin at sumakit ang likod.
Growing old is scary pero I'm not scared. I want to see what will happen next.
BINABASA MO ANG
Tanging Larawan
FanfictionZac Ethanace knows that she never dream of having a perfect life because we all know that life will never be perfect. However, Zac wants to be perfect for her. He wants to be the best man she could have ever asked for. ESC SERIES #1