It's been days at nandito pa rin ako kila Rein. I'm very comfortable here pero hindi ko pa rin mapigilang mabother dahil hindi ko alam kung ano na ang ginagawa ng mga bata doon. Yung huling text sa akin ni Lia ay last week pa at sinabi niya sa akin na okay naman daw sila at magpahinga muna daw ako dito.
Gumagaling na rin ang mga sugat at pasa ko. Hindi na rin gaano sumasakit ang tagiliran ko kaya nakakapaglakad-lakad na din ako. Umayos-ayos ang pakiramdam ko simula nung dito muna ako tumuloy kila Rein.
Sa totoo lang, grabe ang pagtatalo namin dito dahil gustong-gusto nila ako idala sa hospital para mas maayos daw ang matanggap kong treatment at baka daw mamaya ay may buto palang nabali sa akin. Tumatanggi ako sa gusto nila dahil kaya ko naman, hindi naman ito ganoon kalala at kayang-kaya ko naman gumaling sa konting pahinga lang.
Wala rin silang nagawa sa dulo since mas pinipilit ko na ayoko. Hinahayaan ko na lang si Rein at Luis ang maging silbing doctor ko dahil nagpupumilit sila na dalahan ako ng pagkain araw-araw sa kwarto kung ayaw ko daw mag hospital. Hindi na lang din ako nakatanggi kasi ano din magagawa ko? Ayoko na tumagal yung bangayan naming tatlo dahil bangayan palang nila dalawa ay nakakarindi na.
"Hellooo! I'm back!" Napatingin kami kay Luis na may hawak-hawak na dalawang box ng pizza. Jusko, walang kasawaan sa pizza.
"Hindi ka ba nauumay diyan?" Natatawa kong tanong sa kanya kasi nung isang araw ayan din yung binili niya at kaming tatlo lang din ang umubos nun.
"Ang sarap kaya! Naadik na ata ako." Ibinaba niya sa table yung hawak niya at umupo sa tabi ko.
Nasa living room kami ngayon para maglinis. Ayaw talaga ako pababain ni Rein pero bumaba pa din ako kasi ayoko naman magkulong lagi sa kwarto niya 'no. Tsaka kaya ko na rin naman na kumilos kaya wala na silang dapat ipag-alala.
Uuwi yung mom ni Rein ngayon kaya naisipan niyang maglinis para wala siyang maririnig na kahit anong sermon mamaya. "Ay hindi pwede!" Kinuha niya yung walis tambo na dapat kukunin ko para tumulong.
"Umupo ka lang diyan!" Tinuro niya ang sofa kaya natawa na lang ako.
"Oo nga! Dapat sit and relax ka lang." Pinat ni Luis ang tabi niya habang naka-dekwatro.
"Aray! Muntik na ko doon!" Hindi ko mapigilang matawa nung binato ni Rein ang walis tambo sa harap ni Luis.
"Anong aray?! Hindi ka naman natamaan!" Napailing na lang ako dahil magsisimula nanaman ang ingay nilang dalawa.
"Tulungan mo ko dito!" Mas tunog utos pa ang panghihingi ng tulong ni Rein kesa sa suyo eh.
"Ayoko nga!"
"Galing sayo mga kalat dito kaya tumulong ka!"
"Anong ako? Sayo 'yan eh! Kayo kumain niyan ni Lara kahapon!"
"Tanga, tignan mo balat ng burger! Sayo 'yan!"
"Ako na nga! Ang ingay niyong dalawa." Inagaw ko yung walis tambo na hawak ni Luis.
BINABASA MO ANG
Tanging Larawan
FanfictionZac Ethanace knows that she never dream of having a perfect life because we all know that life will never be perfect. However, Zac wants to be perfect for her. He wants to be the best man she could have ever asked for. ESC SERIES #1